[16]

664 20 1
                                    


"Parang matatae ata ako sa kaba, lods."


Tinapik ko lang ang balikat ni Albie. Halatadong kinakabahan nga siya. Siya ang napili ng department namin na magrepresent doon sa pageant ng District Meet. Hindi ko alam kung bakit pumayag 'to pero baka nagipit na rin at natukso sa ligtas points ni dean. Sa ibang department kukunin ang makakapareha niya pero mukhang alam ko na agad kung sino dahil nagtext sa akin si Trina.


From: Trina

Is he pumayag na?


Natawa ako nang mabasa ang mensahe niya. Nilingon ko si Albie sa tabi ko na nakatulala. Nasa may labas kami ng office ni dean at hihintay lang namin 'yung forms na pipirmahan ni Albie para makaalis na.


To: Trina

Wala siyang nagawa, choi. Good luck sa inyo! :)


Paniguradong si Trina ang nangumbinse na sa department namin kunin ang panlaban sa lalaki. Specific din siguro niyang nabanggit si Albie. Malakas pa naman ang hatak noon sa mga higher-ups dahil anak mayaman na, ambassador pa ng school.


"Angas mo mag-emote," biro ko kay Albie. Walang gana niya akong nilingon tapos itinaas ang daliri para pakyuhan ako. Tinawanan ko lang siya dahil mukhang siyang agrabyado ngayon.


"Sino kaya magiging panlaban sa babae?" kuryosong tanong niya. 


Nag-iwas lang ako ng tingin at nagpigil ng ngiti. Lagot ako kapag nalaman niya agad. Baka magback-out pa si Albie n'yan. Dapat ma-fill-up-an niya muna ang form para wala nang kawala.


I shrugged. "Ewan." Playing safe na sagot. Mukhang 'di naman nakahalata si tukmol.


Pagsapit ng lunch time, iniwan ko muna si Albie para puntahan si Yenna. Nakita ko siyang mag-isa doon sa may Talisay. Tinext ako ni Trina na kasama niya si Yen dito tapos umexit na siya nang maabisuhan ako. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya naman hindi niya napansin na papalapit ako sa kanya. Nakasuot siya ng loose na denim pants at black oversized shirt. Bumagay ang look niya sa maiksi niyang buhok. 


Agad siyang napalingon nang tabihan ko siya sa pwesto niya. Pagkakita sa akin, agad siyang nagpakawala ng mura. Tinawanan ko lang siya dahil nainis agad siya sa presensya ko eh wala naman akong ginagawa pa.


"Nandito ka na naman?" inis niyang bungad sa akin. 


"Pakain din dito," masiglang sabi ko. Inilabas ko ang brown paper bag na dala ko na naglalaman ng meal na binili ko sa may canteen kanina. Mukhang doon niya rin binili sa may canteen ng lunch niya dahil nakita kong pareho kami ng carton box. . . pati ng ulam.


"Uy, same pa tayo ng ulam. Destiny na ba 'to?" 


Nakita ko ang pag-irap niya. "Destiny mo mukha mo, siraulo!" 


Pumalatak ako. "Bawal magmura sa harap ng pagkain." 


Hindi niya ako pinansin at ibinaling na lang atensyon sa pagkain niya. Kinuha niya ang bottled water niya at uminom doon. Saka ko lang naalala na hindi pala ako nakabili ng tubig. Nakalimutan kong dumaan doon sa bilihan kaya naman tumayo ako para bumalik sa canteen. "Teka, nakalimutan ko pala 'yung tubig." 

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon