[20]

602 20 1
                                    







Darating ka pa ba?


Pagkahit ko sa send button, nagpakawala ako ng buntonghininga. Kanina pa ako naghihintay dito sa napag-usapan naming coffee shop pero mukhang balak niya ata akong hindi siputin. Naiintindihan ko naman na busy siya noong mga nagdaang araw pero masyado nang matagal na inabot kami ng isang linggo para matuloy ang interview.


Tumunog ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ang reply niya.


From: Ericka

OTW. MAGHINTAY KA


Hindi ako kumbinsido sa OTW niya. Pakiramdam ko 'On the water' pa talaga 'yun. Pero ano pa nga bang ginagawa ko ngayon? Edi maghintay. Ako naman ang may kailangan sa kanya kaya naman ako 'yung magpapakumbaba. Kahit na ginawa niya akong utusan for one week. Walanjo. Naudlot ang panlalandi ko.


Matapos ang limang minuto, natanawan ko na siyang naglalakad sa labas ng coffee shop, doon siya galing sa may parking lot. Nakasuot siya ng denim shorts at white oversized shirt na tinernuhan niya ng white sneakers. Hindi naman siya mahilig sa white. Nakashades pa siya dahil sa init ng araw.


Pagpasok niya sa glass door ng shop, tumunog ang kulingling na mga butterfly sa taas. Nagtinginan ang mga tao sa bagong pasok. Luminga-linga si Ericka, tila hinahanap kung nasaan ako. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Matapos ang ilang baling sa kaliwa't-kanan, nahanap niya ang tingin ko. Tumaas agad ang kilay niya tapos ay dumiretso na ng lakad sa pwesto ko.


Bumusangot naman ako nang makita ang nang-aasar niyang mga ngiti pagkaupo sa may tapat ko.


"Hindi mo naman sinabi na gusto mo pala 'yung matching outfit tayo," nakangising sabi niya.


Nagsalubong ang kilay ko. Pagyuko ko para makita ang suot ko, doon ko lang napansin na naka-oversized plain white shirt din pala ako.  "Sus, eh nanggaya ka lang naman sa suot ko."


Sumandal siya sa upuan niya at kinuha ang maliit na menu na nasa may lamesa. Kanina pa ako nakapili kung ano ang oorderin ko sa tagal ng paghihintay sa kanya. Hinintay ko na rin siya bago umorder dahil hindi naman ako pinalaking bastos ni mama.


"It's my first time here so I don't know if their iced coffee is good. Have you tried their drinks already?" Tinaasan niya ako ng kilay, naghihintay ng sagot ko.


Kumunot ang noo ko. "Ampota. Bakit ka nag-e-english?!" Hindi ako sanay na marinig siyang ganito. Parang may accent siya kung magsalita. Masyadong bagay sa kanya 'yun pero ayokong sabihin nang malakas at paniguradong magyayabang na naman.


She smirked. "Why? Hindi mo maintindihan 'no? Dumudugo ba ilong mo?"


Nagsalubong naman ang kilay ko. Pinagsasabi nito? "Nasa Pilipinas tayo kaya gamitin mo ang sariling wika natin. Para saan pa na ipinaglaban ng mga bayani natin ang bansang Pilipinas kung gan-"


"Bla, bla, bla," she rolled her eyes at me. "Spare me with those lines. Dami mong satsat." Humalukipkip siya. Tangina! Napaka-attitude talaga nito.


Tumayo na ako para umorder ng pagkain ko. Tumigil ako sa tapat niya at sinalubong ang tingin niya. Nagtaas siya ng kilay, tila naghahamon. "Order mo?" tanong ko.


Pinanliitin nya ako ng mata. Bigla siyang tumayo kaya naman umatras ako para magkaroon ng space sa pagitan namin. "Ako na. Baka maubos 'yang pera mo."


Nagsalubong ulit ang kilay ko. Hindi ko talaga maintindihan 'tong trip ni Ericka. Anong mauubos ang pera ko eh tinatanong ko lang naman ang order niya?! Pumalatak ako. "Tanga, i-oorder lang kita. Huwag kang mag-assume na ililibre kita. Sino ka ba para ilibre ko?"


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon