[21]

577 20 2
                                    







"Saan punta mo, Kuys?"


Sinuklay ko ng huling beses ang buhok ko bago bumaling ng tingin kay Kris na nasa tabi ko. Mukhang wala siyang lakad ngayong sabado dahil nakabuntot lang siya sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka-army green shorts lang ako, black shirt and white sneakers.


"D'yan lang sa may comp shop," sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Alam niya kasing sinabi ko lang 'yun para asarin siya. Lagi kasing computer shop ang dahilan niya tuwing aalis ng bahay eh alam ko naman hindi talaga siya do'n nagtutungo at palusot n'ya lang 'yun.


"Date 'yan no?" Ngumisi pa siya, tila nanunudyo. Inilingan ko lang siya at nilampasan para kunin ang wallet at cellphone ko.


"Ma! Lumalandi na 'tong panganay mo!" sigaw ni Kris. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Ampucha! Sinamaan ko siya ng tingin pero malaki ang ngiti niya sa akin, trip akong asarin.


"Ano?" Hindi ata masyadong narinig ni mama ang sinabi ni Kris. Bluff, amputa. Binatukan ko lang siya nang dumaan ako sa pwesto niya.


May bumusina sa labas kaya naman pareho kaming napalingon sa may bintana. Unang nagtungo doon sa labas si Kris. Kumunot ang noo ko nang makitang nakaawang ang labi niya, tila gulat sa nakita. "Shit."


Dumiretso na rin ako sa labas para makita kung ano bang ikinagulat nitong kapatid ko. Nagsalubong ang mata ko nang makita ang pamilyar na kotse sa labas ng gate namin. Kilala ko na kung kanino 'to at kung sino ang driver ng kotse. Pero hindi ko gusto na nandito siya dahil ang napag-usapan namin ay magkita na lang kami sa may tapat ng school nila.


Bumaba si Ericka ng kotse, nakashades pa. Sinuklay niya ang maikli niyang buhok tapos dumiretso sa pwesto namin, sa may amba ng pintuan. Malaki ang ngiti niya nang sinalubong kami.


"BMW Sedan?!" bulalas ni Kris. Nanatiling nakaawang ang labi niya habang nakatingin kay Ericka. Napailing naman ako. Masyadong mangha 'tong kapatid ko sa kotse ni Ericka. Alam ko naman na mayaman 'to. Nakita ko na rin 'tong sasakyan niya. Doon siya sumakay noong umuwi na kami last week.


She chuckled. "Yeah. You want me to give you a ride?"


Pumalatak ako at tinulak na siya palayo sa pintuan namin. Sumigaw na lang ako kay mama na aalis na ako ng bahay. Si Kris, parang tanga na nakatingin lang sa amin.


"Ang yabang mo talaga," naiiling na sabi ko.


Tumawa naman siya. "Mayabang ba ako? O baka naman naiinggit ka lang?" nanunuya niyang tanong. Hindi ko na lang siya pinansin. Makulit talaga siya kaya pag hindi ako tumigil makipagdiskusyon ay hindi rin siya titigil.


"Saan ba tayo pupunta?" I asked habang nilalagay ko sa backseat ang camera kong dala pati ang tripod. Mabigat at hassle na dalhin pero dinala ko pa rin dahil alam kong mas gusto ni Ericka na ito ang gamitin ko.


Nagseatbelt ako, inilibot ang tingin sa loob ng kotse niya. Ngayon pa lang ako nakasakay sa ganito kaya naman hindi ko rin napigilan na humanga.


"Sa Dom's," simpleng sagot niya habang minamaniobra ang sasakyan.


Kumunot ang noo ko. "Ang layo no'n, ah?"


Bumaling siya sa akin. "So?" Tinaasan niya ako ng kilay. Umiling na lang ako at hinayaan siya kung saan niya gustong pumunta.


Inabot din ng tatlompu't minuto ang byahe namin para makarating sa Dom's. Wala pang masyadong tao dahil hapon pa lang naman. Ang alam ko dinadagsa 'to ng tao pag sapit ng gabi. Nagpark lang si Ericka sa may parking lot bago kami bumaba para pumasok sa loob. Katulad nga ng inaasahan, wala pang masyadong tao. Malaki ang space nito, may mga sofa lounge sa magkabilang gilid, may cocktail table, mayroon ding open space para siguro sa dancefloor, tapos may bar counter doon na malaki sa unahan. May second floor din itong Dom's na nagmukhang resto sa taas. Hindi ko napigilan humanga sa interior nito.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon