[17]

587 18 1
                                    


"Oy! Bili mo 'ko mineral, dali!" 


Napabusangot agad ako. In fairness naman sa kanya mukhang healthy living siya dahil kadalasan sa inuutos niya ay ibili ko lang siya ng tubig. May dala naman siyang tumbler pero mukhang kulang pa sa kanya ang isang galon na tubig sa isang araw. 


Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para humingi ng pera. Binigyan niya ako ng fifty pesos kaya umalis na ako sa pwesto ko para pumuntang canteen. Maraming tao rito sa gymnasium kaya naman nakipagsiksikan pa ako para lang makalabas. Pageant day na kaya maraming estudyanteng taga-labas pati marami rin na mga taga-Xanders na nandito na manonood.


Habang bumibili sa may canteen, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Trina. Nagtext siya na hindi raw papasok ngayong araw si Yenna. Medyo nalungkot naman ako dahil kaya nga lang ako pumapasok ay para makita siya. Kumbaga sa nescafe, para sa kanya kaya ako bumabangon (lol).


Pagbalik ko, mas malala ang siksikan ng mga tao. Pakiramdam ko kaunting hangin na lang ang dumadaloy sa gymnasium dahil nasinghot na ng mga tao sa labas. Mainit pa naman dito. Kahit na ganon, sumiksik pa rin ako para makapasok dahil alam kong kailangan ni Ericka ng tubig. Hindi 'yun nabubuhay ng hindi umiinom, eh.


"Ang tagal mo! Tumambay ka pa sa canteen, 'no?"


Napakamot ako sa ulo. Angas talaga kausap nitong si Ericka. Tinuro ko sa kanya 'yung kumpol na tao. "Hindi mo nakikita 'yun?" bwelta ko. 


"Nakikita ko. . . pero OA ang katagalan mo!"


Kumunot ang noo ko. Anong OA ang katagalan? "10 minutes lang ako nawala, choi. Anong matagal ka dyan? Bakit? Hinihintay mo ba ako? Namiss mo agad ako 'no?" tukso ko pa. Nakita ko ang pagbabago ng facial expression niya. Umasta siyang nasusuka kaya tinawanan ko ang itsura niya. 


"Hindi ka nandidiri sa sinasabi mo?"


Ngumisi ako. "Hindi." Lalong bumusangot ang mukha niya kaya naman natawa lang ako. Pakiramdam ko nagtatagumpay ako kapag naiinis ko si Ericka. Pambawi man lang sa pang-wa-walanghiya niya sa akin araw-araw.


Iniwan ko muna siya para puntahan si Albie sa backstage. Nakita ko siyang nakaupo sa may sulok, mukhang tapos nang ayusan. Napansin ko ang mabilis na pagtapik niya sa sariling hita at ang paggalaw ng kanyang paa. Kabado si tukmol kaya naman nilapitan ko agad.


"Angas ni choi! Ready ka na bang patikimin ng alikabok 'yung mga kalaban mo?" 


Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Gara mo naman, lods. Kita mo ngang kabado na ako rito!"


Tinawanan ko siya. Tinapik ko siya sa balikat at malakas na kinurot pa sa pisngi. "Ano ba 'yan, eh ang laki pa naman ng pusta ko sa 'yo!" Napadaing siya sa ginawa ko. Hinampas niya ako sa braso at malakas na siniko sa tagiliran. Pinagpag ko naman ang kamay ko na nalagyan ng kaunting make-up na nilagay sa mukha niya. 


"Tangina mo, Kurt! Pag ako natalo, 'wag kang ngangawa sa akin. Wala akong kasalanan dyan, ah!"


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon