PRIMITIVO SIWON SORIANO (WAKAS)

13.7K 528 168
                                    


There are countless destinations in this world, a destination where you will accomplish after your long travel. A destination that is in need for a navigation to determine your path on your way to it, but right now it feels different. They say that sail off without a map, ignore the directions and let your heart leads you to where it belongs. Go with the flow.

I don't need a path or a map, I want to walk endlessly without a destination. I want myself to lead me somewhere unexpected, something that I am not looking forward.

"Model ba 'yon?" nilingon ko ang isang babae na nagtanong dahil mukhang naguguluhan sila sa ginagawa ko. Maging ako ay naguguluhan na rin sa mga gingagawa ko ngayon, para akong baliw.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad habang walang tigil ang buhos ng ulan. Nasanay ako na sa bawat galaw ko ay laging planado, sa lahat ay kalkulado. Kaya sa tuwing sumasapit yung araw na 'to sinusubukan ko muna takasan yung reyalidad, sinusubukan 'ko na maglakad na walang patutunguan.

Sampung taon na ang lumipas simula nang umalis sina Mama at Migo. Nakita ko kung paano nahirapan sina Papa at ang mga kapatid ko sa pag-alis nila, pero ako... sinunod ko yung gusto ni Mama, kahit pitong taon pa lang ako no'n ay hindi ko 'yon nakalimutan. Palagi niya sinasabi na sa bagyo kailangan may isang puno na mamanatiling nakatayo, yung hindi matutumba para makatulong sa baha.

"Naliligaw ka ba, ijo?" ang kaninang tingin ko na nakadiretso lang ay napunta sa isang matandang babae na tumabi sa akin at sinalo ako sa kaniyang payong. Pero balewala na lang 'yon dahil basang-basa na ako ng ulan.

"Opo." sagot ko at binalik ko ang tingin sa harapan ko.

"Kailangan mo ba ng tulong-"

"Gusto ko po maligaw." mabilis na sagot ko na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Ngunit kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay nararamdaman ko ang titig niya sa akin na parang naguguluhan sa mga sinasabi ko. "Gusto ko po muna maglakad na walang patutunguhan."

Hindi sumagot ang matanda kaya nilingon ko na siya, diretso lamang ang tingin niya habang blanko ang ekspresyon niya. Hindi ko maintindihan ang inaakto niya, sa totoo lang ay kung kanino naguguluhan na ako sa sarili ko ay nadamay pa siya, naguguluhan na rin ako sa kaniya.

"Mauna na po ako." saad ko at naglakad na ako ngunit sinundan niya ako habang tinatapat niya sa amin ang kaniyang payong para hindi kami mabasa. "Ayos lang po sa akin na mabasa ako."

"Ayos lang sa 'yo na mabasa ka, pero yung mga taong nagpapahalaga sa 'yo ay hindi." natahimik ako sa sagot ng matanda, minungkahi niya gamit ang kaniyang kamay na ipagpatuloy namin ang paglalakad.

Yoon ang ginawa namin, naglakad kami na walang patutunguhan. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa matanda at tanging yapak lamang namin sa basang daanan ang naririnig ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kailangan samahan.

Tahimik at walang imik, sobrang dami ko na gustong itanong sa kaniya, katulad ng pangalan niya o kahit ang edad man lang. Pero walang salita ang lumabas mula sa bibig ko, siguro ay gusto ko rin ang ganito, ang may kasama.

"Alam niyo po ba kung nasaan tayo?" tumango ang matanda na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Malapit tayo sa kanluran ng San Soriano."

"Edi hindi po tayo naliligaw." saad ko dahil nang sumama siya sa akin ay mukhang yoon din ang kaniyang nais, ang maligaw na kasama ko.

"Pwede tayong maligaw kahit alam natin kung nasaan na lugar tayo, ijo." saad niya at hinarap ako. "Nung makita kita kanina at tinanong kita kung naliligaw ka ba. Hindi kita tinanong kung sa lugar ka ba naliligaw, tinanong kita dahil pakiramdam ko hindi mo na alam yung patutunguhan mo."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon