[26]

557 17 6
                                    


Pagkatapos ng sem break, nawalan na ako ng time para makipagkita sa mga kaibigan ko. Lagi ko namang kasama si Albie dahil magkaklase kami pero 'yung iba, hindi ko na nakikita. Bukod sa mas naging busy sa 4th year, naging awkward din para sa aming apat nina Ericka, Yenna, at Ethan ang nangyari doon sa resort. 


Nag-iwas ng tingin si Ericka pagkatapos kong sabihin iyon. Ang gago lang sa pakiramdam dahil feeling ko ang sama ng ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman intensyon na saktan siya. . . pero kahit ano pa rin isipin at gawin ko. . . si Yenna pa rin. Kahit na nasaktan na niya ako. . . kahit na sabihin niyang hindi niya ako gusto. . . at kahit na walang kwenta ang tingin niya sa akin. . . Tangina. Siya pa rin.


Nakasalubong ko ng tingin si Yenna. Mariin ang tingin niya sa akin, tila may gustong sabihin. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ni Ericka o ang sinabi ko. Dahan-dahang tumalikod si Ericka sa harap ko. Napansin ko 'yon kahit na kay Yenna ang tingin ko. Pagsulyap ko sa kanya, bagsak na ang balikat niya, parang nanghihina sa nangyari. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang umalis.


"Sorry," mabigat ang loob na sabi ko. Saglit lang siyang nag-angat ng tingin sa akin pero nakita ko ang pagdapo ng sakit sa mata niya. Alam ko. . . alam kong kasalanan ko. Na ako ang may dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Magkaibigan kami ni Ericka. . . kahit hindi pa kami matagal nagkakasama, alam namin naging totoo kami sa isa't-isa. Hindi ko naman inasahan na mahuhulog ang loob niya. . . sa tulad ko pa.


Binigyan niya lang ako nang pilit na ngiti bago umiling. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya bago tuluyang umalis sa pwesto namin. Naging tahimik lang kaming naiwan sa may pool area. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko, patuloy lang nakatingin sa tubig ng pool.


Tumikhim si Albie, na halatang ginawa niya lang dahil sa awkward na atmosphere. Nagbuga ako nang malalim na hininga.


Kung awkward na nga noong gabi na iyon, mas naging awkward pa kinabukasan. Maagang umalis si Ericka ng Batangas, ni hindi na siya nagpaalam sa akin na uuna na siya. Nagtaka pa si Nico kung bakit tahimik lang kami sa hapag. Hindi ko magawang makisabay sa mga biruan nila dahil mabigat ang loob ko ngayong alam kong may nasaktan ako.


"Kurt, ikaw na 'yung sunod sa pila."


Nagmamadali akong lumakad patungo sa cashier lane dahil tinatawag na pala ako. Kanina pa akong nakapila dito sa may cashier's office para magbayad ng tuition pero mukhang sa sobrang katagalan ay nawala na ako sa wisyo. Pucha. Hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari noong nakaraang buwan. Kung gaano kabilis lumipas ang mga araw. Masaya naman kami noong una. . . pero dahil sa akin, parang nagkagulo pa ata. Napailing na lang ako sa mga naisip, disappointed sa sarili.


Pagkatapos kong magbayad, nagtungo na ako sa library para maghanap ng resources na gagamitin para sa thesis namin. Kahit na nagsisimula pa lang kami, mas mabuti nang hindi magcramming dahil kahit iyon ang college life motto ko, kailangan ko nang magsipag para grumaduate na agad. Kailangan ko rin abalahin ang sarili ko para hindi na maisip ang ibang bagay.


Pagpasok ko sa library, full-packed ang tao. Nadismaya ako nang makitang halos occupied na lahat ng tables at seats. Sinubukan kong maghanap ng bakanteng upuan sa may dulo, nagbabakasaling may maliligaw doon na kahit isa man lang na pwesto para sa akin. Pagdating ko sa Math and Sciences section, nakita kong may bakanteng pwesto doon sa pinakadulo, pangdalawahan lang. Nakayuko ang ulo ng babae sa may lamesa, mukhang natutulog yata. Lumapit ako sa pwesto niya, sinilip din ang upuan na kaharap niya, bag niya lang ang nandoon. Kakalbitin ko pa lang ang babae para magpaalam sa kanya na uupo ako nang bigla itong nag-angat ng ulo. Napasinghap ako nang makitang si Yenna ang babaeng natutulog dito. Mukhang mas nagulat siya nang makita ako sa harapan niya. 

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon