"Anak, tahan na." Kanina ko pa sinusubukan na paitigilin sa pag-iyak si Soraya ngunit ayaw pa rin talaga. Simula nang magising siya ay akala ko may sakit dahil nanlalambing, bigla ba naman yumakap sa akin at umiyak. "Kakausapin natin si Cordelia, okay?""Mama, she's mad po. I don't want her mad." Umiling-iling pa si Soraya habang nakayakap sa akin.
"Pasensya ka na anak ah? Nadadamay pa kayo ni Cordelia sa away namin ni Samira." Hinaplos-haplos ko ang kaniyang buhok. "Sige ka, pag naabutan ka ng daddy hero mo na umiiyak, malulungkot din 'yon."
"Mama, pag naabutan po ako ni daddy hero na umiiyak ililibot niya po ako." Natawa naman ako sa sagot ni Soraya. "Hihintayin ko po siya."
"Mag-aalala 'yon, pag nakita ka niyang umiiyak." Nakita ko naman tila nakonsensya si Soraya, magsasalita pa sana ako nang sakto naman na tumawag si Dominique sa phone ko.
"Dominique?"
"Hey, I won't be able to go there today, there are some problems here that we are facing right now." Wika niya at ramdam ko ang lungkot sa boses ni Dominique. "Magtatampo kaya sa akin si Soraya?"
"Hindi, maiintindihan naman ni Soraya."
"Can I talk to her?" Inabot ko kay Soraya ang phone at kita ko ang ngiti niya nang malaman na si Dominique 'yon. In-open ko naman na ang loud speaker upang marinig ko rin si Dominique, dahil minsan ay nagkakasikreto yung dalawa na hindi ko alam, minsan ay kalokohan pa. "I won't be able to go home today, baby. Busy si daddy eh."
"Okay lang po." Biglang humikbi si Soraya dahil kakatapos niya pa lang umiyak at sigurado akong narinig 'yon ni Dominique.
"Hey? Umiiyak ka ba, Soraya? What happened? I'll talk to our General to let me go home for today."
"Dominique, 'wag ka OA." Wika ko at si Soraya naman ay natatawa nang bahagya.
"Nag-cry lang po ako kanina dahil mad pa rin po sa amin si Cordelia, pero okay na po ako ngayon because you are talking to me na daddy and also because of mama po."
"Sure? Gusto mo ba magpadala ng foods ako diyan? Tell me what you want, anak."
"Dominique 'wag na, aalis din kami ngayon dadalhin ko sa mall 'yan si Soraya."
"Be safe alright? I'll call again after an hour, Sanya." Seryosong boses ni Dominique. "I love you both, uuwi ako sa inyo bukas."
"We love you too, daddy hero! Pag wala po kayo tomorrow okay lang po daddy, alam ko naman po na busy kayo sa work mo." Napangiti ako dahil sa pagiging maintindihin ng anak ko.
"Ang sweet naman ng baby ko. I'll talk to you again later alright? Daddy just need to end the call now."
"Okay po."
Andito kami sa isang fastfood chain na paborito ni Soraya, inaaya ko siya sa ibang kainan pero dito pa rin talaga sa Jollibee yung gusto niya. Tuwang-tuwa pa habang kumakain ng ice cream, ako naman ay kinukuhanan siya ng litrato at ang iba ay pinapasa ko kay Dominique.
"Anak, punta tayo sa bilihan ng damit sa taas ah? Bibilhan kita mga bagong damit."
"'Wag na po, mama. Ang dami ko na damit, bili ka naman po for yourself."
"Sige bibili ulit ako ng damit na magkapareha tayo." Tumango-tango siya at ako naman ay kumain na rin.
Nang matapos kami kumain ay dumiretso agad kami sa bilihan ng mga damit, tumitingin ako ng mga magagandang damit dahil ang dami. Lahat ay bagay sa anak ko.