[31]

521 17 12
                                    


"Zup, boss? Baka naman lumabo na 'yang mga mata mo kakatitig d'yan sa computer?" 


I let out a heavy sigh before I irritatingly looked at Elden. Minsan napapaisip ako kung bakit ba hindi ko pa siya tinatanggal sa trabaho? Trip niya atang abalahin ako sa lahat ng bagay! Even when I'm busy filing some documents or even talking with a business associate, bigla na lang siya sisingit na akala mo matter of life and death ang sasabihin niya. 


"Baka rin lumabo 'yang mata mo kaka-dota dito sa opisina ko," ani ko. I rolled my eyes at him which made him laugh. Napailing na lang ako. Hindi talaga tumanggi si gago. Mukhang enjoy pa siyang asarin ako. 


"Hindi 'yan, boss, naka-anti-radiation glass naman ako lagi!" masiglang sagot pa niya. Akala mo naman may paki ako. 


Ibinagsak ko ang hawak kong folder sa lamesa bago sumandal sa swivel chair ko. Seryoso ko siyang tiningnan. Inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Akin na ang anti-radiation glass KO." Inemphasize ko talaga ang 'KO' dahil nagf-feeling na naman siya na kanya 'yun. Parang tanga naman siyang kumamot sa ulo bago kinuha sa may bulsa ang salamin. Tangina? Bakit doon niya kinuha sa may bulsa? Ang mahal ng bili ko doon tapos ilalagay niya lang sa bulsa niya? Paano kung naipit niya 'yun noong umupo siya? 


Pumalatak ako, masama ang tingin kay Elden. Mukha naman siyang siraulo na nagpacute sa akin. "Are you fucking kidding me?"


Awkward naman siyang tumawa. "No, sir." Pilit pa siyang nagseryoso kahit hindi bagay sa kanya.


Napahilot na lang ako sa sentido. Puta, nate-test talaga pasensya ko rito kay Elden. 


Inalis ko na ang atensyon ko kay Elden at mas inabala ang sarili sa dapat na tapusin. Ayokong mag-overtime ngayon kaya kailangan kong tapusin ang lahat bago mag-ala-cinco. Hindi ko alam kung umalis na ba si Elden sa harap ko dahil tumahimik ang paligid. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong nakatingin din siya sa akin. Bigla siyang nag-finger heart sign kaya naman ginantihan ko lang siya ng middle finger. 


Tawa siya nang tawa sa ginawa ko. I shooed him away dahil nakakadistract ang pagmumukha niya. "Wala ka bang trabahong gagawin? Sayang ang ipinasu-suweldo ko sa 'yo kung tumatambay ka lang naman," I stated in annoyance. 


Nagpeace sign lang siya tapos nagmamadali nang umalis sa harapan ko at lumabas na ng opisina. Napailing na lang tuloy ako. Hindi pa ako nakakasimula ulit nang magbukas ulit ang pintuan at sumilip siya sa may siwang. "Boss?" 


Pumalatak ako bago walang gana na binalingan siya ng tingin. Ipinakita niya ang phone niya tapos ay itinuro ang screen. Inudyukan ko siyang lumapit sa akin para malaman kung ano bang sinasabi niya. Nang kuhanin ko ang cellphone niya at binasa ang nakalagay sa may screen, kumunot ang noo ko.


S&A furniture produces low quality products


Buyer rates 1 star for S&A


Here's why you shouldn't buy from S&A Furniture


Hindi agad rumehistro sa utak ko ang mga nabasang articles. I couldn't believe what I have just read. Ano 'to? Sinong bobo ang nagsulat ng article na 'to? Ang pangit nung headline. Hindi rin maayos ang pagkakasulat nung lead.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon