[28]

514 16 0
                                    


Laging pagkatapos ng klase ay dumideretso ako S&A para magtraining kasama ang dating sekretarya ni Tito Apol. Dahil nga wala ang presidente nila, si Miss Shia muna ang pumalit bilang acting president of the board. I was actually tempted to offer her to permanently take the position. . . pero mukhang wala talaga siyang interes na angkinin ang kompanya ni Tito Apol dahil tinanggihan niya lang ang alok ni Tito Rik. 


Everyday, I feel pressured to my new responsibilities. Pakiramdam ko lagi magkakamali ako. Pakiramdam ko huhusgahan ako ng mga empleyado rito. Though, they were very accomodating to me, for sure iniisip pa rin nila kung tama ba na ako ang maghandle ng S&A gayong wala naman akong kaalam-alam dito. Exactly! Bakit nga ba ako?! Ampucha! Nasira ang pangarap kong maging mayaman na tambay na dota player, e. 


Nagsimula muna ako sa pinakamababa na posisyon sa kompanya. Mahirap noong una pero nang makasanayan ko na ang trabaho, naging madali na ito para sa akin. Hindi naman ganoon kalakihan ang S&A. Apat pa lang ang branch namin, ang main office ay nandito sa Manila, tapos mayroon din sa Pangasinan, Pampanga, at Bulacan. S&A is a small furniture manufacturing company. 


"Hijo, these are the documents that you needed to file before the end of the day. At dahil late ka naman nakarating dito, siguro you can take some at home pero dapat by morning ay finished na, ha?" ani ni Miss Leslie, ang brand manager ng S&A. Gusto kong magmura sa sobrang taas ng patong-patong na documents na ibinigay niya sa akin pero wala naman akong magagawa kay pilit na lang akong tumango.


"Noted po, Miss. Thank you." 


My phone beeped, kaya naabala ako sa pagta-type sa computer. Galing kay Yenna ang message notification. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pansamantalang inalis ang atensyon sa ginagawang report. Nakangiting sumandal ako sa may office chair.


From: Yenna ko

kwek-kwek?


My smile grew bigger. May ico-corny pa pala ang kilig ko.


To: Yenna ko

hanggang 7 pa ako dito. dami pa kong work


From: Yenna ko

edi after


Napaayos ako ng upo sa reply niya, hindi inasahan ang naging sagot niya.


To: Yenna ko

pwede ka pa ba ng ganon ka-gabi?


She immediately replied after I sent her a message. Naiiling na napangiti ako. Gusto niya talaga akong kausap? Ang bilis niyang magreply, e.


From: Yenna ko

basta ihatid mo na lang ako pauwi


I bit my lip to suppress my smile. Tangina! Hanggang ngayon parang tanga pa rin akong kiligin sa bawat ginagawa niya. Gusto niya lang naman kumain ng kwek-kwek tapos ako ang gusto niyang kasama. Gagi, baka mamatay ako nang maaga n'yan sa kilig.


Nagreply na lang ako ng "okay" sa kanya bago nagpatuloy sa ginagawa. Gusto ko na matapos ang mga pending reports para makita na agad si Yenna. Alam kong marami pa akong kailangang tapusin pag-uwi ng bahay pero paniguradong lalaklak na naman ako ng kape para matapos ang mga gawain.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon