[14]

809 24 4
                                    


Halos buong gabi kong hawak ang cellphone ko katititig sa number ni Yenna. Hindi ko naman hiningi kay Trina ang number ni Yen. Wala rin akong balak na i-text siya pero 'di ko mapigilang maging masaya. Parang tanga na kinilig dahil lang sa cellphone number. 


Sinubukan kong magtipa ng mensahe sa kanya. Olats na nga sa FB friend request kaya babawi naman sa text message. Sana naman maging mabait na siya rito.


To: Yenna

Anong format ng dasal ng may jowa?


Napatawa ako pagkatapos kong isend ang message. Alam kong baka hindi siya magreply. . . o kaya naman hindi niya sagutin. Paniguradong mataray pa rin 'to online.


"Hoy, Kurt! Ngiting gago ka na naman dyan. Ano ba 'yang tinatawanan mo? Picture ba ni Nico?"


Sinulyapan ko si Albie na nang-usisa. Nakita kong binatukan ni Nico si Albie dahil sa sinabi niya. "Siraulo ka ba? Bakit pag may pinagtatawanan, picture ko agad? 'Di ba pwedeng 'yung sa 'yo, tukmol ka?!"


Inilingan ko na silang dalawa. Parang mga bata kung mag-asaran. "Parang mga siraulo 'to," puna ko. Humiga na ako do'n sa sofa nina Nico habang nakapatong pa ang paa sa may sandalan. Feel at home talaga dahil anak na rin ako ni tita na mama niya. 


Lumapit sa pwesto ko si Albie. Nakita kong sinulyapan niya ang cellphone ko kaya naman agad kong inilagay sa may loob ng t-shirt ko. Chismoso, amputa. 


Kinunotan ko siya ng noo. "Ginagawa mo, boi?"


Sinipat niya ako ng tingin. "May tinatago ka ba sa akin?"


Nginisian ko siya. "Eh ano naman kung mayroon?"


Lalong nangunot ang noo niya. Lumapit pa siya lalo sa pwesto ko hanggang sa napabalikwas na ako ng upo dahil tumabi na siya sa akin. Umiiwas ako sa kanya pero mukhang desidido si gago na kulitin ako. Walanjo. Bakit ba ang daming energy nito para mangulit?


Tumunog ang cellphone ko kaya automatic na umangat ang kamay ko para tingnan ito. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang makitang load balance lang ang nagtext.


"Sino bang hinihintay mo d'yan magtext? Si mama ba?" usisa pa niya. Mukhang hindi na trip kulitin ni Albie si Nico dahil abala naman 'yung isa sa pangungulit ng tawag kay Mich. Wala tuloy magawa 'tong tukmol na 'to kundi kulitin naman ako. Mama na rin ang tawag niya sa nanay ko. Simula ata bata magkasama na kami nyang si Albie. Parang humihingi na nga rin ata ng pagmamahal 'to kay mama. . . pati na rin ng baon.


Umiling ako sa kanya. Paniguradong hindi siya titigil mangulit kapag sinabi kong naghihintay ako ng reply mula kay Yenna.


Matagal niya akong tinitigan, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "Tinatago mo 'yang jowa mo sa akin?"


Pumalatak ako. "Dati ka bang gago? Ni hindi nga inaaccept friend request ko sa FB tapos sasabihin mong may tinatago akong girlfriend." Walanjo. Nagulantang ako sa tanong niya, hindi ko tuloy napigilan na sagutin siya.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon