CHAPTER 15

9.7K 393 100
                                    

"La, iniligtas niya nga pa po ako non."

"Paanong niligtas at bakit kailangan ka niyang iligtas?" Napakagat ako sa aking labi at yumuko, nandito kami ngayon ni Lola sa hapagkainan ng kubo na dating bahay ng kanyang pinsan.

"Lola, magagalit po kayo eh."

"Sanya Mondiego, ano ang dahilan?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngayon ay nakikita ko ngayon ang malumanay na mukha ni Lola. "Sanya, ginahasa ka nung lalakeng yon-"

"Lola, ininom niya po yung drugs na dapat ako ang makaka-inom." Kumunot ang noo niya sa akin. "Lola, hindi ko na po kasi talaga alam kung saan ako makakakuha ng pera, para mapa-operahan po kayo. Kaya naman po pumasok ako sa isang bar at balak ko na pong gamitin ang katawan ko non, kung hindi lang po ako naligtas ni Primo."

"Naligtas? Nagahasa ka, Sanya."

"Opo, Lola. Nagalit po ako sa kanya nang sobra-sobra pero Lola, tinulungan niya po ako at tayo, para po ma-operahan ka. Lola, wala pong araw na pinabayaan ako ng mga Soriano, sa totoo nga po pinaramdam po nila sa akin na parang pamilya nila ako."

"Jusko kang bata ka." Nanlaki ang mata ko nang makita na umiiyak na si Lola. Bigla siyang lumapit sa akin at yumakap habang umiiyak siya. "Ang bata-bata mo pa, Sanya. Ang dami mo pang pangarap eh. Bakit mo naman ginawa yon, mas gugustuhin ko pang mamatay sa sakit ko, Sanya. Tapos paano ngayong buntis ka pa? Diba gusto mong maging guro?"

"Lola, pinangako naman po namin ni Primo sa isa't isa na hindi magiging hadlang yung pagbubuntis ko."

Umaga na ngayong nag-uusap kami ni Lola, nang matapos kami sa usapan namin ay andito ako ngayon sa lamesa at naghihiwa ng mga gulay. Habang si Lola naman ay naghahanap ng kahoy para sa paglulutuan.

"Tao po." Nagtagpo ang tingin namin ni Lola, alam na naming dalawa kung sino iyon.

"Diyan ka lang, Sanya." Binuksan niya ang pinto, pilit akong sumisilip ngunit wala akong makita mula dito sa kusina. "Anong kailangan mo?"

"Dinala ko lang po yung iba pang mga naiwang vitamins ni Sanya." Tumayo ako at lumapit sa pader kung saan kita ko na siya. Kitang-kita ko ngayon kung gaano magpakumbaba si Primo kay Lola. "Kumpleto na po itong mga 'to-"

"Kahit anong bagay o kabutihan pa ang gawin mo, hindi non mababago ang katotohanan na ginahasa mo ang apo ko."

"Opo, hindi po talaga mababago pero kahit papano manlang po maalagaan ko po yung mag-ina ko, kahit po kayo."

"Gusto mong mag-alaga at makatulong?" Lumabas na ako sa kinatataguan ko at nagtagpo ang tingin namin ni Primo, ngumiti siya at taas noong sinagot si Lola.

"Opo, gagawin ko po ang lahat para sa apo niyo at sa apo niyo sa tuhod."

Hindi ko mapigilan na mag-alala, hindi ako mapakali ngayon na pa ikot-ikot ako dito sa kusina. Nasa likod bahay ngayon si Lola at Primo matapos nilang mag-usap na dalawa, hindi ko alam sa kung ano ang ginagawa nilang dalawa.

Lumabas na ako dahil hindi ko na talaga kaya, nanlaki ang mata ko nang makita si Primo na nagsisibak ng mga kahoy.

"Primo!" Napatingin sila sa akin nang lumapit ako. "Lola naman eh, hindi po sanay sa ganitong gawain si Primo."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon