CHAPTER 34

10.6K 479 256
                                    


"Daddy." Napatingin kami nang sabay ni Primo kay Cordelia, maging si Migo na nagmamaneho ay napukaw ang atensyon. "Daddy, i'm cold."

"I'll give you my jacket, baby." Hinubad ni Primo ang kaniyang jacket at inabot kay Cordelia, nasa likod kaming tatlo. Ang sabi ni Primo ay sumabay na kami sa kanila, ihahatid na nila kami ni Soraya. "Do you want to sit on my lap? So you can rest already."

"Dito na lang po ako kay Teacher." Nagulat ako nang kumandong sa akin si Cordelia at biglang yumakap, hindi ko napigilan ang sarili ko na yumakap na rin sa kaniya. Si Soraya naman ay tulog na sa tabi ko.

"Cordelia, baka mahirapan si Anya."

"Ayos lang ako, Primo." Wika ko habang pinagmamasdan si Cordelia na mapungay na ang mata, sa pagmamasid ko sa mukha ni Cordelia ay napansin ko na maputi si Cordelia at bahagyang namumula ang kanyang pisnge ngayon. Sobrang ganda ni Cordelia, maging ang kalooban ni Cordelia ay masasabi kong mabuti. Wala akong mabakas na ugali ng mga Ardiente ang nananalaytay sa kaniya, siguro ay dahil na rin sa maayos na pagpapalaki ni Primo.

"Teacher Sanya, I had a dream once po, in my dream ikaw daw po yung Mommy ko tapos si Daddy pa rin yung Daddy ko." Wika niya, bigla ay dinampi niya ang sa aking mukha ang palad niya, hinaplos ni Cordelia ang pisnge ko. "And you were staring at me the same way you are staring at me right now po, teacher. Para pong anak n'yo rin ako like Soraya."

"Cordelia, baka magtampo naman yung mommy Samira mo." Malambing ko na wika habang bahagyang natatawa sa kanya. "Pero alam mo, magiging sobrang saya rin ni Soraya kung magiging magkapatid kayo."

"I also saw in my dream how happy my Daddy is, he was hugging us both while we are lying on the bed, teacher." Umangat ang tingin ko papunta kay Primo, nakatingin lamang siya sa salamin ng kotse. Tipid lang siya na ngumiti na tila ba nahihiya siya sa mga sinasabi ni Cordelia.

"Cordelia, malayo pa tayo sa house ninyo, matulog ka na muna okay?" Wika ko sa kaniya, marahan na tumango si Cordelia at yumakap nang mas mahigpit sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang buhok habang yakap na rin siya sa aking bisig.

"Anya, will it be okay if mauna na muna ihatid si Cordelia sa hacienda? Para hindi ka mangawit, dahil siguradong hangang buong byahe siyang ganyan sa 'yo." Wika ni Primo sa akin. "Ako na lang maghahatid sa inyo ni Soraya, Migo also just came from the company, he must be tired."

"Kuya, I can still manage." Wika ni Migo, ako naman ay sumangayon na lang sa kanila. Alam ko naman na si Primo pa rin ang masusunod at wala rin magagawa si Migo.

"Ayos lang naman na magtagal sa akin si Cordelia, Primo." Sabmit ko habang may ngiti sa aking labi at pinapanuod si Cordelia na kinukusot ang kaniyang mata.

"Cordelia sees you as a mother figure, Sanya. Samira is always cold to her, I can always say why. They only need Cordelia to remain connections with us, they can never see Cordelia morethan as their leverage." Wika ni Migo sa seryosong boses.

"Migo, baka marinig ka ni Cordelia, Samira is still her mother." Sabmit naman ni Primo. "You should really stop hanging around with Psalm, you're getting his allergies that only triggers whenever there's an Ardiente around."

"The Ardiente needs you, Zayne became the Vice Mayor all because he was in the same party list with you-"

"Migo, what's the point of opening that up?" Naguguluhang tanong ni Primo.

"Kuya, it's just that I never saw Samira as a mother to Cordelia. All I am saying is you and Papa can just let go of the Ardientes, all those connections. Now that I think you can find someone better who'll stand as a mother to Cordelia, which I think that you already found." Mahinahon na wika ni Migo. "We're being used by the Ardientes and they have the guts because of Cordelia."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon