[12]

910 28 4
                                    


"Maaga ka ata ngayon, 'nak?"


Nginitian ko lang si mama na napuna ang maagang pag-aayos ko para sa klase. Alas nueve pa naman ang simula pero kanina pang alas syete ng umaga ako abala. Maaga rin akong aalis ng bahay. Nakaplano na ako kagabi pa kaya naman sinet ko talaga ng limang beses ang alarm sa cellphone ko.


Tiningnan ko ulit ang sinend na location ni Trina. Nagulantang ako nang malaman na magkaibigan silang dalawa ni Yenna pero mas nagulat ako nang bigla siyang magsend ng address nito. Gusto niya raw akong ilakad sa kaibigan niya. Natatawang umiling ako. 


Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng tricycle para makapunta sana sa kanya. Paniguradong maiinis 'yun pag nabungaran ako sa labas ng bahay nila pero 'yun nga ang goal.


Hindi naman masyadong malayong 'tong bahay nila sa school pero kailangan pa rin sumakay ng tricycle. Hindi rin naman complicated ang daan kaya walang dapat ikabahala kung gagabihin siya ng uwi pagkagaling sa school.


Tumambay lang ako do'n sa labas ng gate nila. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Seven-thirty pa lang ng umaga. Sabi ni Trina na 8 pa raw ang simula ng klase ni Yenna kaya may oras pa ako para guluhin siya. 


Akala ko wala na siyang balak pumasok dahil 10 minutes to 8 ay hindi pa siya lumalabas ng bahay nila. Nang mapansin na bumukas ang front door nila, nagtago muna ako do'n sa katabing poste para hindi niya agad ako mapansin. Baka magbago pa isip nito tapos magdecide na hindi pumasok. 


Nang malapit na siya sa pwesto ko, dahan-dahan akong lumabas at lumapit sa kanya. "Yenna," nahihiyang bati ko, napakamot pa ako sa ulo. 


"Amputa!" Napapitlag din ako sa gulat nang sumigaw siya. Napahawak ako sa dibdib ko para habulin ang hininga ko. Mukhang nagulat nga talaga siya nang makita ako sa harapan niya. Ampucha. Ang sama ng tingin niya sa akin. 


"Gago ka ba? Bakit ka nanggugulat?!" Magkasalubong na ang kilay niya, mukhang hindi maganda ang reception sa pagbati ko.


"Hindi naman sa nanggugulat. Binati lang naman kita," depensa ko pa.


Pumalatak siya. "Eh nagulat ako! Anong ginagawa mo dito?!" inis niyang tanong. 


"Dumaan lang," palusot ko. Sinipat niya ako ng tingin. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.


"Dinaanan lang kita," mahinang dagdag ko pa. Binaling ko ang tingin sa paligid para hindi tagpuin ang tingin niya. Nahihiya ako sa sinabi ko lalo na't ganito ang reaksyon niya.


Narinig ko naman siyang umangil. "Bakit mo ba ako dinaanan, ha?! 'Tsaka wag mong kalimutan na may atraso ka pa sa akin! Kasalanan mo kung bakit tayo pinag-uusapan ngayon!" Hinampas pa niya ako ng bag pack niya na may bato ata sa loob sa sobrang bigat.


Napadaing ako sa hampas niya. Walanjo. Kinunotan ko siya ng noo. "Teka? Bakit kasalanan ko?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Paano ko naging kasalanan 'yun eh hindi naman ako ang nagpost sa twitter? Ni wala nga akong twitter account!

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon