[15]

701 19 2
                                    


"Alam mo siraulo ka talaga! Ke-aga-aga sinisira mo araw ko."


Tinawanan ko lang si Yenna. Sinamaan niya ako ng tingin tapos mas binilisan niya pa ang lakad para siguro iwanan ako. Hindi naman siya nagtagumpay dahil maliit lang 'yung legs niya. Kayang-kaya kong habulin.


Inis siyang umingit sa ginawa ko. Pagalit niya akong hinarap pagkatapos hinampas ng bag pack niya- na paniguradong may laman na bato sa sobrang bigat. Umiwas ako pero hinabol niya ako ng hampas. Natatawang pinigilan ko siya gamit ang braso ko. Para tuloy kaming mga bata na naglalaro rito sa may fountain.


"Konting-konti na lang talaga ingungudngod na kita dito sa may fountain!" 


Nginisian ko siya. "Sige nga. . . subok nga," tukso ko pa. Naaaliw akong asarin siya dahil ang bilis niyang mapikon. Ginanahan akong mangulit pagkatapos ng nangyari noong isang linggo. Pakiramdam ko mas lumevel-up kami ni Yenna. Dati inis lang siya sa akin, ngayon mas inis na siya dahil araw-araw ko siyang ginugulo. 


Inirapan niya ako. Inayos niya ang bag niya sa likod tapos binalingan ako ng masamang tingin. "Male-late na ako sa klase ko kaya huwag kang magulo d'yan," seryosong sabi niya.


Tumango ako. "Sige. . . salamat sa pag-update." Nginitian ko siya nang malaki kaya naman lalong bumusangot ang mukha niya. Pinakyuhan niya ako tapos bigla akong tinalikuran. Tinawanan ko lang siya. Parang tanga akong kiligin. 


"Buang ka talaga! H'wag mo 'ko tadtarin ng text kundi ib-block kita!" inis niya pahabol. Hindi na siya nagbaling ng tingin sa akin. Hinayaan ko na lang tutal masyado ko na siyang nakulit ngayong umaga. Baka totohanin na niya 'yung pangb-block tapos mawawalan ako ng gana pumasok n'yan.


Kinabukasan, late na ako pumasok. Marami akong nakasalubong na outsiders kahit nasa may gate pa lang ako. Maraming students from different universities dahil open school ngayon ang Xanders. District Meet kaya maraming pakulo ang student council. Maraming booth na inihanda para sa lahat. Usually, hindi naman ako pumapasok kapag may ganitong event. O kaya naman tumatambay lang ako do'n sa labas tapos kumakain ng kwek-kwek. Napilitan tuloy ako ngayon na pumasok dahil sa requirement namin. Okay na rin siguro. . . panibagong araw para kulitin si Yenna.


Representative ng department namin si Albie kaya hindi ko siya kasama ngayon. Hindi na rin siguro niya p-problema-hin ang paghahanap ng interviewee dahil paniguradong may ligtas points na siya kay Dean. Ako lang tuloy ang mape-pwerwisyo ngayon sa paghagilap ng player.


Pumunta ako sa may gymnasium, nagbabakasakaling makahanap ng player na pwede sa requirement ko. Wala akong kakilala from other school kaya wala rin akong mahihingian ng tulong. Alas dies y medya pa lang ng umaga pero sobrang dami ng tao rito sa loob. May mga volleyball players na nagwa-warm-up. Medyo nagulat pa ako dahil mas matatangkad pa sa akin 'yung iba. Natawa naman ako nang maisip na itabi si Yenna sa kanila. Paniguradong nakatingala lang 'yun sa mga 'to.


Lumapit ako sa bleachers para humanap ng pwesto. Paakyat na ako sa pangalawang palapag nang biglang may kumalbit sa akin. Paglingon ko, napaawang ang labi ko sa nakita.  "Eliza?"


Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Nakasuot siya ng blue-collared shirt- mukhang org shirt nila 'tsaka pants. May suot din siyang ID ng M-U. Napatango ako nang makita ang 'Photo Journalist' sa may ID niya.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon