"Don Hacinto."Wika ko, hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin o kung ano ang maging reaksyon. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang kaniyang dahilan o intensyon. Ngunit alam ko sa sarili ko na madaming tumatakbong posibilidad na sa utak ko.
"Maari ko ba na makita si Soraya?" Tumango naman ako nang marahan, ngumiti siya sa akin at lumapit siya papunta sa crib. "Ang ganda niya, tulad ni Cordelia."
"Opo." Yoon lamang ang nasabi ko sa kaniya, nakatingin lamang siya sa bata. Hinihintay ko siya na magsalita ngunit sa pagtingin ko sa paraan ng kaniyang tingin kay Soraya ay tila ba kinikilala niya ito. Nakikita ko sa kaniya na tila wala siyang emosyon habang pinagmamasdan ang anak ko.
"Cordelia is still in the hospital." Panimula niya at ako naman ay napakapit nang mahigpit sa damit ko. "She is already safe, she just needs more help from the doctors. Her lungs are weak."
"Mabuti naman po kung ayos lang siya, nag-alala rin ako kahapon po." Tila ako nabunutuan ng tinik nang marinig kay Don Hacinto. Sa totoo lang ay labis na kaba ang binigay sa akin ng bata na 'yon, mabuti na lamang ay ayos lang siya.
"We were all looking for Siwon that time, the time where his daughter needs him the most." Napakagat ako sa aking labi, maging ako ay nakonsensya nang may mangyari kay Cordelia. Nahahati ang oras ni Primo sa amin, hindi ko alam pero mali ba? Anak niya rin naman si Soraya. "His daughter needs him, Sanya."
"Alam ko po." Wika ko sa boses na tila wala na ibang masabi, dahil tila nauubusan ako ng mga salita sa harap niya. Tila naputol ang dila ko sa kaniyang harap, walang makapang salita na maaring bigkasin.
"I am not talking here as the old man before, Sanya. I am talking here as the grandfather of Cordelia."
"Anak niya rin po si Soraya." Wika ko o panimula, at hindi siya nakapagsalita, matipid na ngiti lamang ang ginawad niya sa akin.
"Kung yaan ang pinaniniwalaan mo Sanya hahayaan kita. Pero gusto ko na malaman mo na yung tunay niya na anak, palaging nasa bahay at hinihintay si Siwon."
"Kung dahil po ito sa nangyari kagabi gusto ko rin po malaman niyo na nakonsensya rin po ako, kahit hindi ko po alam kung bakit dahil anak din po ni Primo si Soraya. Hindi ko po alam kung ano ang ginawa ng mga Ardiente para baliktarin yung resulta-"
"Hindi ko sila sinabihan nang nagpagawa pa ako ng mga test sa mga bata, dahil tulad niyo naniniwala rin ako na kaya nilang gumawa ng mali. Pero Sanya, kung totoong anak ni Siwon si Soraya, bakit kabaliktaran yung mga lumabas na resulta?"
"Kung kaya ko lang po sagutin 'yan ay matagal ko na po na sinagot sa harap n'yo pa po mismo. Kung nasasaktan po kayo sa nangyari kay Cordelia, nasasaktan din po ako sa nangyayari kay Soraya. Hindi ko po siya pinagpipilitan sa inyo, pero yung pakiramdam po na nakikita ko na pinagdududahan ang anak ko? Magulang ka rin po, alam niyo po kung gaano kasakit sa akin 'yon bilang ina ni Soraya."
"Sanya." Naupo si Don Hacinto at tumingin sa akin. "Ngayon ko lang nakasama ulit ang bunso ko na anak at nang mabuhat ko o mahawakan si Cordelia, pakiramdam ko binuhat ko muli ang isa sa mga anak ko nung bata sila. Sanya, makasarili na yung nagiging pagmamahal sa'yo ni Siwon. Sanya, as a grandfather I beg you. Cordelia deserves all the best."
Nanginig ang kamay ko at hindi ako makapagsalita. Gusto ko na patunayan sa kanila na Soriano si Soraya pero paano? Kahit ako napapansin ko na ang pagiging iba ni Primo, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko na gawin.
"Lumaki ka rin na walang magulang, lumaki ka na hindi nararamdaman yung kalinga sa kanila. Gugustuhin mo ba na may isang bata rin na makaramdam no'n? Siwon were so willing to leave our place for you, Sanya."