Mabilis ang buhay ng tao, kaya kung sabihin nila o maging ng mga matatanda. Gawin mo lahat ng gusto mo na gawin, dahil laging hindi magiging sapat ang mga araw na ipapahiram sa 'yo. Palagi mong iparamdam sa kahit kanino yung pagmamahal, palagi kang gumawa ng kabutihan.Kahit sa kamatayan nilang dalawa, magkasama sila. Magkaharap silang binawian ng buhay habang nakahandusay na lamang sa lupain ng mga Soriano. Hangang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko lahat ng nangyari, ngunit hindi yoon ang pinapangambahan ko ngayon, dahil kahit si Soraya ay gabi-gabing minumulto ng nasaksihan niya.
"Anak." pagtawag ko sa kaniya, tiningala niya ako habang nakaupo siya sa duyan dahil andito kami ngayon sa parke. Bumili ng pagkain sina Primo at Cordelia para sa amin, ginusto ko rin 'yon upang makausap si Soraya. "Mahal ka ng mommy Samira mo."
"Mama, pwede po ba na ibigay ninyo na lang po ako sa ampunan?" nanlaki ang mata ko dahil seryosong sinabi 'yon ni Soraya, habang nakatingin lamang siya lupa. "Lahat po ng tao na konektado sa akin at nagiging malapit, lagi po na binabawi sa akin ni Lord. Ayaw ko po na pati kayo ni Cordelia na mawala pa po."
"Soraya, wala kang kasalanan sa kahit anong nangyari. Anak, 'wag mo naman sabihin yung ganiyan, hindi kasi kaya ni mama eh."
"Wala po akong totoong pamilya, mama. Wala na po yung daddy hero ko at real parents ko, mama."
"Anak, 'di ba andito si mama?" pinahid ko ang luha ko at tumapat sa kaniya, binaba ko ang sarili ko upang makaharap siya. "Gusto ko malaman mo Soraya, na kahit anong mangyari sa kahit anong ikot pa ng mundo. Kahit baliktarin pa 'yon, lagi akong tatakbo papunta sa 'yo para paulit-ulit sabihin na anak kita. Sa lahat ng binigay ng Diyos kayo ni Cordelia ang lagi-lagi ko na ipagpapasalamat."
"Si Cordelia lang po yung totoo ninyong anak."
"Kayong dalawa ang anak ko, Soraya." walang kahit anong luha sa mga mata ngayon ng anak ko, ngunit bakas ko sa kaniyang mata ang trauma na dinulot ng mga nangyari sa kaniya. Tila ba ang hirap makita sa mga labi ng anak ko yung ngiti niya dati. "Anak, walang magbabago. 'Di ba sabi mo ayaw mo na sad sa heaven yung daddy hero mo? Anak, ngiti ka na ulit."
"Kailan po ba papabor sa akin yung sinasabi ninyo po na mundo, mama?"
"'Di ba sabi sa 'yo ng daddy hero mo, na kung sa tingin mo tinalikuran ka na ng mundo, andito siya lagi para sa 'yo. Maging kami ni Cordelia at ni Primo."
"Gusto ko na po umuwi, mama." pinahid ko ang mga luha ko at tumango na nakangiti sa kaniya.
"Mahal na mahal kita, Soraya."
Buhat ni Primo si Cordelia habang naglalakad kami papunta ngayon sa hagdan ng hacienda, agad na umakyat papunta sa itaas si Soraya. Susundan ko pa lamang siya nang biglang magsalita si Don Hacinto na kakadating lang din.
"Nadala na rito sa San Soriano yung mga Ardiente, nasa police station sila."
"So Samira really told us the truth?" tumango si Don Hacinto sa tanong ni Primo. Ako naman ay muling nilingon ang dinaanan ni Soraya, hindi ko maiwasan na mapahawak nang mahigpit sa damit ko dahil tila ba hindi ko mabilang kung ilan na emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pero alam ko na gusto ko sa kanila iparamdam din yung nararamdaman ngayon ng anak ko.
"Gusto ko po na sumama." napatingin sa akin si Primo. "Gusto ko po makaharap yung mga Ardiente."
"I suggest you stay here, Anya. Ako na lang ang pupunta, they already caused you so much trouble. I'll handle this."
"Primo, yoon nga ang dahilan kaya gusto ko silang makaharap. Sa lahat-lahat ng mga nagawa nila sa akin o sa atin, gusto ko makita manlang sa mata nila yung pagsisisi."