LAST

832 21 7
                                    






Hello readers! This is the last chapter of The Girl He Bumped Into. Thank you so much for reading! I would like to thank all the readers who patiently wait for my updates. I don't want to be too emotional but I hope this version would be the last, as in last version ng story ni Kurt. I am very happy na every version na pinopost ko- through the years, sinusuportahan niyo pa rin ako. Without you, I would never reach the end of TGBHI. Hope to see you in my next stories. Till then, I hope you continue to support and love my works. I hope you enjoy this last chapter!



* * *


"Ano, boss? Kaya pa?!"



Pinakyuhan ko si Elden na tawa nang tawa sa 'kin. Lang 'ya naman, celebration ng birthday ko tapos walang ibang ginawa kundi asarin ako. Bukas pa ang birthday ko pero napagdesisyunan namin ngayon na magbirthday salubong. Ewan ko dito sa mga tropa ko, mga feeling cool.



"Gago, tropa! Nilasing mo si Kurt!" Sinamaan ko naman ng tingin si Albie na nagsalita. Akala ata nila hindi ko sila nakikita na dinadaya nila ako sa mga shots.



"Luh, lasing ka na rin! Pareho nating nilasing 'yan!" Natatawang sabi pa ni Elden pagkatapos ay nakipag apir pa kay Albie. Mga ungas. Sinubukan kong tumayo pero parang nahihilo na ako kaya napasandal ako sa may sofa. Hinawakan ko ang sentido ko at hinilot para subukang pakalmahin ang umiikot kong paningin. Ampota, ilan na ba ang nainom ko? Mga gago talaga 'yun.



Umupo na lang ulit ako sa sofa at pumikit, nagbabakasakaling maibsan ang pagkahilo kapag ipinahinga ko ito. Elden was talking so loud I couldn't even understand any word from him. Malakas pa ang music dahil hatinggabi na kaya lalong umingay ang mga tao.


I smirked when I saw Albie and Elise kissing each other on the other sofa. Tang ina. Nagmomol na rito sa bar. Binato ko nga ng tissue. Pinakyuhan lang ako ni Albie kaya natawa ako sa reaksyon niya. 'Di marunong rumespeto.


Nakita kong sumasayaw naman sina Ericka at Ethan doon sa dance floor. Parang mga timang nga. Sina Nico at Mich naman, tahimik lang sa isang tabi, seryosong nag-uusap. Ano 'yan prayer meeting? Mali sila ng pinuntahan. Birthday ko, 'di ba?

"Happy Birthday, Kurt! Tagay pa!" Lumapit na sa 'kin si Ericka at inakbayan pa ako. Napakalong tuloy siya sa may binti ko. Agad kong hinawakan ang bewang niya dahil muntik na siyang mahulog. Ampota naman ang likot malasing. Inabutan niya rin ako ng isang bote ng Alfonso. Agad ko namang tinungga 'yun. Pwe. Mas masarap pag malamig. Naramdaman kong inangat ni Ethan si Ericka sa pwesto niya para paupuin ng ayos sa tabi ko.

"Oy, boss, may hot chick na nakatingin sa 'yo!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Elden. Tiningnan ko naman 'yung tinuturo niya. Sa dami nang tao rito hindi ko alam kung sino ba 'yung bwakanang shit na tinutukoy niya.


"Gago! Sino ba 'yan? Si Yen?"


Narinig kong pumalatak si Elden. "Taena naman, si Miss Yenna na naman. Wala nga si Miss Yen dito."

Napabusangot ako sa sagot niya sa akin. Bakit ba siya nagtataas ng boses sa akin? Siya ba ang boss sa aming dalawa?!

Puta. Bakit kasi ang tagal umuwi ni Yennefer? Alam kong kabibisita ko lang noong isang buwan sa kanya sa Cebu pero syempre nagbabakasakali ako na makita ko siya ngayong birthday ko.


Pero sabagay. . . kung hindi siya makauwi, pwede namang ako. Bakit ko pa pinoproblema 'yun? Pwede ko naman siyang puntahan.


"Hindi pwede, gago! May birthday dinner na nakaplano sa 'yo mamaya. Lagot ka sa mama mo!" singit ni Elden. Narinig niya ba sinabi ko? Akala ko sa utak ko lang 'yun?! Pati ba naman sa utak ko nakikisawsaw siya?!



The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon