[18]

589 19 1
                                    


"Mas malaki pa rin hotel lobby namin."


Tinaasan ako ng kilay ni Ericka, tila nagmamalaki. Kakapasok lang namin sa hotel lobby ng HRM department dito sa Xanders. May mga cocktail tables sa gitna tapos open ang bar counter sa unahan. Ang mga buffet table ay nasa dalawang gilid pati na rin ang mga party tables ng VIP at iba pang guests. Hindi karamihan ang tao na naririto sa loob dahil mga importanteng bisita lang naman ang pwede 'tsaka syempre, ang mga nanalo sa pageant. Pwede rin silag mag-imbita ng kapamilya o kaibigan kaya naman nakabuntot ako kay Albie.


Sinulyapan ko si Ericka. Nakita ko siyang tumatango habang nakatingin sa paligid. Mukhang namangha pa nga siya na maganda ang ayos ng hotel lobby ng Xanders.


Hinanap ko kung nasaan ang lamesa nina Albie at Trina. Nandoon sila sa may pinakagilid, medyo dim ang light sa pwesto nila kaya hindi ko agad makita noong una. Apat sila na naroroon, si Albie, si Trina, ang make-up artist niya 'tsaka. . . si Yenna ba 'yun?


Paglapit namin sa pwesto nila, doon ko lang nakumpirma na si Yenna nga iyon. Nanlaki ang mata ko sa tuwa. Akala ko hindi ko na siya makikita ngayon. Wala pa akong natatanggap na reply sa kanya kanina. Paniguradong pinilit 'to ni Trina na sumama. Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan ang paligid. Mukhang ayaw niya talaga sa mga ganitong lugar. Halatadong 'di siya komportableng sumama.


"Oy, lods!" bati sa 'kin ni Albie, tumayo pa siya para yakapin ako na akala mo naman eh hindi kami nagkita kanina. 


Binatukan ko siya sa ulo. "Siraulo. Ibinaba ko lang 'yung gamit mo sa kotse." Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya sa pagtataka nang lampasan niya ako ng tingin. Nagets ko naman agad kung bakit. Siniko ko ng mahina sa braso si Ericka na nakatingin sa bar counter. 


Sinamaan naman ako ng tingin pabalik. Akmang mumurahin niya pa ako pero inunahan ko na agad ng pagsasalita. "Si Ericka pala. . ." Tinuro ko ang katabi ko na mukhang walang pakialam sa mga kaharap namin.


Nakita kong nag-iwas ng tingin si Yenna samantalang nagbigay lang ng maliit na ngiti si Trina. "Ericka, si Trina, si Albie. . . 'tsaka si Yennefer."


Ngumiti lang si Ericka sa tatlo at umupo na sa katabing upuan ko. Syempre, doon agad ako nagtungo sa katabing upuan ni Yenna. "Congrats nga pala, Trina! Deserve mo 'yung pagkapanalo, 'di tulad ng isa dyan!" asar ko pa.


"'Di mo raw deserve manalo, Yenna," maangan pa ni Albie.


Tumawa si Trina sa sinabi ko. "Thank you, Kurt! I thought you weren't gonna watch because Yenna's not there."


Napansin kong sinipa ni Yenna si Trina sa ilalim ng mesa. "Aw!" daing pa niya. Nagsamaan sila ng tingin dalawa kaya naman nagpakawala lang ako ng awkward na tawa.


"Buti nga nandito ngayon," sabi ko pa. Binalingan ako ni Yenna pero mukhang bad trip na naman siya dahil ang sama na naman ng tingin sa akin.


Buong gabi na yata akong nangulit kay Yenna pero wala akong makuhang matinong sagot, kung hindi nambabara, puro irap naman. Minsan pa nga hindi ako sinasagot, talagang literal na seen zone lang. Natatawa na lang ako sa inaasta niya. Buti na lang talaga mahaba ang pasensya ko. 

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon