"Mama?"Agad na inangat ko ang aking tingin mula sa pagkaka-dukdok ko sa kama na hinihigaan ng anak ko. Inabot ni Soraya ang kamay ko at agad ko na hinawakan ang kamay niya. Naiiyak ako habang nakangiti ngayon sa anak ko, ginawa ni Samira ang kasunduan. Binigyan niya muli ng pag-asa para mabuhay ang anak ko.
Walang tigil na pasasalamat ang nais kong ibigay sa Diyos ngayon. Tila ako binunutan ng tinik o ng kung ano ng mga bagay na hindi ko mapaliwanag. Sobrang saya, sobrang saya ng puso ko ngayon, Soraya.
"Soraya." Niyakap ko siya, yakap na tila hindi ko na papakawalan pa. Walang tigil ang iyak ko habang yakap-yakap si Soraya.
"Daddy hero?" Napatingin kami kay Dominique na nakangiti rin habang nakatingin sa aming dalawa. "Hug ko po?"
Natawa kami nang bahagya ni Dominique, agad siya na lumapit upang yakapin kaming dalawa. Sobrang saya ko dahil nakayanan ni Soraya, nagawa niya na gumising. Pareho kaming hinalikan sa ulo ni Dominique habang yakap niya kaming dalawa ni Soraya.
Alam ni Dominique ang kasunduan namin ni Samira, wala rin siya magagawa dahil kailangan ko na gawin 'yon. Pero alam ko na hindi malalayo si Dominique kay Soraya, pero paano si Primo? Ngayon na alam niya na siya ang ama ni Soraya, paano? Sobrang dami ko na dapat isipin o dapat na ayusin, pero ngayon ang mahalaga na lang ay nakaligtas ang anak ko.
"Mama, akala ko po hindi ko na po kayo ulit makikita ni daddy."
"We won't let that happen, Soraya. Just like I always tell you, we will do anything for you. Lahat-lahat gagawin namin ng mama mo para sa 'yo." Umayos si Dominique upang halikan sa noo si Soraya, kaya bahagya muna akong lumayo upang mabigyan sila ng space. "Kahit anong bala o baril sa kampo hindi ako natakot, Soraya. Pero nung maaksidente ka, para akong hindi sundalo dahil sa sobra-sobrang takot na naramdaman ko."
"Diba po dapat hindi weak and coward ang soldier?" Pang-aasar sa kaniya ni Soraya.
"Soraya, I know that I always tell you that I am invulnerable. But I know now, you and your mom are my only vulnerability."
Hinapit ako palapit muli ni Dominique upang muli kaming yakapin na sabay ni Soraya. Natatawa pa nang bahagya si Soraya dahil kay Dominique. Iba ang nararamdaman ko pagdating sa 'yo Dominique pero bakit gano'n din kay Primo? Gusto ko klaruhin ang sarili ko peor alam ko na wala ng pag-asa pa, dahil aalis na rin agad kami ni Soraya.
"Kayong dalawa yung laging magiging nasa isip ko sa tuwing sasabak ako sa gera."
"Dominique?" Lumayo ako nang bahagya at siya naman ay natawa nang dahil sa inakto ko. Ang tingin ko sa kaniya ay tila ba hindi ako makapaniwala sa minungkahi niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"May gulo ngayon sa bansa natin, pinagbabantaan yung Presidente, Sanya."
"Bakit kasali ka?" Gusto kitang pigilan, Dominique. Gustong-gusto ko na kahit noon pa lang ay gusto na kitang patigilin sa trabaho mo, peor alam ko na tulad namin ni Soraya ay mahal mo rin ang trabaho mo. Alam ko rin na ang sundalo oras na pumasok sa kanilang serbisyo, nakataya na agad ang buhay nila at hindi dapat sila magpakita ng kahit anong takot o pag-aalinlangan.
"Sundalo ako, Sanya. Hindi lang Presidente ang nakalugar sa kapahamakan dito, buong bansa rin. NPA ang kalaban namin, hindi ito basta-basta lang." Umiling-iling ako sa kaniya at siya naman ay natawa. "Sa tingin mo ba may mangyayaring masama sa akin? Wala Sanya, kasi lagi kong pinapangako sa inyong dalawa na uuwi ako sa inyo hindi ba?"
"Dominique, natatakot ako..."
"Soraya, yung mama mo walang believe sa akin oh."
"Mama, magaling yung daddy hero ko! Tatalunin niya yung mga bad guys na 'yon!" Tinawanan ako nang bahagya ni Dominique nang makita niya ako na umiiyak habang umiiling. Hindi naiintindihan ni Soraya ang nangyayari.