[07]

1.3K 39 8
                                    




Pakiramdam ko kanina pa ako hinahanap ni Albie. May klase kami ngayong hapon tapos hindi ako umattend. Mas magtataka 'yun kung bakit hindi ko siya sinama sa paglalakwatcha.


"Pagkatapos nito, h'wag mo na akong kukulitin, ah?!" mataray na sabi ni Yenna.


Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nilingon niya ako para siguro kumpirmahin ang sinabi. Wala tuloy akong nagawa kundi magplaster ng isang ngiti sabay tango. Parang aso lang. "Okay," nakangising sagot ko.


Nakita kong pinanliitaan niya ako ng mata. "Eh ba't parang hindi kapani-paniwala 'yang ngiti mo?!"


Natawa naman ako sa reaksyon niya. Hindi siya maniniwala dahil. . . ayaw niya sa akin?


"Bakit ba ayaw mo sa akin?" kuryosong tanong ko. Siya naman may atraso sa akin tapos ang bait ko pa sa kanya kung tutuusin. Wala naman akong ginawa sa kanyang masama. Nagtataka lang ako sa pakikitungo niya. O sadyang ganito rin ba siya sa iba?


"Pinagsasabi mo? Ayoko sa lahat! Hindi ka special!"


Humawak ako sa dibdib ko na animo'y nasaktan. Grabe naman 'to. Karerealize ko pa lang na crush ko siya, wawarakin na agad niya puso ko. Hindi ba pwedeng kahit mga one week lang na mapayapa?


Nakarating kami sa palengke nang hindi niya pinapansin ang mga tanong ko. Sa totoo lang, mukhang ganito nga talaga siya. Pati 'yung tindera mukhang tinatarayan niya. Buti na lang nadadala naman sa ngiti ko itong si ate.


"Sir, heto na po 'yung phone niyo." Tinanggap ko nang iabot ni ate 'yung phone. Tiningnan ko ang screen, gumagana nga siya. Sa halip na matuwa ako, mas nalungkot pa ata ako. Wala na akong dahilan para kulitin siya. Ayaw niya rin na ginugulo siya.


"Ah, thank you!"


Hindi man lang ako hinintay ni Yen at nagmamadali nang umalis doon sa repair shop. Mabilis lang pala gawin 'tong phone ko. Nagrereklamo pa si Yenna na kaya ko naman raw 'tong ipagawa na ako lang. Luh, bakit ako magsosolo kung nandyan naman siya? 'Tsaka dapat maging responsibilidad niya 'to.


"Balik po kayo, sir." Tinanguan ko na lang si ate dahil wala naman ako matinong sasabihin. Bakit niya ako pinapabalik? Gusto niya bang masira ulit ang cellphone ko?


Hinabol ko si Yenna na medyo malayo na ang agwat sa akin. "Yen!" tawag ko habang sinubukan siyang hawakan sa braso. Pinanlakihan naman niya ako mata.


"Bakit ka sumusunod? Okay na, 'di ba? Wala na akong atraso sa 'yo!"


Nagkibitbalikat ako. "Wala na nga. Aayain lang sana kitang kumain? Gusto mong kwek-kwek?"


Tiningnan niya ako nang matagal. Medyo naasiwa ako kasi nga crush ko siya pero nagustuhan ko rin naman. Sinipat niya ako ng tingin na para bang may nasabi akong kakaiba. Hindi ba kwek-kwek 'yung nabanggit kong pagkain?


"Libre mo?!" bwelta niya.


Tumango ako. "Oo. Eat all you can," matapang na alok ko.


Lumaki naman ang ngisi niya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. "Sige," payag niya. Hinatak niya pa ako do'n sa labas kung nasaan 'yung mga tusok-tusok. Natigilan pa nga ako nang mapansin na nakahawak siya sa akin. Sana mas matagal pa. Walanjo. Ang lambot ng kamay niya. Tumatagos sa balat ko, eh. Baka kaluluwa na ako kaya gano'n?


"O, natameme ka? 'Wag mong sabihing naiwan mo ang wallet mo? Style mo bulok, boi." Inayos niya pa 'yung konting buhok na napunta sa mukha niya. Sinuklay niya lang 'yung maiksi niyang buhok pagkatapos ay walang kaarte-arteng nakipagsiksikan do'n sa mga bumibili ng street foods.


Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala. Baka kung ano na naman isipin niya eh. Okay na 'tong chill lang siya.


* * *


"Sana nabusog ka," natatawang sabi ko sa kanya. Nakatambay na kami do'n sa may labas ng 7-eleven. Sobrang dami naming tinuhog na kwek-kwek. Nagdelikado nga ang allowance ko bukas. Baka kailangan talaga na may i-sakripisyo para lang makasama mo 'yung crush mo?


Tiningnan ko siya na abala sa cellphone niya. Hawak niya sa kabilang kamay ang popsicle na binili namin sa 7-eleven. Pinalibre niya pa rin 'yun. Syempre, pumayag ako.


"Hindi ka pa uuwi?" Natigilan muna ako nang nagtanong siya. Dapat sumagot agad ako pero traydor ang dila ko, ayaw maki-cooperate.


"Uh. . . oo, pag -uuwi ka na."


Kinunotan niya ako ng noo. "Una ka na. Alis na rin ako."


"Ihatid na kita o kaya hintayin kong makasakay ka ng tricycle pauwi." Ayoko naman na walang kasiguraduhan kung safe ba siyang makakauwi.


Nginusuan niyaa ko. "Ano ka, jowa ko?"


Tinawanan ko siya. "Bakit? Pwedeng mag-apply?" tukso ko pa.


Inirapan niya lang ako. "Heh! Ungas!"


"Basta intayin kitang makasakay." Sinamaan niya lang ako ng tingin pero hindi na nakipagtalo. Mukhang ayaw na ata niya akong makita dahil lumakad na siya papalayo sa akin. Hindi man lang nagpaalam, ah. Humabol ako sa kanya. Kailangan ko siyang makitang nakasakay na sa trcicyle pauwi ng kanila.


"Saan ba ang inyo?" usisa ko pa.


Pumalatak siya. "Bakit ko sasabihin sa 'yo?! 'Wag na! Baka mamaya dyan mangulit ka pa sa bahay," pagtataray niya. Hindi naman ako stalker.


Natawa ako. "Assumera mo naman."


Hindi niya ako sinagot bagkus ay pinagpatuloy na ang paglalakad papunta do'n sa terminal ng mga tricycle. Sasakay na sana siya sa loob pero dahil may ice cream pa sa kamay niya, hindi niya makuha ang bag pack sa likod niya. Lumapit ako para tulungan siya. Ayaw niya pa nga noong una pero wala nang nagawa dahil nasa bag niya na ang mga kamay ko.


Nang makuha, pinaupo ko na siya sa loob at ipinakalong ang bag niya. "Sige, ingat ka." Tinanguan niya lang ako. Hindi man lang binalik 'yung 'ingat ka.'


May narinig akong tumikhim sa likod ko. Agad tuloy akong napalingon. Hindi ko na sana papansinin pero pamilyar ang mukha niya. Nakasuot ng kaparehas ng uniporme sa Xanders at mukhang kilala niya si Yenna base sa ekspresyon ng mukha niya.


"Yenna and. . . Kurt? You guys are together?"


Kumunot naman ang noo ko sa bungad niya. Hindi pa nakakaalis si Yenna kaya alam kong narinig niya ang sinabi ng ka-schoolmate namin.


"Huh?"


May kumislot sa dibdib ko dahil sa tukso niyo pero naudlot din agad dahil biglang sumigaw si Yenna na nasa loob ng tricycle. "Mandiri ka nga, Tricia!" pagalit niyang sigaw. Hindi na nasundan dahil umalis na ang tricycle palayo sa amin.


Naiwan tuloy akong natulala. Grabe naman si Yenna sa akin. Todo tanggi siya sa paratang nung Tricia. Hindi niya man lang inintay na ma-enjoy ko ang isang minuto na magjowa kami.


"Ah, oo, magkasama lang kami ni Yenna," awkward kong sagot kay Tricia.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon