[39]

776 19 2
                                    




Kanina pa akong nakatanga rito sa pwesto ko. I couldn't move my body kasi natatakot akong gumalaw tapos magising si Kurt. Hindi ko maintindihan kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon. Parang nagwawala ang kaluluwa ko! I woke up in his bed! Magkatabi kaming natulog! He is still sleeping, nakatalikod ang pwesto sa akin. Pero. . . he was shirtless. At alam ko kung bakit wala siyang suot na pang-itaas!


Nothing happened between us yesterday. . . but things got steamy and we almost. . . we almost. . . shit. 'Di ko alam kung paano ako makakauwi mamaya kung ganitong parang nanginginig ako. Nahihiya rin ako na makausap siya after what happened.


I mean, he was respectful to me yesterday. Akala ko nga may mangyayari pero mukhang malakas ang fighting spirit niya dahil bigla na lang siyang umagwat at hinalikan ako sa noo tapos itinuck niya na ako sa may kama niya. Nakatulog na ako nang mahimbing nang kumotan niya ako. Para bang after a long tiring day, nakauwi na ako. Magpapahinga na. That was the feeling yesterday.


Pinagmasdan ko ang makisig na likod niya. I wanted to trace my finger on his back pero baka magising pa siya sa kiliti. Ano ba 'yan, Yenna?! Hindi pa ba sapat ang halikan session niyo kagabi?!


Kailangan ko pang mag-impake ng gamit ko dahil uuwi na ako mamaya. Dapat kahapon ko pa gagawin pero nakatulog ako sa may kabilang isla at hindi ko na namalayan ang oras. Para pa rin akong nakalutang sa ulap tuwing maaalala ko ang pagkabahala ni Kurt sa akin. Sumugod talaga siya sa isla para lang hanapin ako kahit na gabing-gabi na. I saw how worried he was. Hindi ko naman intensyon na pag-aalalahin siya pero nang makita kong ganoon ang reaksyon niya, labis akong natuwa.


I carefully moved my feet from the bed to the floor. I made sure na I was not making any noise. Nagtagumpay naman ako makababa na hindi nagigising si Kurt. Inayos ko pa ang bumaba niyang blanket. Baka sipunin pa siya dahil sobrang lamig dito sa kwarto niya tapos nakahubad siya.


Wala naman akong dalang kahit ano rito kagabi sa kwarto niya kaya wala rin akong dala pagbalik- pwera sa ngiti kong ayaw nang umalis sa mukha ko. Parang tanga na kinikilig. Akala ko ba hiyang-hiya kanina?! Duality yarn?!


Dahan-dahan ko pang binuksan ang door knob niya para hindi makalikha ng ingay pero napatalon ako sa gulat nang makita si Elden na nasa harap. Nakalapat pa ang kamao sa harap ko, mukhang kakatok pa lang dapat siya sa pinto kung hindi ko nabuksan. Parehas nanlalaki ang mata naming dalawa. Ang kaibahan lang, ako biglang kinabahan sa kanya samantalang siya naman ay humagalpak ng tawa. Napalingon tuloy ako sa pwesto ni Kurt. Hindi naman siya nagising dahil sa maingay na si Elden.


Sinenyasan ko si Elden na tumigil na sa pagtawa pero mukhang nag-enjoy siya sa nakita niya kaya hindi mapigilan. Lumabas na tuloy ako at sinarhan agad ang pinto para hindi makalikha ng ingay sa loob.


"Grabe! Bangis talaga ni Boss Kurt!" kantyaw niya. Nakatapat pa sa bibig ang kamay niya na akala mo ay may hawak na microphone. Inirapan ko siya pero lalo lang siya natawa sa reaksyon ko. Hiyang-hiya pa naman ako na rito ako natulog sa kwarto ni Kurt kagabi tapos bigla niya pa akong mahuhuling papalabas ng kwarto. Paniguradong hindi kami tatantanan ni Elden sa pang-aasar.


"Hindi 'to tulad ng iniisip mo!" depensa ko pa pero natatawang tinanguan niya lang ako. Did he just mock me?! Akala ba niya lumulusot lang ako?!


"Anong iniisip ko, Miss Yenna?" Nakangisi niyang tanong. Nang-asar pa.


Pumalatak ako, naiinis dahil ayaw niya akong paniwalaan. "Hindi nga sabi!"


"Okay po."


Napangiwi ako sa sagot niya. Kaya naman pala madalas siyang singhalan ni Kurt, masyado siyang makulit. Inirapan ko muna siya bago ako nagwalk-out. Lost cause na 'yan. Kahit anong pagtanggi ko, hindi pa rin maniniwala.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon