Umangat ang aming tingin, habang andito kaming lahat ngayon sa hapag kainan at kumakain ng hapunan. Nakapunta na kami ni Primo sa OB at mabuti na lamang ay healthy kami na pareho ni baby, dahil na rin sa sobra-sobrang pag-aalaga sa amin ni Primo.Pumasok si Samira, nanibago ako sa gupit ng kanyang buhok, maiksi na ito. Lalong lumabas ang ganda niya ngunit ngayon ang nakikita ko sa kanyang emosyon ay tila blanko, na sa tagal niyang nawala upang manatili sa kanyang mga magulang. Ang masasabi ko lang ay mas lalo siyang nag-iba, ngayon ay blanko na siya.
"Belated." She said to me, I just gave her a sweet smile and a slight nod as my response. "I'm sorry to you all, ngayon lang ulit ako nagpakita."
"Join us on our dinner, Samira."
"Sure, Papa." Agad siya na tumabi kay Primo, dahil nag-adjust kami ni Primo upang maka-upo siya. Ngayon ay nasa gitna naming dalawa si Primo, ako naman ay tahimik lamang ngayon.
"Congrats on your father, another three years of service from your family. Siya ulit ang nahalal na Mayor." Sabmit ni Don Hacinto, na tila ba masaya para sa pamilya nila Samira.
"Congrats on your family, not sure for the people in San Soriano." Sabmit ni Psalm, dahil alam naman ng lahat na kung gaano ka-corrupt ang pamilya nila Samira. Ngunit dahil sa pagiging talamak ng corruption sa bansa, ay tila ba nawalan na ng kapangyarihan ang mga taong apektado.
Na para bang sa sobrang pagiging normal ng korpusyon sa bansa, ay parang nawawalang bahala na lamang. Pinapabayaan na lamang ng iba dahil wala na silang magawa kaya, naman saluda ang mga tao o ako sa mga taong handa magsalita laban sa mga nakakataas.
"Do you have a problem with my family?" Taas kilay na tanong ni Samira kay Psalm. "You don't need to fill your words with sarcasm, you can go hit me with your straight words."
"Chill, there's no need to go over ballistic, if the allegations isn't true there's no need to get butt hurt." Nakangising wika ni Psalm.
"Nasa harap kayong dalawa ng pagkain-"
Nagulat kaming lahat lalo na ako ngayon, napatakip ako sa aking bibig nang biglaang itapon ni Samira ang tubig sa kanyang baso kay Psalm. Ngayon ay basang-basa si Psalm, nakatagilid ngayon ang kanyang mukha habang basang-basa, ngunit nang harapin niya si Samira ay ngumisi lamang siya.
"You can go and disrespect my family but not on my watch."
"I know that you're offended about what I just said." Nakatingin kami ngayon kay Psalm na unti-unting tumayo, nagulat ako nang unti-unti niyang itaas ang kanyang basang damit at hubarin iyon. Sinampay niya iyon sa kanyang balikat at uminom ng wine sa kanyang baso. "But I will never apologize for it, corruption at it's finest."
Agad siya na umalis si Psalm na walang pang itaas. Ako naman ay gulat pa rin ngayon sa kanilang eksena, habang si Hades at Don Hacinto ay napapa-iling na lamang. Si Primo naman ngayon sa tabi ko ay walang masabi sa nangyari.
"Ipagpatuloy niyo na ang pagkain. Samira, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng anak ko."
"Forgiven, Papa." Tumango na lamang si Don Hacinto at muli ay bumalik na kami sa pagkain.
Ngayon ay nasa kusina ako dahil gusto ko na makatulong sa kasambahay, ako ang nagpupunas ng mga natapos na nilang linisin na plato. Wala rin naman akong ibang magagawa kaya naman andito lamang ako.
"Maids, iwan niyo muna kami ni Sanya." Napatingin ako kay Samira, rinig na rinig ko ang tunog ng kanyang heels habang naglalakad siya papunta sa akin. Si Ate Anika ay nakatingin sa akin na tila nag-aalala, ngunit ngumiti lamang ako sa kanya.