Nakatingin lamang ako ngayon sa isang pinto, pinto na nasa loob ngayon ang bunso ng mga Soriano. Simula nang magkita-kita silang apat kasama si Don Hacinto, ay pumasok na daw ito agad sa kwarto at tanghali na hindi pa lumalabas. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong meron ngunit parang ang saya ngayon ng mga kapatid niya at tatay niya, ngunit siya? Paran naging kabaliktaran.Nagulat ako nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalake. Napa-atras ako dahil katulad nung tatlo ay sobrang gwapo rin pala ni Migo, sa totoo lang ay magkamukha nga sila ni Primo. Sa pagtingin ko sa mata niya ay nakita ko na agad yung lungkot dito, anong dahilan? Hindi ko makita sa mata niya yung buhay, tila ba walang gana ito.
"Hello." Nakangiti kong wika habang kumakaway sa kanya.
Matipid siyang ngumiti sa akin at nilibot ang kanyang tingin sa paligid.
"Saan ko kaya pwede makita si Don Hacinto? O kahit si Siwon."
"Ahh sigurado ako na nandiyan lang silang lahat, baka nasa sala." Masigla kong sagot sa kanya at tumango naman siya.
"Salamat." Naglakad na siya palayo habang ako ay pinapanuod lamang siya, kung hindi ko alam na si Migo ito ay iisipin kong si Primo ito habang nakatalikod.
"Migo!" Pagtawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin, lumapit ako sa kanya. "Kung may kailangan ka o kailangan mo ng tulong pwede ka lumapit sa akin."
"Salamat ulit, ano nga pala ang pangalan mo?"
"Sanya."
"Sinong boyfriend mo sa kanila? Si Hades?" Nanlaki ang mata ko at umiling-iling.
"Ano ba... uhm." Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin ngunit mabuti na lamang ay dumating si Primo at agad siyang lumapit sa amin.
"Good morning." Pagbati sa amin ni Primo. "Anong meron?"
"Pwede mo ba akong tulungan?" Kumunot ang noo ni Primo kay Migo.
"Sure, just say it."
"Pwede ba akong pumunta lang saglit sa Nueva Ecija?" Tiningnan ko ang mata niya at kitang-kita ko ang kagustuhan niyang pumunta sa Nueva Ecija. Mukhang tama nga yung sinabi ko kay Primo, na may naiwan isang mahalagang tao si Migo.
"Uhm." Hindi alam ni Primo ang isasagot niya, tumingin siya sa akin at ako naman ay tumango-tango sa kanya. "Let's just tell Papa that Anya and I will tour you in San Soriano."
Hanga talaga ako sa pagpili ng mga salita ni Primo, alam ko na kaya yoon ang gusto niyang ipalabas ay dahil malulungkot si Don Hacinto. Kung malalaman naman ni Migo na ito ang dahilan ay tiyak na makokonsensya itong pumunta ng Nueva Ecija.
"Sige, salamat." Maglalakad na sana siya pabalik ngunit hinarangan siya ni Primo.
"In one condition." Kumunot ang noo sa kanya ni Migo. "What ever happened in Pampanga or what's bothering you, you will tell it to Anya. I don't really know how to comfort my youngest brother, but Anya sure knows how to listen and what to say."
Nagulat ako dahil sa akin pinasa ni Primo si Migo, ngunit mas maganda nga ata kung may isa dito sa hacienda ang makaka-intindi manlang kay Migo. Dahil sigurado ako na kung ano man ang meron ay siguradong mabigat ang dinadala niya.
"Sige." Direktang sagot ni Migo na parang hindi manlang ito nag-iisip, ganon niya ba kagustong pumunta ng Nueva Ecija?
Hindi ko alam kung saan ang punta namin dahil nasa harapan ng kotse ay si Primo at Migo, si Migo na ang nagdadrive dahil siya ang nakakaalam kung saan man pupunta. Sa totoo lang ay sa bilis palang ng andar ng kotse ay mahahalata na ang kagustuhan ni Migo na makarating sa kung saan man.