[02]

2.8K 73 17
                                    





Vacant namin ni Albie kaya naisipan naming tumambay sa may library. Hindi naman ako palabasa pero mukhang gustong-gusto talaga ni Albie pumunta dito. Hindi ko alam kung dahil ba malamig ang aircon o may gusto siyang makita na nandito sa library? Either way, wala naman akong paki. Mas okay din naman sa akin dito. Wala rin ako balak gumawa ng requirements dahil ang motto ko talaga sa buhay ay 'cramming is the key to success,' 'tsaka 'more procrastination, more fun.'


Malakas ang kutob ko na crush ni Albie 'yung librarian naming si Miss Minchin. Panay kasi ang titig ni tropa do'n sa pwesto niya. Hindi talaga Miss Minchin pangalan no'n. Bansag lang namin dahil kamukha niya si Princess Sarah. Oo, malabo. Parang grades ko.


"Kung popormahan mo si Miss Minchin, gawin mo na," bored kong sabi. Kanina pa kasi siya pasulyap-sulyap do'n. Mukha siyang tanga. Pakiramdam ko nga malapit na siyang magka-stiff neck eh.


Marami akong kinuhang makakapal na libro. Pinagpatung-patong ko ito na kunwari gumagawa ako bahay. Gusto ko lang namang pahirapan 'yung librarian na magbalik nitong mga libro. Oo, salbahe ako. Hindi ako pinalaki ni mama na ganito.


"Gago ka! Hindi si Miss Minchin! Tingin mo sa 'kin?!" Sinamaan ako ng tingin ni Albie. Ang defensive ng sagot niya. Pwede naman siyang humindi na lang ng simple. Napailing tuloy ako. Pinaglihi talaga sa ka-OA-yan.


"Uhm. . . kuya."


Naabala ako sa pagpapatas ng libro nang may tumikhim sa tabi ko. Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakatingin siya sa pwesto ni Albie kaya inassume ko na si tropa talaga ang sadya niya.


Wala na sana akong pakialam do'n sa babaeng tumawag nang mapagtanto ko kung sino siya. Kaya pala pamilyar siya. Model pala ng napkin. Dejoke. Model 'to ng school namin. Trina Miranda─ maganda, sikat, at mayaman. Pang-teleserye ang status sa buhay. Hindi ko alam kung anong kailangan niya kay Albie. . . baka may atraso lang 'tong utol ko. Baka nga.


Kinalbit ko si ungas na hindi ata kami napapansin. Patuloy pa rin ang pagsilay niya sa kung sino man do'n sa pwesto nina Miss Minchin. Ilang kalbit pa ang ginawa ko bago siya tumingin.


Nakabusangot ang mukha niya pagharap. Mukhang nainis sa pangungulit ko. Dapat lang. Mas gusto ko nga 'yung naiinis siya. "Tawag ka," kaswal kong sabi sabay turo kay Trina.


Binalingan din naman ng tingin ni Albie si Trina. Napaawang pa nga ang labi sa gulat. Na-starstruck siguro sa ganda nito. Ibinalik niya ang mukha sa dating ekspresyon na akala mo naman ikina-cool kid niya.


Medyo nagtaka ako na todo ngiti si Trina sa kanya. Ampucha. Ang laki talaga ng ngiti. Parang may ibang ipinapahiwatig. Lumapit pa siya sa pwesto ni Albie na ikinagulantang namin. Napasinghap si tropa, hindi alam ang gagawin.


"Ako ba? Bakit?" tanong ni Albie sa mahinang boses. Ah, pucha. Shy type?


Ngumiti na parang nagpapacute si Trina. Ay, hindi pala. Talagang cute na siya. "Uhm. . . ano- you look stupid kasi-"


Hindi pa niya naitutuloy ang sasabihin, napahagalpak na ako ng tawa. Nakatanggap naman ako ng sita mula sa librarian. Gagi. Parang nahirapan akong lunukin sarili kong laway sa sobrang pagtawa.


Parang tinakasan ng kulay sa mukha si Albie. Ikaw ba naman masabihan ng stupid.


Nang makabawi sa narinig, tinaasan siya ng kilay ni tropa. "Uh. . . you have no pake," panggagaya pa niya sa boses niya Trina. Napatikhim ako, pinipigilan ang sarili na tumawa ulit.


"Oh- no. . . that's not what I- I mean."


Kung alam ko lang na ganito ka-laughtrip mga eksena ni Albie dito sa library edi sana noon ko pa siya inaya. Ang sama ng tingin ni Albie kay Trina. Gets ko naman. Napahiya siya. . . pero si Trina 'yan eh. 'Yung iba nga papayag na magpangudngod sa jebs ng kalabaw, mapansin lang ni Trina.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon