Nakapokus lamang ako sa kaniya. Tanging na kay Soraya lamang ang aking atensyon. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinapanuod si Soraya. Tinayo ko siya at kita ko kay Soraya na sinusubukan niya talaga, ginagawa niya ang kaniyang lahat na makakaya.Binitawan ko na ang anak ko at pinanuod siya na unti-unti ay sumubok na maglakad. Habang si Dominique naman ay nakangiti at hinihintay na maglakad sa kaniya papunta si Soraya. Nakangiti na tila nakatitig siya sa kaniyang kinabukasan, nakatitig sa bata na tila nakadepende ang kaniyang kasiyahan rito.
Alam ko na maliit pa lamang ang anak ko, kaka-isang taon pa nga lamang ni Soraya ngunit ang dami niya ng bagay na hindi ko maintindihan kung paano niya agad na natutunan. Hangang ngayon ay alalang-alala ko pa rin kung paano niya ako unang beses na tawaging mama, doon ko unang naramdaman na isa na nga talaga akong ganap na ina.
"You're halfway through, baby." nakaabang si Dominique at patuloy ang kaniyang pag-cheer kay Soraya. Andito kami ngayon sa parke dahil wala akong klase ngayon, naisipan namin ni Dominique na ilibot si Soraya. Ilang buwan na rin ang lumipas nung araw na magulat ako. Nang biglaan ay may magsilong sa amin ni Soraya ng payong, habang nasa ilalim kami ng ulan matapos na naman kaming mapalayas sa tinitirahan namin.
"Ang galing!" napapalakpak pa ako nang malakas, kaunti na lamang ay malapit na si Soraya kay Dominique. Tuwang-tuwa kami ni Dominique habang pinapanuod siya na unti-unting natututunan na maglakad.
"Soraya!" nagulat kami pareho nang madapa na si Soraya. Agad kami lumapit na pareho, umiyak nang umiyak si Soraya.
"Soraya, tahan na." pagpapatahan sa kaniya ni Dominique. Hindi ko namalayan na nakatingin na lamang ako sa kanilang dalawa ngayon, tila nawala ang pag-alala ko sa anak ko nang makita kong nasa bisig na siya ni Dominique. "Ayaw ko na umiiyak kayo ng mama mo eh..."
Pinanuod ko si Dominique kung paano niya muling gawin ang laging nagpapatahan kay Soraya. Dumila siya at umakto na tila bata para matuwa si Soraya, kung ano-ano ang ginagawa ni Dominique para lamang mapatahan si Soraya. Pinipindot-pindot niya pa ang kaniyang ilong at kung ano-ano pa.
Habang pinapanuod ko sila ay naisip ko na sobrang swerte namin ni Soraya. Tila naging bahag-hari si Dominique matapos ang walang tigil na bugso ng ulan sa amin ni Soraya. Inangat niya kaming dalawa, siya ang tila naging haligi ng tahanan namin ni Soraya. Siya ang nagtanggol sa amin sa malupit na realidad. Iningatan niya kaming dalawa at inalagaan na tila ba kami ang kaniyang nabuong pamilya.
"Andito lagi si daddy para sa 'yo, Soraya. Ako ang laging magiging hero ninyo ng Mama mo." seryosong saad ni Dominique habang nakangiting pinagmamasdan si Soraya.
"Daddy Hero..."
Nagkatinginan kami ni Dominique nang sabmitin iyon ni Soraya. Kahit bahagyang bulol pa ito o hindi maintindihan, nalaman pa rin namin ang kaniyang nais na ipahiwatig. Daddy hero ang kaniyang tinawag kay Dominique, matagal na niyang tinuturuan si Soraya na tawagin siyang daddy. Ngayon na nagawa niya na, maging ako ay nakaramdam ng sobra-sobrang saya, hindi lang dahil nabanggit niya ang salitang 'yon. Kung hindi dahil hindi ko na kailangan pang mangamba sa mga susunod na araw na iisipin ko, paano kung tanungin ako ni Soraya kung nasaan ang tatay niya.
Dahil ngayon ay andito na si Dominique sa tabi naming dalawa.
"Anak ko..." saad ni Dominique, hindi ko napigilan silang kuhanan ng litrato. Ngunit pagtingin ko kay Dominique nakita ko ang paglandas ng luha sa kaniya habang nakatingin lamang siya kay Soraya, kay Soraya na bahagyang tumatawa habang nakatitig kay Dominique.
Wala na akong kailangang ikabahala, wala na akong kailangang ikatakot. Dahil sa presensya pa lamang ni Dominique, alam ko na... naramdaman namin sa kaniya ni Soraya ang bagay na alam kong hindi namin kayang maramdaman sa ibang tao. Nagawa niyang iparamdam sa amin na ligtas kami sa kaniyang kanlungan. Sa yapos ni Dominique ay nahanap ng anak ko ang pagmamahal ng isang ama.