[30]

520 17 1
                                    




Sinubukan kong tumunghay para makita ang reaksyon ni Kurt. With his eyebrows furrowed, I can feel that he's confused with everything. . . with Leo in front of us, and with me, who's crying so pathetic because of what I have done.


"Yen-" I flinched at his touch. I never knew that I can feel this strange feeling just by the mere touch of his hand with mine. Kahit na ayoko, kahit na gusto kong manatili sa akin ang mga kamay niya, nilabanan ko ang kagustuhan iyon at iwinaksi ang mga kamay niya papalayo sa akin.


"Go on, Yennefer. Ano pa bang hinihintay mo? I'm getting you your job done. Isn't this what you want?"


Puta si Leo. He's a fucking asshole. I had no choice. Kung alam ko lang na gagamitin niya ako para sa kagagaguhan niya, edi sana inilayo ko na ang sarili ko sa kanya noon. He's not like this before. I don't know what happened.


Sinubukan kong pigilan ang hikbi na kumawala na naman sa bibig ko. My tears won't stop falling kahit anong gawin ko. Sinubukan ko uli mag-angat ng tingin kay Kurt. Gone was his dark aura for Leo, all I can see is his worry for me. How can he still be worried at me when he already heard from Leo that I fooled him?


"K-kurt," nabasag pa ang boses ko. Dahan-dahan akong lumunok para palakasin ang loob ko. His hand in mine that has been trying to comfort me tonight were suddenly gone when I said, "Totoo 'yun, Kurt," pag-amin ko. "I. . . f-fooled you."


Umiling siya sa sinabi ko. Napapikit ako nang makita ang nasasaktan niyang mukha. Mukhang ayaw niyang tanggapin sa sistema na totoo ang sinabi ko. Na niloko ko lang siya. Na hindi ako totoo sa kanya.


At first, I never really liked him kaya madali naman para sa akin itong plano ni Leo but when he started to get close to me, I found myself getting attached to him. Halos makalimutan ko na nga itong kagaguhan ni Leo. All for those stupid frats! Hindi ko rin alam kung ano bang kinalaman pa ni Kurt. Why is he so bad? Why does he have to make me fool Kurt? Why do I have to hurt him this badly?


"Sinasabi mo lang 'yan dahil nandito si Leo. Alam kong tinatakot ka lang ng gagong 'to. I trust you, Yenna. Don't worry, I know you."


Humihikbing umiling ako. "No, Kurt. Hindi mo ako kilala." Huminga ako nang malalim. "Since the day we first met, 'yung pagsasalubong natin, 'yung pagkasira ko ng cellphone mo, 'yung mga pagkikita sa Talisay Tree. . . it was all planned. I fooled you. I made you like me. I. . . I'm sorry."

Liar. Hindi ko sinasadya lahat ng nangyari. It was all coincidence. When Leo found out that Kurt spends time with me, he used me. He was my ex-boyfriend. . . and we were together when we did something bad in our first year. I can't get expelled! Kailangan ko nang grumaduate. I am going to manage our family business and I can't afford any delay. . . and disappointments. Pero. . . baka nga mas mabuti pa siguro kung ma-disappoint ko na lang sila dahil totoo naman ang katangahan na ginawa ko noon, baka nga mas mabuti pa na ma-expelled ako kaysa ganito. . . na nakikita ko si Kurt na nasasaktan sa ginawa ko.


"You're lying."


"Yes, Kurt, I lied to you! Nagsinungaling ako sa 'yo sa lahat. Hindi totoo ang pagkatao ko. I'm just this selfish bitch who fooled you!"


Umiling siya, hindi makapaniwala sa narinig sa akin. He gritted his teeth. I saw how his eyes changed from gentle to anger. "Are you satisfied? Masaya ka ba na nasaktan mo ako?" walang emosyon na tanong niya.


I bit the insides of my cheek para pigilan ang hikbi na gustong kumawala. No, Kurt. How can I be happy when I'm seeing you like this?


Tumango ako, contrary to what I really wanted to do. "He's satisfied. . . " Tinuro ko si Leo. "So I am, too."


He smiled with no amusement. "I'm asking you if you're happy?!" sigaw niya na ikinapikit ko.


"Yes!"


Lumamlam ang mga tingin niya. "Then, why are you crying?" Lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Why can't he just get angry with me? Bakit kailangan niyang maging ganito? Tangina! I never knew I can fucked this up so bad.


Pumalatak bigla si Leo. Padarag niyang hinila ang kamay ko. Nanghihina ako kaya hindi ako nakaalma. "I'm getting bored of this show already! Tara na, Yennefer! Why do guys have to be so emotional? Gusto ko 'yung magsigawan kayo, hindi ganitong mga parang tanga!" Mahigpit ang kapit ni Leo sa kamay ko.


"Yenna!" sigaw niya. Nahirapan akong salubungin ang tingin niya. "Sabihin mo sa 'kin. . . b-bakit?"


Napakagat ako sa labi ko para lakasan ang loob. Umiling ako sa kanya. "I'm. . . I'm s-sorry."


One last glance at Kurt. Nakita kong nakayuko na siya. I even saw how he wiped those tears in his eyes. Mukhang pinipigilan niya pa kanina pero noong nakaalis na kami, nakita ko ang tuloy-tuloy na pagbagsak nito.


Sinubukan kong umalpas sa pagkakahawak ni Leo. "You fucking asshole, Leo!"


"Really, Yenna? Ako ba ang asshole o ikaw? Sino ba ang nanloko?" he smirked evilly. I can't believe that I associated myself with him!


Isinakay niya ako sa kotse niya kaya wala akong nagawa. Padarag niya akong tinulak sa loob kaya sumalampak ako. Siya na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt ko dahil hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Bago siya makabalik sa pagkakasandal, agad ko siyang pinatakan ng malakas na sampal sa pisngi. Nakita ko ang pagbaling ng mukha niya sa gilid dahil sa lakas ng impact. He immediately recovered and put his left hand on my neck, trying to choke me. Nahirapan akong huminga sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko. He just evilly smirked at me which made me shiver in fear.


"Do that again, bitch. Try me," gigil na wika niya. Masyadong nanlilisik ang mga mata ni Leo kaya naman natakot ako. Nababaliw na talaga siya. Wala na siya sa tamang katinuan! How can he. . . choke me like this? Is he trying to kill me?


Kumawala ang kamay niya sa leeg ko kaya hinabol ko ang hininga ko. I was so mad at him. . . but more to myself 'coz I let him use me. Naiisip ko si Kurt. It was even his birthday- his special day, yet I ruined it for him.


Wala tuloy akong nagawa kundi umiyak nang tahimik. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Leo. Wala akong lakas na umalma sa kanya, especially now that I can still feel his massive hand on my neck. Para akong nasasakal.


I couldn't stop thinking about Kurt. . . how he slowly removed his hand from mine, like he can't believe that I did that to him. Tangina! Hindi ko alam kung dapat bang sisihin ko pa si Leo, e ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. I used him. I used Kurt. Siya na nga lang nakakaintindi sa akin. Siya lang 'yung umaalala. Bakit kung kailan nagiging masaya na ako saka naman magiging ganito? Saka naman mawawala.


Mapapatawad pa ba niya ako sa ginawa ko? Ang alam niya, kasinungalingan lang lahat ng ipinakita ko. How can he still believe me after that? Pati ako kinasusuklaman ko na nga rin ang sarili ko. Ang sama ko! I don't deserve him. He's better off without me.

Masaya na ako na I get the chance to be with him. . . kahit na kaunting panahon lang.


Halos mapugto na ata ang mata ko kakaiyak. Matagal ang naging byahe namin at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Bumabagsak na ang talukap ng mata ko sa pagod. Hindi lang tumutuloy ang pagpikit ko dahil masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Leo. Right now, I don't care about what he wanted to do. Hinayaan ko na lang siya.


Mas lalo pang binilisan ni Leo ang pagpapatakbo ng sasakyan. I wanted to curse at him and tell him to stop. . . pero ayaw na ng katawan ko, ng isip ko, at ng puso ko. Wala na akong lakas para lumaban sa kanya.


I was about to close my eyes when I saw the blinding lights from the vehicle in front of us. I instantly heard a blaring sound when something hit our car. Halos mabingi ako sa lakas ng impact. What the actual fuck?! Bago ako mawala sa ulirat, may huling tanong na pumasok sa isip ko. 'Is this the end of me?'

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon