"Kaibigan mo na rin ako, katulad mo lagi lang akong andito para sayo." Hindi na lamang ako nakapagsalita, patuloy ang pag-iyak ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay hinahaplos ang aking buhok.Hindi ko maisip, alam ko ang pagkukulang ko sa kanya kahit wala kaming label ngunit alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya. With or without label I promise to stay committed to him, only on him.
Wala akong magagawa, walang kami kaya naiintindihan ko pero bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Wasn't I enough to make him stay commited only on me?
"Hindi ba maganda ang ugali ko, Primo?" Tiningala ko siya habang kaming dalawa ay magkalapit pa rin, maluha-luha pa rin ang aking mata at habang siya naman ay natagalan sa pagsagot habang ang mga mata namin ay magkatitigan.
"I love your personality, Anya. You're like the lady of sunlight, you always bring light to everyone in every aspects." Pinahid niya ang luha ko at ang kanyang parehong kamay ay nakahawak lamang sa aking mukha upang maharap siya. "Whatever the reason why you're insecure right now, I just want to let you know that in my whole twenty years in this world, you're second to the most beautiful woman i've ever seen. Of course my Mom is the first one."
"Salamat, salamat dahil andito ka ngayon Primo."
"Hindi lang ngayon, Anya. Pangako ko yan sayo." Ngumiti siya at muling pinahid pa ang mga luha sa aking mata. "Kung kailangan kong ipaalala sayo araw-araw kung gaano ka kaganda, gagawin ko, Anya. Huwag ka lang ulit ma-insecure."
Kumawala na ako sa kanyang yakap at nakaramdam na ako ng hiya dahil sa aming pinagsaluhang yakap, na-ilang ako kaya agad akong lumayo ng bahagya sa kanya.
"I already told you, wag kang mahiya o ma-ilang na sa akin, Anya." Ngumiti na lamang ako at hinawi ang buhok ko na humaharang sa aking mukha. "Gusto mo na magpahinga?"
"Oo."
Dumiretso ako palabas ng kwarto oras na matapos akong maligo, nakatulog naman agad ako kagabi dahil pinilit ko ang sarili ko kahit na gusto kong isipin ang nakita ko kagabi. Walang tigil ang pagtawag sa akin ni Dominique kaya naman pinatay ko na lamang ang aking cellphone.
Kumunot ang noo ko nang may salamin na bumungad sa akin, sa tapat mismo ng pinto kahit wala namang ganoon dati.
"Para saan po ito?" Tanong ko sa katulong na malapit sa akin.
"Pinalagay po ni Don Siwon yan." Tumango-tango na lamang ako kahit ako'y nalilito pa rin, dumiretso ako sa kainan at naabutan kong andoon silang lahat.
"Primo, para saan yung salamin sa tapat ng pinto ko?"
"Diba ang sabi ko sayo na araw-araw kong ipapaalala sayo kung gaano ka kaganda?" Natawa na lamang ako ng bahagya at na-upo sa kanyang tabi. "Do you have plans for today?"
"Wala naman, bakit?"
"We're going to Manila." Biglang sambit ni Psalm kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Para saan?"
"It's just for the event that a friend of our family hosted, matalik na kaibigan ni Malia o ang Mama nila Siwon ang gumawa ng event kaya kailangan namin na pumunta lalo na yung tatlong 'to." Nakangiting wika ni Don Hacinto.