[09]

1K 34 8
                                    




"Yo, mga chong! Sa tingin niyo, sino 'yung kumuha ng golden vase sa Office of the President 'tsaka 'yung bumasag ng statue ni Alexandar Devrov sa lobby?"


Napalingon ako sa grupo ng mga estudyante na nag-uusap sa likod namin. Nasa may canteen kami kaya maingay. Ang daming tao na nakagrupo-grupo pero mukhang iisa lang naman 'yung topic nila- ang pagkawala ng golden vase sa OTP at ang sirang statue ng founder ng school. Sana kumuha na lang sila ng megaphone tapos mag-group meeting na lang ang lahat. Sayang pa 'yung pagkumpol-kumpol nila kung iisa lang din naman ang topic.


"Oy, feeling ko pakana lang 'yan ng student council para sa bagong event," sabi pa ni Albie na mukhang ito rin ang gustong pag-usapan. Napailing na lang ako sa mga comments niya.


"Bobo! Eh kita mong may pulis sa imbestigasyon, o. Ano? It's a prank, gano'n?"


Sinamaan ako ng tingin ni Albie. "Grabe, lods. Naisip ko lang naman, eh. Maka-bobo naman 'to." Hindi naman ako naguilty dahil deserve niya masabihan ng bobo. Dejk. Paniguradong nagda-drama lang 'to.


"Biro lang, tol. Sa math ka lang bobo," bawi ko pa.


Kinunotan niya ako ng noo. "Kung akala mo bobo ako sa math pwes nagkakamali ka. . . hindi lang sa math!" Humagalpak pa siya ng tawa pagkatapos niya sabihin 'yon kaya naman nahawa ako. Walanjo.


Nakakapanibago lang dahil maraming mga pulis dito sa loob ng campus. Irerebyu pa siguro ang mga cctv para makita kung sino talaga ang may sala. Akala ko nga wala ring klase dahil abala ang mga professor namin tungkol dito pero mukhang naabisuhan na sila ng higher-ups na ituloy ang klase. Masama ang loob ko do'n.


"Pakiramdam ko naman walang magtatakang ganyan na taga-labas. Paniguradong taga-dito lang din sa Xanders may gawa n'yan," komento pa ni Nico.


Tumango ako. "Tingin ko rin," pangsang-ayon ko pa. Eh nangyari raw ang lahat kagabi. Bawal naman makapasok ang outsider sa school at sobrang higpit ng security guard.


Ayokong problemahin ang bagay na 'yun dahil baka mastress pa ako. Wala naman talaga akong pakialam do'n. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit alam kong walang balak ang mga kaibigan ko na bitawan ang issue. Nakita ko pang sinulyapan ako ni Mich kaya naman kinunotan ko siya ng noo. Bumelat lang siya sa akin kaya naman natawa ako.


"Teka nga pala, Kurt, ano 'tong kumakalat sa twitter na kayo raw ni Yenna?"


Natigilan ako sa tanong ni Nico, hindi ko alam ang isasagot ko do'n. Gusto kong sabihin na sana totoo pero hindi naman ako sinungaling. Narinig ko na tumawa naman si Albie. Sinipa ko tuloy siya sa paa. Ang pangit nung tawa eh, parang nang-aasar lang.


Bumuntonghininga ako. Sasagot pa lang sana ako pero mukhang trip ni Albie na umepal.


Tumawa muna siya. "Boi, may topak 'yang si Kurt kay Yenna. Baka jojowain!" Humagalpak pa talaga siya na akala mo nasa comedy show siya. Anong nakakatawa? Ampucha.


Sinipa ko nga ulit sa ilalim ng mesa. Dumaing siya at napahawak sa binting napuruhan. Deserve niya 'yun. Sinamaan niya lang ako ng tingin.


"Luh, 'di nga? Trip mo nga 'yung si Yenna, tol?" 'Di makapaniwalang tanong ni Nico. Tumango naman ako. Bakit ko itatanggi nararamdaman ko? Eh ngayon na nga lang ako nakaramdam ng ganito ipagkakait ko pa sa sarili ko?


"What?!" Napabaling ako kay Michelle dahil sa gulat na reaksyon niya. Alam ko namang medyo nakakagulat na malaman na katulad ni Yenna ang tipo ko- mataray, masungit, maangas, matapang, at kung anu-ano pang cute na traits (hehe) pero mas nagulantang ako sa reaksyon ni Mich. Para bang may nagawa akong masama sa kanya.


"Uh. . . ano," 'di ko tuloy alam ang isasagot ko. Napakamot ako sa ulo ko, hindi alam ano ba isasagot sa reaksyon niya.


Napalunok siya pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Nagulat lang," sabi pa niya, binigyan ako ng isang maliit na ngiti. Weird. Hinayaan ko na lang.


Pagkatapos ng klase ay nagkaroon pa ng meeting ang org namin. Ayoko sana umattend pero mukhang mapupurohan na ako ng org adviser dahil sa dami ng absences ko. Senior na raw ako kaya dapat lagi akong present, nakakahiya naman daw sa mga juniors kung lagi nila akong makikita na absent. Parang may topak si ma'am. Paano nga nila makikita na absent ako kung wala nga ako sa meeting? Gulo.


"Salma, tutal mukhang lutang ka na naman, pakuha muna ng signed activity forms and request for withdrawal forms sa SAO. Iniintay ka na do'n."


Nawala ang ngiti sa mukha ko nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin. Gusto ko sanang dedmahin si ma'am pero dahil naka-magnet ang mata ng mga members ng org, nahiya na ako. Galing din mangpressure ni ma'am. Galing mangpwersa.


Labag sa loob akong tumayo pero para ipakita na wala lang iyon sa akin ay binigyan ko sila ng malaking ngiti. Sobrang layo pa ng Student's Affairs Office sa Mass Comm lab namin. Ayoko talagang pumunta dahil dadaan pa 'yun sa likod ng gym. Walanjo. Mamaya na kaya ako bumalik? Pero paniguradong ako na naman pupurihin ni ma'am sa susunod na meeting.


Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit na tinatamad ako. Pagdaan ko sa may likod ng gym, nadatnan ko do'n sa may sulok ang tropa nina Leo. Nando'n sila sa tambayan ng mga ugok spot. Dito ata nila pinaplano kung sino next nilang i-bully o baka naman dito sila nagpaplano kung paano sila magiging cool kid for the next two months.


Dededmahin ko na rin sana sila pero nagpantig ang tenga ko sa pinapag-usapan nila.


"Tangina, Igo, wala ka pala dito kay Leo, eh! Isang utos lang ni Derick nakuha niya agad, wala pang lusot." Humithit pa ng sigarilyo 'yung tropa ni Leo na may atlas tattoo sa leeg. Hindi sila masisita ng guard dito dahil tago itong lugar na 'to pero syempre alam ko 'yan dahil lagi kaming tumatakas sa klase ni Albie noong first year kami.


Pumalatak 'yung Igo na feeling Dao Ming Su ang buhok. "Hindi pa sure 'yan sa lusot, kita mo ngang nag-iimbestiga pa ang mga pulis. Hilingin mo lang na hind ka mahuli. Kick-out ka agad dyan."


Tumawa naman si Leo. "Puta, wala na akong pakialam. . . kukuhanin na rin naman ako ni Derick. Kahit na maangas 'yung hayop na 'yun, kailangan ko siya para makapasok sa frat. Saka ko na siya babalikan kapag pasok na ako."


"O, anong balak mo pag nagbuklat na ng cctv? Inaasikaso na ata, ah?"


Ngumisi si Leo. "'Di ako nag-aalala do'n. Trinabaho ko na 'yun."


May hinala na ako sa pinag-uusapan nila.


Pulis. Frat. CCTV.


May koneksyon 'to sa isyu ng school na nakawan ng golden vase pati na rin ang pagkawasak ng statue. Napailing na lang ako sa narinig. Walanjo. Malala na 'tong mga gagong 'to. Ewan ko na lang kung maka-graduate pa 'to pag mga nahuli.


Medyo kinabahan pa ako sa pag-iisip kung isusumbong ko ba sila o hindi. Tangina! Kapag sinumbong ko sila tapos nalaman nila na ako ang may dahil, baka patayin ako ng frat nito. Kung hindi naman. . . matatahimik buhay ko. Pero. . . ayoko naman ng may tinatagong ganitong sikreto. Ano ba 'yan! Naging komplikado pa buhay ko.


Hayaan ko na lang kaya silang mahuli? Paniguradong mahuhuli rin ang mga 'yan dahil hindi naman magaling 'yan si Leo. Puro angas lang 'yan pero 'di 'yan marunong sa analysis.


Napabusangot naman ako. Wala nga akong pakialam dito tapos ngayon nalaman ko pa kung sino ang may pakana nito. Ayoko rin ma-involved dito. Eh problema na naman 'to kung sakali.


Mas gusto ko na lang problemahin kung paano magpapapansin kay Yenna. Parang trip niya talagang iwasan ako gawa nung kumakalat na issue sa aming dalawa. Nakakahiya naman at parang eguls pa siya sa 'kin.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon