CHAPTER 21

10.2K 346 32
                                    

Balik na namang muli sa dati, ngayon na nakabalik na kaming muli sa hacienda. Minsan ay naiisip ko kung gaano kalungkot ang hacienda na ito, kahit gaano pa kalaki ito ay kaunti lamang lagi ang tao. Lalo na at ngayon ay muli silang babalik sa building dahil may mga dadating na media doon, magkakaroon ata sila ng deal sa isang malaking kompanya galing Amerika.

Pag talaga ako nagkaroon na ng pamilya na matatawag kong akin, gusto ko maliit lang yung bahay. Para palagi kaming nagkikita, dito kasi halos hindi na magkita ang mga tao dahil sa laki, sa tuwing kakain na lamang nagkikita.

"Anya." Umangat ang tingin ko kay Primo, nakabihis na siya. "Finish your food, I won't leave hangang hindi mo nauubos yan."

"Primo wala kasi akong gana." Wika ko, malaki na ang tiyan ko, halata na ito ngayon sa kahit anong suot ko. Sa tuwing madaming patong na lamang na damit ito matatago.

Sa totoo lang ay hindi ako katulad ng ibang babae na nakakaramdam ng insecurities sa tuwing lumalaki ang tiyan. Sa totoo lang ay mas natutuwa ako na lumalaki ito, dahil mas nararamdaman ko ang anak ko dito.

"Don't you like the food?" Umiling ako dahil ayoko naman talaga na tinatanggihan yung pagkain sa harapan ko. Ngunit ngayon ay iba talaga ang pakiramdam ko, ganito lagi ang mga buntis, dahil kaninang umaga pagkagising ko ay nagsuka pa ako. "Are you sick?"

"Hindi naman ayos lang ako." Tinitigan niya ako upang tingnan kung nagsisinungaling ako, umiling na lamang siya. Para bang kabisadong-kabisado niya na ako.

"Can you come with me?"

"Saan?" Nagtataka kong tanong.

"I can't leave you here, hindi ako mapapakali sa harap ng mga media mamaya. Mag-aalala ako sayo."

"Sasama ako sayo?" May bakas ng pagka excited ang boses ko, dahil ngayon pa lamang ako makakapunta sa building nila.

"Yeah, so that I can watch you, magpapadala na rin ako mga pagkain don."

"Sige, bibihis lang ako." Agad na naglakad ng mabilis dahil nakaka-excite, akala ko ay mababagot na naman ako dito maghapon.

Nililibot ko ang tingin ko sa building nila, entrance pa lamang ito ay sobrang ganda na. Hindi kami sabay na pumasok ni Primo dahil hindi pa rin ako handa ipaalam sa mga tao ng San Soriano na buntis ako. Handa naman siyang sabihin sa lahat ang nangyari ngunit ako lang talaga ang may ayaw. Alam ko na darating ang panahon na ipagpapatuloy ni Primo ang pagiging Mayor niya, kaya naman ayokong maging dahilan ang nangyari sa amin upang masira siya sa mga tao.

Kasama ko ay ang secretary niya, lalake ito at hindi babae. Maging sa dalawa niyang kapatid ay lalake ang secretary, utos yon ni Don Hacinto dahil kung ano-ano daw ang nangyayari pag babae ang secretary ng mga anak niya. Hindi ko sigurado kung ganoon din kay Primo, ngunit sa dalawa ay sigurado ako.

"Anya." Sambit agad ni Primo nang makita akong pumasok. Hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya, ngayon ko lang siya nakita sa kanyang office table sa kanyang sarili opisina, ang taas ng tingin ko sa kanya ngayon. Tila ba sobrang respetado niya gaya ni Don Hacinto, agad siya na lumapit sa akin. "Did you drink your vitamins? Pinabigay ko kay Mark habang nasa kotse kayo."

"Yes, Sir, she did." Sagot naman ng secretary niya bago ito tuluyang umalis.

"Ang ganda ng office mo, Primo." Nililibot ko ang paningain ko dito. "Kaso bakit walang mga picture frames? Kay Don Hacinto sa work place niya sa hacienda merong mga pictures."

"Pag nanganak ka na, tsaka tayo mag family picture para may ilalagay na ako." Nanlaki ang mata ko sa kanya at siya naman ay nakangisi lamang. "Gusto mo ba na magpahinga na muna?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon