Hindi lahat ay biglaan na lamang nagsimula sa isang delubyo, may dumating na munang problema kaya pinasok ko ang delubyo. Ilang araw bago ako nagising sa tabi niya, kung saan sa unang pagkakataon naramdaman ko ang pagiging manhid. Doon ko nga ba talaga unang naramdaman yung pagiging manhid? Yoon nga ba talaga yung unang pagkakataon?Hingal na hingal, tila na-uubusan ako ng hininga. Pakiramdam ko ay tila ilang kilometro ang layo ng tinakbo ko. Nakalimutan ko ang chapter one ng thesis ko sa convenient store, sa totoo lang ay hindi ko na alam kung makaka-abot pa ba talaga ako dahil sa oras na lamang na 'yon pwede ipasa.
"Sanya?" Kumunot ang noo ng isa sa kapalit ko sa trabaho dito sa convinient store. Sa totoo lang ay wala pa ako sa legal na edad upang magtrabaho pero dahil sa kabutihan ng tao na may ari nito ay pinasok nila ako.
"Alex? May nakita ka ba na folder diyan?" Hingal na hingal na tanong ko sa kanya, gulo-gulo na ang aking buhok.
"Wala naman, bakit?"
"Shocks na saan na 'yon? Andiyan lang 'yon kanina." Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat ko na gawin, hindi kaya may nakakuha na non? Ano naman at bakit nila pag-intresan ang ganoon na bagay?
Nanlulumo ako na bumalik sa classroom namin, wala ng pagmamadali dahil alam ko na agad sa aking sarili na wala na akong aabutan dito. Nagulat ako nang biglang may isang kamay na nag-angat ng aking mukha, nakangiti siya at tila ba pinaparating niya sa akin na ayos lamang 'to.
"Bakit ka na naman malungkot?" Natatawa pa siya ng bahagya dahil siguro nakikita niyang nanlulumo na ako. "Ang gulo pa ng buhok mo."
Napa-atras na lamang ako ng bahagya nang biglaan niyang ayusin ang aking buhok, naramdaman ko ang mabilis na pagpula ng aking pisnge nang dahil sa kanyang ngiti at dahil na 'rin sa kanyang ginawa.
"Ala naman, hindi lang ako naka-pagpasa ng chapter one ko sa thesis."
"Yoon lang ba? Pinasa ko na, nakita ko kasi na-iwan mo sa store." Nagliwanag ang aking mukha oras na tingalain ko siya.
"Seryoso?" Hindi ko makapaniwala na tanong sa kanya.
"Oo nga-"
"Salamat! Salamat ng sobra!" Hindi ko napigilan na yumakap sa kanya dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa aking lalamunan.
"Wala 'yon, Sanya." Agad akong nahiya nang mapansin ang paglapit ng mukha namin sa isa't isa matapos niya akong pagmasdan, hamak na mas matangkad siya sa akin kaya naman kailangan ko pa na tumingin pataas para lamang makita siya.
Isa siya sa kilala ko na isa sa pinaka-mabait na tao na kahit na mayaman ay wala manlang halong kayabangan o kahit anong masamang ugali sa kanya, kaya nga siguro nagustuhan ko siya. Siya ang kumausap sa magulang niya para papasukin ako sa store, nagkakilala kami nung minsan na binastos ako ng mga ka-schoolmate niya sa Buenavista.
"Sigurado akong hindi ka pa nagtatanghalian."
"Diba may klase ka pa, Dominique?"
"Wala, intramurals sa school namin." Pagkadating namin sa labas ng skwelahan ay pareho kami nagulat nang makita ang isang babae, ang girlfriend niya na si Kaye.
"Babe, what are you doing here?" Lumapit si Kaye na tila gulat na gulat at agad na niyakap si Dominique habang nasa gilid nila ako. "I'm here with Angie to visit a friend here."
"Kaye, hindi ka nakiki-pagkaibigan sa mga hindi tiga Buenavista, lalo na sa mga tiga San Soriano College."
"Well, actually i'm up for it na since you're friends naman with Sanya." Tumingin siya sa akin at nginitian ako na tila ba kahit sa kanyang ngiti ay mababakas na hindi niya ako gusto. Ngumiti na lamang ako at ginawi ang aking atensyon kay Dom.