[01]

6.3K 119 25
                                    



"Salma!"


Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Ang layo niya para sumigaw, ah? Pero sabagay, hindi naman 'yan sisigaw kung malapit lang sa 'kin. Oo na, bobo na. Ano na naman kayang kailangan ng ugok na 'to?


"Boi, kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Martinez. Lagot ka na naman don," sabi nong kaklase ko sa Advertising.


Napakamot naman ako sa ulo ko. Oo na, lagot na. Lagi namang mainit ulo sa 'kin non eh. Wala nga akong ginagawa sa kanya. Feel ko talaga crush ako no'n tapos lagi akong pinagdidiskitahan dahil gusto ako makita araw-araw. Ampucha.


Sana nga ganon lang kadali yo'n. Eh feeling ko ule isasayad na niya grades ko tapos siya maging dahilan kapag nagrepeat ako. Ayokong mangyari yo'n. May pangkulam kaya sa kanya? Dejk. Sama ng ugali. 'Di ako pinalaki ni mama nang ganito.


Tambay lang ako dito sa corridor malapit sa CR dahil hinihintay ko na matapos si Albie sa tawag ng kalikasan niya. Kumbaga, ako 'yung look-out, taga-igib ng tubig, taga-amoy kung sobrang baho na ba at kailangan nang i-sprayan ng pabango 'yung banyo. Walanjo. Angas ng role.


Wala akong balak siputin si Ma'am Martinez kahit alam kong gustong-gusto niya akong makita. Ayokong lalo pa siyang mainlab sa 'kin. Mahirapan pa siyang magmove-on nyan. Makikicooperate na lang ako. Pinalaki akong mabuting tao ni mama. Angas lang.


Narinig kong nagflush na ang inidoro, sign na tapos na sa pagbabawas si Albie. Okay na sana dahil makakaalis na kami dito pero noong lumabas si Albie, kumalat ang resulta ng pagbabawas niya. Parang binomba 'yung ilong ko, ah. Napatakip ako sa ilong ko at sinamaan ng tingin ang kaibigan.


Tinawanan niya lang ako na akala mo naman nakakatuwa ang amoy niya. Inabutan ko ng pamango tapos diring-diring lumayo sa kanya.


"Grabe ka, tol. Hindi ka ba tumatae ha?" Natatawang sagot pa niya habang nakasunod sa akin. Lumakad na ako papalayo dahil ang tagal ko na rin naghihintay do'n sa labas.


"Tumatae. . . pero hindi ganyan kabaho."


Humawak siya sa dibdib niya animo'y nasasaktan. "Gagi! Kala mo naman hindi ka nagpapasama sa 'kin. Amoy imburnal kaya 'yung sa 'yo."


Hindi ko siya nilingon. "Amoy imburnal hininga mo." Binatukan pa niya ako sa ulo pagkatapos kong sabihin 'yun. Putek. Naghugas ba siya ng kamay?


Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng turon. Gusto ko sana ng kwek-kwek sa labas kaya lang masyado pang maaga, wala pa 'yung nagbebenta no'n. Ayain ko na lang 'to mamaya.


"Hinahanap ka ata ni Ma'am Martinez? Bakit? Dahil late ka na naman nagpasa?"


Napabusangot ako. "Baka."


"Bobo mo kasi. Sabi ko sa 'yo unahin mo subject niya kasi mas demanding 'yun sa oras."


"Bobo mo rin." 'Yun na lang isinagot ko kasi ayokong kausapin siya dahil bagong jebs siya. Baka humawa amoy niya sa 'kin.


Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko sa bulsa ko. May isang mensahe galing kay mama.


uw! kaH nG maAGa, nhk h?


Muntik nang manlabo ang mata ko sa nabasa. Ngayon ko lang nalaman na member pala ng Jeje Club si mama. Hindi ko naman napansin na ganito siya magtext dati. Unless, tinuruan ng magaling kong kapatid. Kulang na lang naglagay siya ng XD. Angas no'n kung sakali.


Pinauna ko na si Albie sa classroom dahil dadaan pa ako sa faculty room. Di ko matiis si Ma'am Martinez eh. Sa kanya pa rin nakasalalay ang marka ko. . . at kung ga-graduate pa ako next year. Syempre, pag may bagsak may posibilidad na umulit. Ayoko no'n. Mahihirapan lang si mama sa tuition ko.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon