[06]

1.4K 40 3
                                    




Malapit nang matapos ang lunch break nang makita ko si Yenna na nando'n na naman sa Talisay Tree. Labis ang pagtataka ko nang makitang kasama na naman niya si Leo. Mukhang nag-uusap sila base sa pwesto nila. Malayo pa lang ako, tanaw ko nang medyo asiwa si Yenna kay Leo.


Nang makalapit ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na marinig ang pinag-uusapan nila. Masamang makinig sa usapan ng iba pero. . . pinalaki ako ni mama na-


Wala. Aalis na muna sana ako para hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila pero nangangamba ako na baka may gawin na naman na kung ano si Leo.


"Ano ba, Leo?! Tumigil ka na nga! Ayoko nga sabi!" galit ang boses ni Yenna. Mukhang wala lang pakialam sa sinasabi ni Yenna si Leo.


Nginisian niya ito ng malaki. "Eh, tangina mo pala, Yennefer!"


Nag-init ang pandinig ko nang minura niya si Yenna. Bakit niya sinisigawan at minumura? Tanga ba 'to o bobo? Parang hindi matinong lalaki. Sabagay, hindi nga pala matino.


Halatadong natakot si Yenna sa malakas na boses ni Leo. Kahit naman matapang si Yen, paniguradong hindi rin siya uubra kay Leo. Lalaki pa rin 'yun. Mas matigas ang kamao.


Nagulat ako nang biglang sampalin ni Yenna si Leo. Nakaawang ang bibig ni Leo, halatadong nasaktan sa sampal. Medyo malakas din naman. Napangiwi ako sa nakita. Pero dapat lang 'yun kay Leo.


Mukhang lalong uminit ang ulo ni gago. Pakiramdam ko pagbubuhatan niya rin ng kamay si Yenna. Nakita kong hinablot niya ang braso ni Yen at balak pa atang kaladkarin sa kung saan. Nagmamadali tuloy akong lumapit sa pwesto nila at marahas na binawi si Yen mula sa kanya. Dahil hindi nila inaasahan, madali ko iyon nagawa. Mukhang inis na inis na si Leo sa mga nangyayari.


Ngumiti siya ng sarkastiko. "Tangina! Ikaw na naman? Bakit ka ba nangingialam?!"


Bakit nga ba ako nangingialam? Last time, nagalit pa sa akin si Yenna sa pag-epal ko sa kanilang dalawa pero ngayon, mukhang mas okay pa kay Yen na sumingit na ako sa takot na masaktan siya ni Leo.


Mukhang aambahan na ako ng suntok ni Leo nang bigla akong hinatak sa kamay ni Yenna at sinama sa mabilis na pagtakbo niya. Medyo nagulat pa ako kaya muntik na akong mapasubasob sa sahig. Nabalanse ko rin naman ang sarili ko at mas binilisan pa ang takbo makalayo lang kay Leo. Ayoko pa rin makipag-away. Lagot ako kay mama kung sakali.


"Deserve mo 'yan!" sigaw ko pa kay Leo na mukhang inis na inis na tinakbuhan namin. Nakita kong pinakyuhan niya lang kami sa ere.


Akala ko sisinghalan na ako ni Yenna dahil nangialam na naman ako sa kanila pero nanlaki ang mata ko nang marinig siyang tumawa. Sobrang laki ng ngiti niya. Ngayon ko lang nakita na ngumiti 'to. Parang sobrang saya niya sa ginawa kay Leo. Napakagat ako sa labi ko. Ibang-iba nga si Yenna. Maganda siya kahit naka-pixie cut at tomboyin manamit. Mas lalo lang siyang gumanda sa paningin ko.


"Huy, tanga!"


Napabalik ako sa wisyo nang makitang kaway siya ng kaway sa harapan ko. Walanjo. Natulala ba ako sa kanya? Luh, gagi. Bakit? May crush ba ako kay Yenna?


Pakiramdam ko, oo. Kasi lagi ko siyang naiisip tapos lagi ko siyang gustong kinukulit. Pero. . . imposible naman kasing masuklian 'yung gusto pabalik. 'Tsaka crush lang naman. Tunog high school pero feelings pa rin 'yun.


"Ano?" tanong ko sa kanya.


"Ayie! Inamin na tanga siya!" tukso pa niya. Babarahin ko na dapat pabalik pero nanukso siya, ngumiti pa ng malaki sa akin. Edi wala na. Deds na agad ako.


Umiling ako. "Kurt," pakilala ko sa kanya.


Nawala naman ang ngiti sa mukha niya. Bigla siyang humalukipkip at inarapan ako. "Hindi ko tinatanong."


Natawa ako sa ugali niya. "Sinasabi ko lang. Masama?"


"Anong pakialam ko d'yan sa pangalan mo?"


"Baka kakainin para mabusog ka," pambabara ko. Lalo lang niya akong inirapan. Natawa naman ako. Mukhang walang matinong pang-rebutt ang pumasok sa isip niya. Nag-iwas pa siya ng tingin sa akin. Na-awkward pa yata. Nag-iisip pa siya panigurado kung paano ako tatakasan dito.


"Pinag-iisipan mo na kung kailan mo ipapagawa ang phone ko?" natatawang tanong ko.


Bumusangot siya. Cute. Doon siya nakatingin sa may poste, ayaw salubungin ang tingin ko. Baka crush din ako? Walanjo. Ang aga mag-assume. Ang aga magiging asado.


"Ngayon na."


Napalingon ako sa kanya. "Ngayon na? May klase pa, ah?"


Inirapan niya uli ako. Parang lalabas na 'yung eyeballs niya. Angas. Bratinella rin pala. Pwedeng pang-asar sa kanya. Haha.


"Wala na akong klase. Ipapagawa ko na ngayon." Parang labag sa loob pa niyang sabi. Inilahad niya ang kamay niya para siguro kuhanin ang phone ko. May klase pa ako ngayong hapon pero ayokong i-miss ang chance na makasama si Yenna. Parang timang naman pala magkacrush.


"Tara, samahan kita."


Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wala ka na rin klase?"


Nginisian ko siya. "Bakit? Curious ka ba?"


Ngumuso siya na parang konting-konti na lang ay ibabalibag na ako dito sa poste. Buti na lang maliit siya. Hindi niya ako kaya.


"Ewan ko sa 'yo. Epal mo!" banat niya pagkatapos ay naglakad na para iwan ako. Tinawanan ko lang siya dahil ang cute niya mainis.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon