CHAPTER 5

13K 403 67
                                    


"Piyesta ng San Soriano." Umangat ang tingin ko kay Ate Anika habang nagkwekwento siya, andito kami ngayon sa palengke dahil ginusto ko na sumama sa kanya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko na." Natatawa ko na sambit sa kanya at agad kong pinagmasdan ang mga tao na aligagang-aligaga sa pamimili. Masaya ang piyesta lagi dito sa San Soriano, balita ko nga ay sa pamilya ng Soriano ngayon ang Pasayaw sa bayan dahilan para maging mas magarbo at masaya ito.

Karamihan sa mga dumadayo lagi sa Pasayaw ay mga menor de edad katulad ko, nagkakasiyahan sila sa mga tugtugin. Sa paglabas namin sa palengke ay isinaayos ko ang aking buhok dahil sa malakas na hangin.

"Alam mo, Sanya. Sumama ka na lang sa amin ng mga kabarkada ko mamaya! Punta kaming talon."

"Gusto ko sana Ate Sanya ang kaso lang natatakot ako na masyadong maggagalaw dahil buntis ako." Mas matanda siya sa akin ng ilang taon at kanina ko lamang ito na nalaman.

"Buntis na daw si Ma'am Samira!" Gumawi ang tingin namin ni Ate Anika sa babae na nagsasalita, halatang pinag-uusapan nila ang Ardiente na si Samira. "At ang ama pa ay si Don Siwon! Sigurado ako na sobrang ganda o gwapo ng magiging anak nila."

"Jusko, sinabi mo pa, sobrang swerte nila sa isa't isa."

Pinagkibit balikat na lang namin ito ni Ate Anika, sa pagdating muli namin sa hacienda ay dalawang lalake ang agad na bumungad sa amin. Si Primo at isang lalake na hindi ko kilala, ngunit masasabi ko na mayaman din ito. Sa kanyang tindig pa lamang at angkin na kagwapuhan ay mahahalata na agad ito.

"Who is she, bro?" Tanong niya kay Primo at nakaturo sa akin na may kunot sa kanyang noo.

"She's the one who's bearing the first grandchild of Papa, she's bearing our child." Ngumiti sa akin si Primo, ngiti na sobrang tamis at matipid na ngiti lamang ang binalik ko sa kanya, ngumiti rin ako sa lalake na kanyang kasama.

"Ako si Uno, bestfriend." Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay, tinanggap ko naman ito at sa kanyang tono ng pagsasalita ay mababakas mo na ang pagiging maginoo niya.

"Una na muna ako sa itaas."

"Anya." Matagal bago ko narealize na ako ang tinatawag ni Primo dahil hindi ako sanay sa pagtawag sa akin ng Anya. Nang lingunin ko siya ay nagtagpo agad ang aming mga mata. "Sasabay ka sa umagahan, ipapatawag kita mamaya."

"Ha? Kailangan pa ba talaga? Ayos lang naman sa akin na sumabay na lang kahit kila Anika."

"That's not necessary, go upstairs, ipapatawag kita."

Umalis na si Samira mula dito sa Hacienda kahapon pa, hindi niya balak na manatili dito dahil may ginagampanan din siya sa kanyang pamilya. Ang balita ko ay Med ang kinukuha niya, gusto niyang maging doktor.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, isang dilaw na floral ang suot kong dress, off shoulder ito at nakalugay lamang ang aking buhok. Katulad ng sinabi ni Primo ay nakakahiya na humarap sa kanila na hindi ako nakaayos ng pananamit.

"Maganda umaga, ija, ma-upo ka na." Nahiya pa ako dahil pinaghatak pa ako ni Primo ng upuan. May agwat ang mga upo dito, ang sabi sa akin ni Anika ay ang agwat na isang upuan ng mga Soriano ay para sa kanilang asawa o nobya. Nahiya na lamang ako na hindi umupo matapos akong ipaghatak ng upuan ni Primo sa kanyang tabi.

Bakante ang susunod na upuan sa akin dahil dito raw dapat ang pang-apat nilang kapatid na nawawala, ang agwat naman na napapagitnaan nila Psalm at Hades ay para sa mapapangasawa ni Psalm.

"You're planning to marry her?" Hades immediately asked as he points his index finger at me.

"No, it will be disrespectful kung sa dulo siya ma-uupo." Wika ni Primo habang may hinihiwang karne ng baka sa kanyang plato, nang matapos siya ay agad niyang pinagpalit ang aming plato. "Kumain ka na, Anya."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon