[35]

493 22 1
                                    




He surely know how to ruin my night. Wala lang ako sa mood kanina pero ngayon, sinira na niya talaga. Presensya niya pa lang, kumukulo na ang dugo ko.


Leo smirked. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Yenna. Tinuturo pa kami. He was amused to see us both here. Clearly, it was the opposite for us. Gusto kong umbagan 'tong si Leo para matanggal 'yang nakapasak na ngisi sa mukha niya.


"Wow! Look who we have here!" Pumalakpak pa siya habang papalapit sa amin. Pareho na kaming nakatayo ni Yenna sa harapan niya. I wanted to grab Yenna and just leave Leo here. Pero asa pa naman na hayaan niya kami. Eh pinaglihi sa kakupalan 'to.


"Nagpapasok pala sila dito ng gago?" I provoked him. He clenched his jaw, nawala na ang ngisi sa mukha. Mukhang inis na rin siya.


Sinulyapan ko si Yenna para senyasan siyang umalis na kami. Nakuha naman niya kaya lumapit siya sa akin para sumama. Just when we were about to go, Leo suddenly blocked us.


Pumalatak ako. Itinulak ko siya sa inis. "Tangina! Fuck off!"


Tumawa siya. He even raised his hands as if surrendering pero halata naman na ginawa niya lang 'yun para inisin ako lalo.


He smirked. "Chill, bro. Bakit ba aalis na kayo agad? Hindi ba tayo pwedeng magcatch-up?"


"Leo, please. . ." Yenna desperately called.


"What, babe? Catch-up lang." He tried to touch Yenna but she brushed him off.


Huminga ako nang malalim. Nag-iinit bungo ko kay Leo. Ayoko na magulo itong event tapos ako pa ang mabalita na nag-eskandalo. Buti na lang din walang masyadong tao ngayon sa pwesto namin.


"Don't call me babe! And don't you ever touch me!" Yenna was furious. Akala ko nga sasampalin niya pa si Leo. Hinawakan ko na ang braso ni Yenna at inaya siya na umalis na lang.


"So you already forgiven her? After what she did to you, huh? Bumalik ka pa rin? Magpapaloko ka ulit?"


He's really getting into my nerves. Naramdaman ko ang panlalamig ng braso ni Yenna. She slowly removed my hands from her. Lumapit siya sa pwesto ni Leo then she slapped him. We heard loud gasps from the guests. Malakas ang lagitik ng sampal niya. Leo's face turned. Pero hindi pa rin nawala ang angas sa mukha niya. He still has that smug face.


"Hindi ka ba titigil?! You look pathetic! Papansin ka nang papansin sa amin! Ikaw 'tong 'di maka-move-on! Magmature ka naman kahit kaunti. You're still the same asshole from college!" Well, that made him looked angrier. Hinila ko na ulit si Yenna dahil baka kung ano pa ang magawa ni Leo.


"Tara na," aya ko.


Bago kami umalis, narinig pa namin na malakas kaming minura ni Leo. Nag-eskandalo na siya sa loob kaya naman inawat na siya ng mga security. Nakarinig pa kami ng pagkabasag ng mga baso. Ampota. Nagwala pa ata do'n. Maluwag talaga turnilyo no'n sa utak.


Mabigat ang paghinga ko at napansin kong gano'n din si Yenna.


"Ayos ka lang?" seryosong tanong ko.


Tumango siya. Pero halatadong apektado siya kay Leo at sa mga sinabi nito.


Samantalang hindi rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Leo kanina. Ngayon lang sila rumehistro na nasa labas na kaming dalawa ni Yenna.


Napatawad ko na nga ba siya pagkatapos ng mga ginawa niya noon? Nagpapaloko na naman ba ako sa kanya?


Stupid thoughts continue to consume me. Walang nagsalita sa aming dalawa. Alam kong pareho kaming naapektuhan sa nangyari.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon