CHAPTER 37

9.4K 413 237
                                    


"Soraya!"

"Hangang dito na lang po kayo." Pareho kami na huminto ni Samira nang isara na sa harap namin ang pinto. Walang tigil ang iyak ko nang makita ko na tila naliligo sa sarili niyang dugo ang anak ko, wala na akong pake sa kung nakatakas o hindi yung nakabangga, ang mahalaga sa akin ngayon ay ligtas si Soraya.

Maging si Dominique na ngayon ay tila hinahabol ang hininga habang katabi ko. Sakto na dumating siya nang mangyari 'yon kaya agad siya nakahingi ng tulong, mabuti na lang at andoon siya. Dahil tila naging estatwa ako kanina na hindi alam ang gagawin, kahit hangang ngayon ay hindi pa rin sa akin klaro ang lahat.

"Anong nararamdaman mo ngayon ha?!" Gumawi ang luhaan kong mata nang biglang itulak ni Samira si Cordelia. "Ikaw ang may kasalanan kaya nabangga si Soraya!"

"Samira, kung ako nga na ina hindi naman sinisisi si Cordelia. 'Wag na 'wag mo sasaktan ang sarili mo anak." Wika ko habang walang tigil pa rin ang luha ko, ang mga kaunting hibla ng buhok ko ay nagdikit na sa mukha ko dahil sa mga luha

"Magkaiba tayo, dinidisiplina ko si Cordelia. Pasalamat ka nga at kahit papaano ay dinidisiplina ko si Cordelia, siya ang dahilan nito, Sanya!"

"Walang kasalanan si Cordelia, kung hindi mo rin naman sinaktan yung anak mo hindi siya tatakbo."

"Dinidisiplina ko siya, 'wag kang tanga."

"Hangang dito pa rin ba?!" Napatingin kami sa galit na boses ni Dominique. "Tangina hindi ko alam kung anong pwede mangyari sa anak ko sa loob ng kwarto na 'yan, pero hangang ngayon away pa rin?"

"Bakit hindi mo pagsabihan yang Sanya na 'yan? Bukod sa parang walang pake kay Soraya, itanong mo rin kung bakit hangang ngayon lumalandi pa rin siya kay Siwon."

"Umalis ka na lang, Samira. Dahil baka hindi ako makapagpigil at sumunod ka rin ngayon sa pinagpasukan ni Soraya." Madiin ko na wika at siya naman ay tiningnan lang ako nang masama. Pigil niya ang kaniyang sarili at tumalikod na tila ba sapilitan ang kaniyang pag-alis.

"Teacher Sanya." Bumaba ang tingin ko kay Cordelia na umiiyak, nagulat ako nang biglaan ay lumuhod siya. "Teacher, hindi ko po sinasadya, I don't want Soraya to get hurt po, teacher."

"Cordelia, tumayo ka." Tinulungan ko siya tumayo, kahit puno ng luha ang mukha ko ay ngumiti ako sa kaniya at inayos ang buhok niya na nakatabing. "Wala kang kasalanan okay? Umuwi ka na muna sa daddy mo o sumama ka na muna sa mommy mo."

Bigla ay yumakap siya sa akin at bumulong.

"Teacher, sasaktan niya po ako." Bulong sa akin ni Cordelia habang umiiyak at nanginginig ang boses dahil sa takot. "Teacher, ayaw ko po... gusto ko rin po mag-wait na maging okay na si Soraya."

"Cordelia, tara na." Nilayo ko si Cordelia kay Samira, nilagay ko siya sa likod ko. "Ibigay mo sa akin si Cordelia, Samira."

"Hihintayin niya si Primo dito, yung nakita ko na pananakit mo sa kaniya? Sapat na dahilan na 'yon para ilayo ko ngayon si Cordelia."

"Bakit ano bang karapatan mo? Bakit hindi mo alalahanin si Soraya na nasa delikadong kondisyon ngayon?"

"Hindi ko hahayaan na may isa pa na masaktan sa kanila ngayon, umalis ka na."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon