CHAPTER 7

12K 454 132
                                    

Nakatayo lamang ako sa gilid ni Anika habang siya naman ay tahimik na minamasdan ang mga magagandang bulaklak sa kanyang harapan, napagkasunduan ng kanilang barkada na dalawin ang kaibigan nila at siya ang naatasang bumili ng bulaklak.

"Ano sa tingin mo ang mas maganda, Sanya?" Hindi ko agad siya nasagot dahil ang aking mata ay nagawi sa bulto ng isang lalake na pamilyar sa akin, tumitingin din siya ng mga bulaklak. "Sanya!"

"Huh? Ano 'yon?"

"Ano yung mas maganda? Sa tulips na lang kaya ako?" Tumango-tango na lamang ako at hindi maiwasang isipin kung para kanino kaya ang bibilhin niyang bulaklak.

Para kaya kanino yung bibilhing bulaklak ni Dominique?

"Anika, magbanyo na muna ako." Hindi dahil sa nais kong maka-iwas kay Dominique, isa 'yon sa dahilan ngunit ang dahilan talaga ay gusto ko talagang gumamit ng banyo. Parte ito ng pagbubuntis ang madalas ko na pagbanyo.

Nang matapos ako na gumamit ng banyo at lumabas ay sakto namang paglabas ni Dominique sa pinto kung saan katapat din ng pinto ng banyo ng mga babae. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata at ako naman ay nanatili lamang na kalmado.

"You're here." Napa-atras ako ng kabod nang ihinarap niya sa akin ang kumpol ng mga bulaklak na nabili niya. "I don't need to worry anymore on how i'll give this to you."

"Salamat." Ngumiti siya ng matamis at saglit lamang ako natingin sa kanyang mukha, hindi ko na nais pa na tumititig ng matagal. Tila isang tanawin na masarap sa mata ang pagtitig lagi sa taong gusto natin, bukod sa pagiging sobrang gwapo niya ay hindi ko maiwasang isiping makonsensya dahil sa mga sikretong tinatago ko sa kanya.

"Sanya, are you busy today?" Umangat ang tingin ko sa kanya, nakita ko sa kanyang mata, ang pag-asa na sana ay sabihin ko na hindi. Alam ko ang gusto niya kaya tinanong niya ako, alam ko kung anong meron ngayon. August 29, kaarawan niya ngayon.

"Hindi, wala akong ibang gagawin." Kahit bahagya ay nahihiya pa ako dahil siguro'y nahalata niya sa aking ekspresyon ang kagustuhan ko rin na sumama sa kanya, ngunit paano? Paano ko matatakasan sila Anika? Bahala na.

Natawa ako ng bahagya dahil kay Dominique, sa tuwing nalalatag niya na ang kabilang dulo ng sapin ay palagi naman itong hinahangin. Naiiling na lamang ako na tumulong sa kanya, nilagyan ko ito ng bato upang hindi na hanginin pa.

"Ang bilis mo naman mamula." Natatawa niyang sambit habang siya ay tinukod ang dalawang kamay niya sa kanyang likod upang mapahinga niya ang kanyang balikat. Madami siyang bitbit papunta dito sa itaas na bahagi kung saan kita ang bayan ng San Soriano, lupain nila ito.

"Happy birthday, sorry wala akong regalo." Nahihiyang kong wika sa kanya at umiling na lamang siya habang nakatingin sa langit, maganda ang panahon ngayon.

"Just you being here is enough already." Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang mukha, oo nga at madaming babae ang nagkakagusto sa kanya dahil sa kanyang itsura ngunit ako ay alam ko sa sarili ko na hindi lamang 'yon ang dahilan sa kung bakit nagustuhan ko siya. "Sanya."

"Ano 'yon?"

"Hihingin ko kala Mama yung lupa na 'to, tapos dito natin ipapatayo yung bahay na gusto natin." Nailing na lamang ako dahil sa mga naiisip ni Dominique. Oo, gusto ko siya pero ang layo pa namin sa sinasabi niya at lalo na ngayon at komplikado ang sitwasyon ko. "Naalala mo pa nung una tayong nagkakilala?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon