[38]

416 13 2
                                    


last 2 chaps~

-


I don't like worrying too much. Masyadong nakakasakit ng puso. Sa sobrang pag-aalala mo sa isang tao parang sasabog na 'yung puso mo sa lakas ng tibok. Hindi mo alam kung anong gustong gawin nito. Ayaw pang magfunction ng utak mo. You wanted to focus pero laging nauunahan ng feelings. I couldn't control my emotions anymore at naiinis ako sa fact na 'yon.


I don't care if we're sailing at the dark. Kalagitnaan ng gabi tapos papunta kami sa kabilang isla. I couldn't care less. Not when Yenna's missing. I wanted to find her. I'm dying to find her. 


Nang makarating kami sa kabilang isla, agad akong nagtungo sa mga usual spots for tourists.  Bumagsak ang balikat ko nang makita na wala nga siya doon katulad nang sinabi ng mga bangkero kanina.


I tried to adjust the light from my lamp. Buti may mga ilaw din sa ibang poste. Kahit papaano hindi naging nakakatakot ang lugar. Of course, it's magical in the daylight pero kapag gabi na at mag-isa, it would be very scary. Naisip ko tuloy si Yenna. Natatakot ba siya ngayon?


"Yennifer!" Sigaw ko. Ganoon din ang ginawa ng dalawa ko pang kasama na bangkero. Nag-echo ang boses namin. I tried to find her near the coconut trees. Dahan-dahan ako sa paghakbang dahil mabato ang daan. 


Naiinis ako sa sarili ko for always being rude to her. Tapos ngayon na nawawala siya, nagsisisi ako sa mga nagawa at nasabi sa kanya. Takot na takot pa at nag-aalala sa kalagayan niya. Putang pride talaga 'to.


May biglang kumaluskos sa may puno ng niyog. I gasped. Shit.


Itinutok ko ang flashlight sa harapan. Then, I saw someone lying under the coconut tree, nakatalikod sa pwesto ko. Nang lumapit ako, nakita ko si Yenna na nakasandal sa puno, nakaharang ang palad sa mga mata para hindi masilaw sa ilaw ko.


I put my lights down and rushed to her. Parang lumundag ang puso ko sa saya. I've been constantly praying inside my head for her to be safe. And here she is! Mukhang kagigising lahat at walang kamalay-malay sa nangyayari!


"Shit! Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo!" I hugged her tight, thinking that I might lose her again.


Naramdaman ko kung gaano siya ka-tense. Nang tingnan ko siya, nagtataka ang mukha niya. Tumingin din siya sa paligid, pati na rin sa suot niya. Ngayon ko lang napansin na naka-orange two piece swimsuit pa pala siya. Inuupuan niya ang cover-up niya. Agad kong hinubad ang aking polo para isuot sa kanya.


"Hala! Gabi na pala! Teka- anong ginagawa mo dito, Kurt?"


Nangunot ang noo ko. Hindi ko rin mapigilan mapaismid sa tanong niya. "Kanina ka pa namin hinahanap! You've been gone for so long! Hindi ka na nagtext kay Manong na sunduin ka. Hindi ka makita rito kanina! Nag-alala kami sa 'yo!"


Tinulungan ko siyang tumayo. Pinagpag niya ang mga buhangin sa katawan niya. Nakita na rin kami ng kasama namin na bangkero.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon