[11]

1K 34 2
                                    


"Anong nangyari, tol?" nagtataka kong tanong kay Albie habang palapit sa pwesto niya. Mukhang masama na 'yung mood niya samantalang sobrang excited naman nito kanina. Nakita kong nasa harap niya si Trina na mukhang anytime ay bubuhos ang iyak, halatado ang nanunubig niyang mga mata.


"Anong nangyari, Iya?" Binalingan ko ng tingin si Iya na mukhang gulat na gulat sa nangyari. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong mag-usisa eh wala namang sumasagot sa kanilang dalawa.


Nakita kong lumapit si Trina sa pwesto namin. "Hey." Masuyo siyang nakatingin kay Albie samantalang kabaligtaran naman ang ipinapakita ng kaibigan ko. Ngayon ko lang nakita 'to na parang galit. 


Akala ko hindi na siya sasagot pero pumalatak pa siya, "Ano?" malamig na tugon nito. Halatadong bad trip kaya hindi na ako sumingit.


"I. . . just want us to t-talk," mahinang sambit niya. Nag-iwas pa ng tignin si Trina, nahihiya ata sa inasal. 


Sarkastikong tumawa naman si Albie. "Ngayon gusto mong mag-usap? Eh kung nakipag-usap ka muna sa akin bago ka umeksena, ha?!"


Yumuko si Trina sa pagkakapahiya. Hinawakan ko naman ang braso ni Albie para pigilan siya sa kung ano man ang sasabihin niya. Galit lang 'to kaya baka kung ano ang masabi niya. Ayoko  naman na may sabihin 'tong pagsisihan niya. Paniguradong hindi naman intensyon ni Trina na galitin siya. 


Umiiling na umalis si Albie tapos hinila kasama niya palabas si Iya. Naiwan kaming hindi alam kung anong nangyari. . . at kung anong gagawin. Narinig ko ang malalim na pagbuntonghinnga ni Trina. Mukhang paiyak na talaga siya kaya naman inaya ko muna siya sa labas.


"Okay ka lang?" Nakakabobo 'yung tanong lalo na kung ganito ang itsura niya pero hindi ko pa rin mapigilang itanong out of sympathy.


"Uh. . . I d-don't know?" nagcrack pa ang boses niya. Natigilan ako nang makitang may tumulong luha sa pisngi niya. Umiyak na nga siya. Walanjo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may umiiyak. Ampucha. May ice cream bang sineserve dito?


"Here," sabi ni Eliza tapos inabot pa ang panyo niya. Buti nandito pa 'to sa tabi ko. Baka sabihin ng mga makita sa amin ako nagpaiyak dito. Ayokong pag-isipan pa ako ng masama. 


Inaya ko na silang umupo sa bench do'n sa labas. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman napansin ko ang pagyakap nila sa kanilang braso.Napakamot ako sa ulo. "Paano ba 'yan. . . wala akong jacket, eh. Gusto niyo bang maghubad ako dito tapos paghatian niyo 'tong polo ko?"


Tumawa si Eliza sa sinabi ko. "Siraulo!" 


Nakita ko namang maliit na tumawa lang si Trina. "Don't bother."


Sinamahan lang namin si Trina dito hanggang sa matapos siya sa pag-iyak. Walang nagsalita sa amin dahil ayaw namin makaabala sa kanya. 


"Thanks for staying with me." Binigyan niya kami ng maliit na ngiti. "I- I saw him with a girl kasi kanina. . . I don't know why I did that. . .  why I went to her and pushed her aggresively. Siguro I got jealous lang na they were close. I was so immature and rude!"


Napaawang pa ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Inamin niya talaga na may gusto siya kay Albie at nagseselos siya sa nakita niya. Napailing ako, hindi makapaniwala. Walanjo. May gusto siya kay Albie? Simula ba 'to nung nakita niya kami sa library?


Natawa ako. "Pinsan ko 'yung si Iya, parang nakababatang kapatid na namin ni Albie."


Parang lalong tinakasan siya ng kulay sa mukha nang marinig ang sinabi ko. Yumuko siya tapos nag-angat ng tingin. Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Oh. . . I'm sorry! 'Di ko naman alam, eh. It's just. . .  my mind got so clouded of selos. I'm so stupid!" Mukhang paiyak na naman siya kaya tinawanan ko lang ang sinabi niya to lighten the atmosphere. Hindi ko magawang seryosohin ng todo dahil natatawa ako sa ka-conyo-han niya.


"Wala 'yun. Magsorry ka na lang siguro kay Iya. . . 'tsaka kay Albie. Protective 'yun kay Iya, eh."


Tumango siya, pinunasan niya pa ang luha niya sa pisngi gamit ang panyo ni Eliza. Hindi naman siya mukhang maarte, sadyang ganito lang ata talaga ang personality niya.  "'Wag kang mag-alala kakausapin ko si Albie. Gusto mo tulungan kitang kausapin siya?"


Nanlaki ang mata niya sa gulat. "You'll do that?!" 


Tinawanan ko siya. "Oo! Gusto mo nga?"


Tuwang-tuwa na tumango siya. "Yes, please! I promise to make bawi sa kasalanan ko!" Napailing ako sa pagiging conyo niya. Mukhang wala lang naman sa kanya dahil sinabayan niya rin ako ng tawa.


"Cute mo!" komento pa ni Eliza. 


Iniwan ko muna silang dalawa do'n para hanapin si Albie. Nalibot ko na ata ang lahat ng sulok ng lugar pero walang Albie na nagpakita. Baka umuwi na yo'n kaya naman sinubukan kong tawagan. Walang sumasagot sa tawag kaya naman medyo nag-alala ako. Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya nagbabakasaling mabasa niya tapos maghimalang magreply siya.


Tol, san ka nag-eemote? Send loc pls


Sinubukan kong balikan sina Eliza at Trina sa pinag-iwanan ko sa kanila. Nakita kong nando'n pa rin si Trina pero wala na si Eliza. Lumapit ako sa pwesto niya. "Okay ka na?"


Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya ng malaki, "Yes! Thank you, Kurt!"


Napangisi ako. "Tanda mo ang pangalan ko?"


She shook her head, natatawa sa tanong ko. "Of course! Ano ka ba!"


"Okay! Akala ko si Albie lang natandaan mo, eh."


Inirapan niya ako. "I'm not gano'n 'noh! Anyway, I already knew you na talaga."


Napakunot naman ang noo ko. Huh?


"Paano?"


Ngumiti siya nang nanloloko. "I saw your name on twitter! You were being shipped with my bff!"


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ampucha. Anong bff?! "Kaibigan mo si Yenna?"


Tumango siya. "Yes, Kurt. Why? You want me to help you, too?"



The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon