[33]

548 21 2
                                    




"Boss, nand'yan na ako by 9 a.m."

I massaged my temple, trying to calm my nerves. Inilayo ko muna saglit ang cellphone sa tainga bago huminga nang malalim para hindi ko masinghalan si Elden. Maraming trabaho ngayon dahil lunes pero heto siya at humihirit pa sa akin na darating siya dito ng alas nuebe ng umaga. Masakit pa ang ulo ko dahil napuyat kagabi. Hindi naman masyadong marami ang nainom ko kaya hindi 'to hang-over. Mukhang kulang lang sa tulog.

Pumalatak ako. "Just make sure you get here by 9," ani ko bago ibaba ang tawag. I tried to make my tone as serious as possible. Sa ganoong paraan niya lang ako seseryosohin. Akala ata lagi ni Elden joke time kami lagi. Hindi ko na makausap nang matino. Parang kailangan ko pang mag-adjust lagi sa energy level niya.

Sumandal ako sa upuan pagkatapos ay ipinikit saglit ang mga mata. Maaga akong pumasok kaninang umaga dahil marami rin akong naiwang trabaho last time na kailangang tapusin. Hindi pa nakadagdag na hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. I don't know why though. I remembered what happened last night. It was kind of strange to see her again after five years. Imagine, limang taon na hindi nagsalubong ang landas namin. Even on Trina's wedding, I didn't see her. Kaya bakit ngayon? Bakit kailangan niyang lumapit sa akin at umasta na parang walang nangyari? Anong akala niya, wala na ang lahat noon?

May kumatok sa pintuan kaya naabala ako sa pagmumuni-muni. Nang bumukas ito, pumasok si Ladyline, ang assistant manager dito. "Sir, may naghahanap po sa inyo."

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong appointment ngayon sa kung sino. "Sino?"

"Old friend niyo raw po."

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Sinong old friend? Bakit ayaw pang sabihin ang pangalan?

Tumango na lang ako para signalan siyang papasukin ang naghahanap sa akin. Iniligpit ko muna ang mga nagkalat na files sa lamesa ko. Nang mapansin kong may pumasok na sa loob ng kwarto, nag-angat na ako ng tingin.

Pucha. Napaawang ang labi ko sa nakita. Anong ginagawa niya dito? Hindi ko mapigilang umangil. Old friend? Talaga lang, ah.

I discarded the negative thoughts in my head. I nodded my head to acknowledge her presence. Hindi ko lang magawang ibalik ang malaking ngiti niya. What is she doing here?

"Hi!" bati niya habang papalapit sa akin. She's wearing a nude knitted top with blazer and black pant suit. She look very formal. Mas mukha pa siyang boss kaysa sa akin.

Iginiya ko siya sa may sofa sa may unahan para maupo doon. Tinaasan ko siya ng kilay, nagtataka sa dahilan ng pagpunta niya.

"I can't think of a reason why you would go here," I said. Mukhang hindi naman siya naapektuhan sa tono ng pananalita ko. I was guessing she already expected my cold treatment. Wala akong ganang makipagplastikan ngayon dahil marami akong trabaho na iniintindi. Kailangan ko na rin dito si Elden dahil marami ako kailangang ipagawa sa kanya. Hindi pa nakatulong ang presensya niya dito.

Tumikhim siya pagkatapos ay alanganin na ngumiti. "Well, I'm here for business."

Tumango ako, pilit na isinasantabi ang ideya na paalisin siya dito. Business naman daw ang ipinunta kaya kailangan kong marinig 'to.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, what business?"

"I've heard about the rumor–"


"Hindi ako naniniwala sa chismis," putol ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Okay! Wrong choice of word lang!" Natatawang sagot niya. Kumunot ang noo ko nang makita na magaan ang pakikitungo niya sa akin. She looked bubbly– very different from the Yenna that I used to know. Naging komportable naman siya sa akin noon pero. . . hindi ganito. She's different.

The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon