CHAPTER 33

12.6K 472 282
                                    


"Magandang umaga po, Mayor Soriano." Nakangiting tumango si Primo sa katulong nila sa hacienda. Andito kami ngayon upang ihatid dito si Nahuel, nakasunod lamang ako sa kanya habang hawak ko sa kamay si Nahuel. Hindi niya nais na mawalay sa akin kahit hangang paghatid sa kaniya rito.

"Nahuel, sama ka na muna kay Primo. May kailangan lang ako tawagan." Tumango siya at lumapit kay Primo, mukhang naintindihan naman agad ni Primo na kailangan ko na makausap si Soraya.

Agad ako na lumabas upang simulan ang pagtawag. Agad naman itong sinagot ni Dominique.

"Hey?" Mukhang kagigising lang ni Dominique dahil tila paos pa ang kaniyang boses. "You were just in my dreams, you were walking white dress while walking on red carpet."

"Baliw." Natawa siya nang bahagya. "Si Soraya?"

"She's sleeping beside me."

"Andito ako ngayon sa hacienda ng mga Soriano."

"May I ask the reason?"

"May bata kasing napalapit sa akin habang nasa reaching program, kinuha siya ni Primo mula sa pamilya niya kasi sinasaktan siya roon. Kaya sinamahan ko na sila sa paghatid dito kay Nahuel sa Hacienda."

"That's good, Siwon will surely take good care of him." Wika niya naman sa kabilang linya. "Puntahan ka namin diyan ni Soraya, wait for us."

"Hindi na kailangan, Dominique."

"Mahirap yung pauwi mo sa apartment kung diyan ka galing, Sanya." Pagpaliwanag niya naman, may punto naman siya kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumangayon.

Nang matapos ang tawag ay pumasok na muli ako, hindi ko nakausap pa si Soraya dahil sabi ni Dominique ay baka buhatin niya na lamang si Soraya papunta sa kotse dahil tulog na tulog at napagod. Sobrang bibo ba naman nung batang 'yon, kaya sigurado akong tuwang-tuwa 'yon sa kampo.

"Sanya?" Umangat ang tingin ko kay Migo, ngumiti siya sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Soraya?"

"Hindi eh, naiwan ko siya kay Dominique." Tumango-tango naman siya. "Sinamahan ko lang si Nahuel yung batang sinama rito ni Primo."

"Papa planned to talk about the incoming festival here so he called us all for breakfast, sumabay ka na."

"Nako hindi na! Nagpasundo na rin naman ako." Umiling siya.

"Nagpasundo ka pa lang naman, mamaya pa sila makakarating. Papa surely wants you to eat with us." Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumabay sa kaniya sa paglalakad papasok.

"Anya? I was just about to look for you. Let's have breakfast." Wika ni Primo.

"I already invited her kuya, she'll eat with us." Tumango na lamang siya at dumiretso na kami sa hapagkainan. Kumpleto sila at tanging si Samira lang ang wala, nasa lamesa rin si Nahuel at kausap siya ni Don Hacinto.

"Magandang umaga po sa inyo." Napatingin sa akin si Don Hacinto, nakangiti niya akong kinamusta.

"Teacher Sanya!" Ngumiti ako at binaba ang aking sarili upang makayakap si Cordelia, mukhang kagigising lang niya. "You will eat with us, Teacher?"

"Yeah your teacher Sanya will eat with us, that's why you should show her that you eat well." Wika naman ni Siwon, tumango-tango naman si Cordelia.

"Sure!"

Nagsimula na ang pagkain, bahagyang matatagalan si Dominique dahil nag-text siya sa akin na traffic.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon