[22]

534 16 3
                                    


"Mister Salma, I can see that you're late."


Napapikit naman ako nang mahuli ako ng professor ko na gumagapang papasok ng room. Tumayo ako ng ayos, pinagpagan ang pants ko. Ngumiti ako ng malaki kay ma'am na seryosong nakatingin sa akin, nakataas pa ang isang kilay. Ampucha. Ang aga-aga bad mood si ma'am.  Akala ko makakalusot na ako sa kanya pero matalas talaga ang mata niya. Thirty minutes akong late sa klase dahil napuyat ako kagabi. Sinisisi ko dito si Albie dahil kahit siya naman ang nalasing, ako pa rin ang napagod mag-alaga at mag-uwi.


Napakamot ako sa ulo ko para magmukhang inosente. "Ano po. . . sira po kasi relo sa amin, ma'am," nahihiyang palusot ko. Narinig ko ang pigil na tawa ng iba kong kaklase dahil sa sinabi ko. Parang mga tanga, gagi. Mahuhuli ako lalo n'yan ngayong tumatawa sila.


"You've got some humor, mister. Bakit? Isa lang ba ang relo sa inyo? Wala bang orasan d'yan sa cellphone mo? Are you trying to make fun of me with that lame excuse?!" dumagundong ang boses niya sa buong room. Yumuko ako para iwasan ng tingin ang nanlilisik niyang mata. Tumahimik ang buong klase dahil sa sigaw ni ma'am. Confirmed. . . hindi maganda ang gising ni ma'am, baka hindi masarap ang ulam. O kaya naman baka naubusan ng stock ng 3n1 sa may canteen. 


Tumikhim siya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. Inayos niya ang salamin sa mata tapos humalukipkip sa harap namin.  Pumalatak pa siya bago magsalita. "Hindi kita papapasukin next time kapag late ka ulit, understand?!"


Dahan-dahang akong tumango bago lumakad patungo sa pwesto ko. Siniko ako ng kaklase kong si Arman tapos tinawanan ako ni ungas. Inilingan ko na lang siya dahil mas malimit pa rin naman siyang mamura ni ma'am kaysa sa 'kin. Si Albie talaga ang may kasalanan nito. Sisingilin ko siya mamaya ng marami-raming streetfood.


"Mister Salma," tawag ni Ma'am De Lunas sa apelido ko. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Ano na namang problema sa akin? Katatapos niya lang magdiscuss kaya naman nagkukwentuhan lang ang iba sa amin.


"Dahil late ka naman, kuhanin mo ang logbook ng COMMA doon sa stock room natin sa second floor." Sinipat niya ako ng tingin tapos sinenyasan na ako na lumabas na. "I need it now," mataray na sabi pa niya. 


Wala akong nagawa kundi tumango at sundin ang inuutos niya. Pinagdiskitahan na naman ako dahil nga late. Kahit mabigat ang loob ko dahil sa katamaran, lumabas na ako ng room para bumaba sa second floor. Humikab pa ako ng ilang beses, sign na kapos ako sa tulog. Si Albie pa rin ang may salarin no'n.


Mukhang library sa dami ng shelves ang stock room ng Xanders. Dito talaga tinatambak ang mga logbook at iba pang documents ng mga organizations. Ang kaibahan lang nito sa mismong library, walang nagbabantay ngayon sa room na 'to kaya masyadong tahimik at madilim. Nakita ko naman agad ang shelf ng department namin. Inilibot ko ang tingin sa mga label ng logbook hanggang sa matagpuan ko ang kailangan ni ma'am. Pagkatapos kong kunin, dumiretso na ako sa pinto para umalis. Natigilan lang ako nang biglang umingit ang pinto.


Tangina, ano 'yun?!


Hindi ko na sana papansinin ang kaluskos pero naramdaman kong may kasama pa ako dito sa stock room. Walanjo. Hindi pa nakadagdag na madilim dito sa pwesto ko dahil nasa dulo ng kwarto. Katulad ng mga nasa horror film, binagalan ko ang paglalakad papunta sa may pinto. Curious akong luminga sa paligid. Kapag namatay ako sa lugar na 'to, si Ma'am De Lunas ang sisisihin. . . pati na rin si Albie na ngumawa at naglasing kagabi kaya na-late ako kanina at nautusan ngayon.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon