CHAPTER 20

10.6K 396 87
                                    


"Ako na diyan, Anya." Kinuha sa akin ni Primo ang bag na dala ko. Sa linggong ito na ang kaarawan ni Don Hacinto, lagi niyang gusto na sa kanilang rest house dito sa Baguio ito ginaganap.

Ang sabi sa akin ni Primo ay dahil doon sila nagkakilala ng nanay nila, isa pa ay doon daw pinanganak si Migo. Nasa rest house sila na 'yon nang maramdaman ng Mama nila ang paghilab ng tiyan nito, malapit na niya pala na ipanganak si Migo. Doon ko nalaman na mahal na mahal ng tatlong kuya ni Migo siya. Kinwento pa sa akin ni Primo na nagtutulakan pa sila sa tuwing tinitingnan si Migo sa kuna.

Kaya naman noong kinailangan na umalis ni Migo at ng Nanay nila upang magpakalayo para na rin sa kaligtasan nilang dalawa. Sobra-sobra daw ang pag-iyak nila Psalm at Hades noon, maging si Don Hacinto daw ay nakikita niya tuwing gabi na miss na miss ang ina nila at ang bunso ng Soriano. Kung pwede lamang na mahanap ko na lang agad si Migo para manlang pagbawi ko sa mga tulong nila sa amin.

Kaharap na namin ngayon ang malaking rest house nila, wooden ito kaya mas lalo pa itong naging maganda. Ang mga ibang katabing bahay pa nito ay nasisiguro kong mga malalaking tao o mga sikat.

"I remembered when we first had sex here, Siwon." Hades chuckled while i'm kinda flustered after what Samira said. Ang weird lang na mapakinggan nito, gusto ko sanang takpan ang tenga ko.

"That's too much to share huh." Wika ni Primo, binuhat niya na rin ang bag ni Samira. Pumasok na kaming lahat sa bahay, maginaw ngayon kaya naman balot na balot ako.

"Siwon, can we share room?"

"No, Samira. There's nothing in between us anymore to do that, i'm only here for you because you're pregnant." Pagpapa-alala sa kanya ni Primo. "You should stop clinging to me, what's with us before is now long gone."

"But what if I couldn't sleep because of my pregnancy? Just like Sanya?" Napatingin tuloy ako sa kanila at si Primo ay na-iiling na lamang. Alam iyon ni Samira? Posible rin naman siguro talagang malaman niya dahil nasa iisang bahay lamang kami.

"That's when pillow comes." Pambabara ni Psalm, hindi siya pinansin ni Samira at dumiretso na lamang paakyat sa taas. "Sanya, you should stay twelve feet away from that woman. Six feet for personal distance and another six feet for her contagious brusqueness, which is one of her family traits."

Naiwan kami ngayon dito sa rest house, may pinuntahan ang mga Soriano na isa pang rest house. Dahil andoon ang isang pamilya na kakilala nila, tanging kami lamang ata ni Samira ang naiwan dito, mabuti na lang ay sinama si Ate Anika.

"Dali, Sanya! Ang ganda na ng mga pictures ko!" Natawa naman ako dahil kinukuhanan ko siya ng mga litrato. Maganda ang background niya at tuwang-tuwa pa si Ate Anike." Ikaw naman nga kuhanan ko litrato! Sayang kung di natin magagamit itong iphone na pinahiram ng kaibigan ko!"

"Ayoko, Ate Anika."

"Ano ka ba! Sayang ganda mo kung hindi makukuhanan ng litrato!" Pinwesto niya ako sa pwesto niya kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bigla naman na humangin ng malakas ako naman ay napapikit dahil dito. Napatingin naman ako kay Ate Anika at tuwang-tuwa siya.

"Oo na! Ikaw na ang photogenic! Isang litrato pa lang yan ah!" Pinakita niya sa akin, maganda nga ang kinalabasan nito. Bahagya akong nakatingala habang nakapikit ang aking mata, hinahangin ang buhok ko at ang suot ko.

"Ayoko na, Ate." Natawa naman siya at natatawa kami sa mga litrato niya na kinuhanan ko, dahil kadalasan ay hindi siya handa.

"Sanya." Napatingin kami kay Samira, agad na tumabi sa akin si Ate Anika upang ipaalam sa akin na andito lang siya. "Do you want to go with me? I'll buy some clothes in the mall here, your maid should come with us."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon