[19]

567 20 0
                                    


"Huy, Yenna! Anong problema?"


Nahihilo na ako sa bilis ng paglalakad ko maabutan lang si Yenna. Para kaming nagwa-walkathon. Maliit lang ang biyas niya pero mukhang balak niya talaga iwasan ako kaya mas mabilis ang lakad niya kaysa sa inaasahan. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko agad maabutan. Hindi ko nakita 'yung dinaraanan ko kaya natisod pa ako do'n sa may batuhan. Buti na lang hindi ako nasubsob sa may bermuda grass nina Albie. Alam ko pa namang dito umiihi at jumejebs 'yung mga pusa ng kapitbahay nila.


"Yenna!" tawag ko ulit sa kanya. Mahilig talaga siya sa hit and run. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinampal. Gusto ko lang naman siyang ihatid dahil gabi na. 


Naabutan ko siyang naghihintay ng tricycle dun sa may waiting shed. Seryoso ba siyang uuwi siyang mag-isa? Alas dies na ng gabi kaya delikado na kung ba-byahe mag-isa. Hinawakan ko ang kanang braso niya para paharapin sa akin pero nagulat ako ng kamay niya ang mabilis na dumapo sa pisngi ko. Tangina! Strike two na, ah? Mukhang nahihimasmasan na ako.


Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya, namanhid ata sa sobrang lakas. Kinunotan ko siya ng noo, nagtataka kung bakit niya ginawa iyon. Nang lingunin ko siya, galit na galit ang mga tingin na ipinupukol niya sa 'kin. May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako hindi niya gusto? 


Marahas niyang binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Tangina! Huwag mo 'kong hawakan!" may diin niyang sabi. Sinubukan kong lapitan siya pero umatras lang siya papalayo sa 'kin.


Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. "Yen? Ano bang problema?"


Pumalatak siya. Inis siyang nag-iwas ng tingin sa akin tapos nang humarap naman, nagpakawala ng mura. "Puta! Ikaw ang problema ko!"


Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong nagawa ko?"


Tumawa siya nang may panunuya. "Ano ba?! Bakit mo ba ako pinaglalaruan?! Bakit kailangan mo akong pagdiskitahan?!"


Pinaglalaruan? Saan naman galing 'yun? Bagay ba siya para paglaruan ko? 'Tsaka hindi nga sabi ako gamer! "Hindi kita pinaglalaruan. Ano ba 'yang sinasabi mo?" depensa ko. Humakbang ako papalapit sa kanya, sinubukan kong hawakan siya pero hindi niya hinayaan na makalapit man lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ganito ang nangyayari? May tama ba siya? Ako kasi may tama sa kanya.


"Nananahimik ako, Kurt! Wala na akong atraso sa 'yo, ah?" marahas niyang sabi habang dinuduro pa ako. "Bakit kailangan mo pa rin akong sundan at inisin? Bakit kailangan pang asarin at pagtripan? Bakit lagi kang nakabuntot sa akin na parang tanga?! Tangina naman! Hindi ko nga gusto na makita ka. Hindi mo ba maintindihan 'yon?!"


Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi pa nagsink-in sa akin ang mga salitang binitiwan niya. Ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa mga ginagawa ko. Nag-iwas ako ng tingin, nahiya sa mga sinabi niya. Hindi ko naman siya pinaglalaruan. . . hindi ko rin intensyon na inisin o pag-trip-an. Sadyang nagpapansin lang ako dahil nga may gusto ako sa kanya. . . kaya lagi akong nakabuntot. Pero hindi ko naman alam kung gaano niya ka-ayaw na makita ako. 


Huminga ako nang malalim para magkaroon ng lakas ng loob na umamin. "Yenna. . . ano-" Pumalatak ako dahil nauuna ang kaba sa dibdib ko. Nahahalata ko pa na gusto na niyang umalis sa harap ko. "Yenna, gusto kita kaya ano- lagi akong nakabuntot sa 'yo. . . laging nang-aasar at nang-iinis para lang mapansin mo. Hindi naman kita pinaglalaruan. Wala akong intensyon na gano'n."

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon