[13]

804 29 0
                                    


"Kuya, san ka?"


Napakunot ang noo sa tanong ni Kris. Inilipat ko ang cellphone ko sa kabilang tenga ko para mapakinggan siya ng maayos. Buti nasa may likod ang pwesto ko kaya hindi masyadong makikita o maririnig sa unahan.


"Nasa school ako malamang. May klase ako ngayon, bakit ka tumawag?" bulong ko pa. Napatingin ang katabi ko sa akin pero inalis din naman ang tingin at ibinaling na lang sa harapan ang atensyon. Yumuko pa ako lalo para hindi mapansin ni Ma'am. 


Narinig ko naman ang buntonghininga niya, halatang may problema. Medyo kinabahan tuloy ako sa kanya. Baka kung ano pala nangyari dito.


"Pinapatawag sa school si mama. . . ayokong papuntahin. Ikaw na lang ang pumunta, ha?"


Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit? Anong ginagawa mo?"


Napatingin ulit sa akin ang katabi ko. Napansin ko na mas marami na silang nagbaling ng tingin sa akin. Nakita kong sinenyasan pa ako ni Albie na tumahimik dahil maririnig na talaga ni ma'am. Tumayo na tuloy ako at lumabas muna ng room para makausap ko ng mas maayos ang kapatid ko. 


"'Wag mo sabihin kay mama, please. Kaya nga ikaw na ang pumunta dito."


Pumalatak ako. "Ano nga muna ang ginawa mo?"


"Basta! Punta ka na ngayon!" sabi lang niya tapos ibinaba pa ang tawag. Napabusangot naman ako. Walanjo. Ang lakas ng loob na babaan ako ng tawag. Wala naman akong magagawa dahil ayaw niya raw papuntahin si mama. Baka kung ano rin 'tong kinasangkutan niya kaya mas mabuti nga sigurong ako na lang ang pumunta. Aabsent na lang siguro ako sa mga panghapon kong klase. Saktong wala naman masyadong ginagawa dahil minor subjects lang.


Dumiretso na ako do'n sa school niya pagkatapos kong kunin ang bag ko sa classroom. Pumunta na ako sa loob ng high school building pagkatapos kong ipagtanong-tanong sa guard kung saan ang disciplinary office. Ngayon pa lang ako makakapunta sa DO pero buti naman hindi tungkol sa kabalbalan na ginawa ko kaya ayos lang.


Hindi ko na rin kailangan hanapin ang kwarto dahil nakapaskil na naman 'yung pangalan ng office sa labas ng pinto. Diretso lang ang lakad ko, napansin ko na agad ang disciplinary office. Kumatok muna ako bago pumasok. "Uh. . . good afternoon po," nahihiyang bati ko pa. Nakita kong nando'n ang disciplinary officer, ang kapatid ko na mukhang masama ang loob, tapos isa pang mas batang lalaki na kamukha ni Soneo. 


"Mister Kurt Salma! Wow! Ang laki mo na, ah? Long time no see!" 


Tumayo ang DO para batiin ako. Nahihiyang nginitian ko siya. Napakamot pa ako sa ulo sa bati niya. Kung makabati siya, para lang 'yung tita kong galing abroad na matagal akong hindi nakita. "Uh. . . hello po, ma'am. Kumusta po?" Natatandaan niya pa rin pala ako kahit na ilang taon na ang nakalipas noong grumaduate ako. 


Tinawanan niya ako pagkatapos ay iginaya na umupo sa may bakanteng upuan sa harap nila. "I'm good, hijo." Bumalik siya sa upuan niya. Tumikhim muna siya bago nakangiting bumaling ulit sa akin. "Ipinatawag ka namin 'coz your brother here caused a fuss with our junior student. Eh buti nga at nakita ni Manong Boyet ang kaguluhan. He's not even explaining his side to us so we can't decide what we will do to the both of them!" 

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon