[05]

1.6K 48 5
                                    




Akala ko matutuloy na ang planong pagpapagawa ng sirang cellphone ko pero pagkatapos ng eksenang 'yun, bigla na lang akong nilayasan ni Yenna. Hindi ko na rin talaga siya maintindihan. Parang nangangailangan siya ng tulong kanina tapos bigla namang mag-aalburuto pagkatapos. Hinayaan ko na lang tutal karapatan naman niyang mag-emote. Sino ba naman ako para magdemand ng oras niya? Eh parang ako pa nga ang nakaabala sa kanya 'di ba?


"Naknang, Kurt! Nandito ka na naman? Bahay mo ba 'to, ha?"


Napakunot ang noo ko sa bungad sa akin ni Albie. Parang tanga si gago. Kung maka-react, napaka-OA. Eh wala naman ako dito sa kanila kahapon. Gawa-gawa lang siya.


"OA mo," sabi ko habang nilampasan lang siya at dumiretso na sa loob ng bahay nila. Syempre, welcome ako dito. Anak ako ng mama niya na tita ko. . . na mama niya nga. Lol. Nabored ako sa bahay kaya mas pinili kong pumunta dito. Ayain ko lang 'tong tropa ko na magdota.


"Welcome home, ah," sarkastikong banat niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Mula ata kinder magkaklase na kami nyang si Albie. Alam ko na baho ng utot at hininga niya. Sabay pa rin kami nagpatuli. Goals talaga. Sabay din ata kami tatanda tapos magbubungguan kami ng wheelchair balang araw. Syempre, hampasan na rin ng tungkod.


"Thanks, tol," natatawang sagot ko.


"Ano bang ginagawa mo dito?" parang inis pa niyang tanong. Ayaw niya ba ako dito? Pakiramdam ko may tinatago 'to, eh.


Sinipat ko siya ng tingin. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin pagkatapos ay umakto na parang wala lang. Kilala ko si Albie. May tinatago 'tong hayop na 'to.


"Ano 'yun?"


"Alin?" Maang-maangan pa niya.


"Ano nga? May tinatago ka 'noh?" Niliitan ko siya ng mata. Pakiramdam ko alam ko na. Pumunta ako sa may kusina nila at agad binuksan. Nakahabol naman sa akin si Albie na parang pipigilan pa ako.


"Ah pucha naman, Kurt!"


Kaya pala. . .


Lumaki ang ngisi ko sa kanya. May bagong stock ng Reese's sa bahay nila- pareho naming paborito. Alam kong tinatago niya sa akin kasi madamot siya.


"'Wag kang madamot, tol."


Inismidan naman niya ako. "Do'n ka nga sa mama mo magpabili ng Reese's," inis pa niyang sagot.


"Eh mama ko rin 'yang mama mo." Lalo siyang bumusangot na ikinatawa ko. Wala na rin naman siyang nagawa. Nilantakan na namin 'yung stock nila ng Reese's. Sabi na, eh. Walang takas 'tong si Albie sa akin.


"Hindi pa rin gawa cellphone mo?" usisa niya habang nakaupo na kami do'n sa sofa nila. Parehas na kaming may hawak na controller. Dota ang plano pero nauwi na sa paglalaro ng NBA 2k.


Umiling ako na hindi siya tinitingnan. Nakapokus ang atensyon ko sa tv screen. Ayokong matalo sa kanya dahil competitive ako. "Hindi pa."


"Ayaw kang bayaran ni Yenna?"


"Matigas ulo, tol. Sumasakit bunbunan ko sa kanya."


Natawa naman siya sa sinabi ko. "Gano'n talaga 'yung si Yenna. . . pero mabait din naman 'yun. Iba lang talaga siya."


Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. "Ibang-iba talaga. Sobrang angas, akala mo naman ang laki niya."


"Cute size nga naman."


Napailing ako. Ibang-iba nga si Yenna. Hindi ko talaga alam kung saan niya hinuhugot katarayan niya eh. Parang ang lalim ng atraso mo sa kanya para barahin ka nang gano'n. Pero sa halip na mainis, lalo lang ako natutuwa eh. Parang timang.


"Bakit ka ngumingiti? Crush mo ba 'yung si Yenna?"


Nawala ang ngiti sa mukha ko. "Anong crush ka dyan?!"


Pinagsasabi nitong si Albie. Parang tanga 'yung mga idea. Natawa lang ako dahil laging sambakol mukha niya. Bakit naman niya iisipin na crush ko agad?


"Sus! Deny ka pa, orb. Oks lang 'yan. Maganda talaga si Yenna. . . maangas nga lang. Baka 'di ka umubra do'n."


Napakunot naman ang noo ko. "Pinagsasabi mo d'yan, gago!" Kung ano-ano tinatanim niya sa utak ko. Nagflash tuloy mukha ni Yenna sa utak ko. Ampucha.


Second day ng foundation week, wala na sana akong balak pumasok kung hindi lang nag-aya si Nico na ililibre raw niya ako ng kwek-kwek mamaya. Gusto atang kaming gamitin para makasama na naman sila ni Mich. Ang weak ng galawan. Pwede namang ayain na lang eh.


Noong ika-third day naman, hindi na lang ako pumasok. Nakatanggap pa ako ng mura kay mama pero dahil malakas ako sa kanya, wala na rin siyang nagawa. Wala rin naman klase dahil puro mga may event sa school. Sayang din pamasahe kung sakali. Pang-kwek-kwek ko na lang sana 'yun.


Noong last day, bumungad agad sa araw ko si Yenna. Mag-isa siyang naglalakad papuntang school. Timing na bigla kaming nagkasabay sa may guard. Hindi man lang siya lumilingon sa gawi ko at mukhang walang pakialam sa mga nakakasabay. Angas talaga.


Sinubukan kong pantayan ang lakad niya. "Kailan mo ipapagawa ang phone ko?"


Napaigtad naman siya sa sinabi ko. Mukhang nagulat kung sino ang kumausap sa kanya. Pagkakita sa akin, ang sama na agad ng tingin. O, ano naman atraso ko?


Inirapan niya ako. "Ang kulit mo talaga, no? Akala mo tatakasan kita!"


Napangisi ako sa sagot niya. "Bakit? Tatakasan mo nga ba ako?"


Nanlaki ang mata niya. Ke-aga-aga, ang init na agad ng ulo. "Tingin mo sa akin?!"


Tinawanan ko siya. Alam kong hindi naman niya ako tatakasan pero kinukulit ko lang talaga. Wala namang kaso kung wala akong nagagamit na cellphone. Iniinform naman ako ni Albie sa mga ganap sa gc. Wala rin naman akong kachat na maghahanap. Kaya okay lang. . .


Inirapan niya ulit ako pagkatapos ay binilisan na ang lakad para makalayo siguro sa akin. Hinayaan ko na lang siya kesa mawala siya sa mood. Paniguradong ipapagawa niya na rin naman agad ang cellphone ko sa kagustuhang 'wag ko na siyang kulitin.


Hindi pa ako nakakapasok ng freedom hall, may dumamba na sa likod ko. Muntik na akong mapasubasob sa bigat niya. Paglingon ko, si Albie pala. Tawa siya ng tawa sa ginawa sa akin. Pilit ko siyang inabot para batukan kaya naman tatawa-tawa siyang tumakbo papalayo sa akin.


"Gago!" sigaw ko na lang. Ang sakit kaya sa likod. Buti na lang medyo good mood ako ngayong umaga kaya dinedma ko na lang siya.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon