"Bakit naman po biglaan?" Tanong ko dahil bahagya pa akong naguguluhan. "Gusto ko po talaga na sumama para sa reaching program, kaya lang po wala po akong mapag-iiwanan si Soraya.""Nako, wala ka bang kakilala Teacher Sanya?"
"Susubukan ko po na tawagan si Dominique."
"Nako sana pumayag yung asawa mo!" Natawa na lang ako nang bahagya dahil sa sinabi niya, akala nilang lahat ay asawa ko si Dominique. Sa hindi ko malamang dahilan, kahit hindi ito totoo ay para bang ang sayang isipin nito. Hindi ko malaman kung bakit hindi ko ito matanggi ngayon
Nang matapos ang klase at kami na lang ni Soraya ang nasa room ay agad ako na tumawag kay Dominique. Ilang rings lang ay agad niya na rin itong sinagot, hindi ko mapigilan na mapangiti dahil lagi niya sa akin sinasabi na tumawag lang ako, kahit gaano siya ka-busy ay sasagutin niya rin agad, na kahit nga raw sa gitna ng kaniyang tulog ay gigising siya.
"Hmm, baby?" Natawa ako nang bahagya.
"Hindi 'to si Soraya."
"I know." Umiling-iling na lang ako, kay Soraya ako nakatingin habang hawak ang phone, pinapanuod ko ang ginagawa niyang paglalaro sa mga lego niya.
"Busy ka ba tomorrow tapos sa susunod na araw?"
"Why?"
"May reaching program kasi ang school, gusto ko kasi talaga sumama para masubukan makapagturo sa mga ibang bata. Dalawang araw kasi siya, Dominique."
"You're worrying about Soraya? Sanya, you can just go, pupuntahan ko kayo ni Soraya bukas. Isasama ko siya sa kampo." Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.
"Pwede ba siya riyan?" Alam ko na maayos naman doon at sigurado ako na hinding-hindi mapapabayaan ni Dominique si Soraya.
"Hmm, usually kids are not allowed, but it's your Dominique who's talking. Malakas ata itong manliligaw mo."
"Sige na! Salamat ng madami, Dominique." Nakangiti ko na wika.
"Anything for you, Sanya. Pauwi na ba kayo ni Soraya? Be safe and tell her that I love her."
"Sige, sasabihan ko."
"I'll end the call, Sanya. I love you." Tinapos niya na agad ang tawag at ako naman ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Magliligpit na sana ako ng gamit nang biglang may kumatok sa pinto, nanlaki ang mata ko nang makita si Uno.
"Uno?" Kumaway siya sa akin habang nakangiti. "Kamusta?"
"Ikaw dapat tanungin ko niyan. I was so surprised to know that you're back and you're now a teacher."
"Oo." Napatingin siya kay Soraya na nasa mga laruan ang focus.
"Siya na ba si Soraya?" Napatingin ako sa hawak niya na box, mukhang barbie ito at halatang mamahalin.
"Oo, Anak!" Napatingin sa amin si Soraya, nakangiti siyang lumapit. "Siya yung Ninong Uno mo, naalala mo yung garfield mo na bear sa bahay? Siya nagbigay no'n."
"Hello po!" Kumakaway sa kaniya si Soraya.
"Nako, Uno. Hindi 'yan lagi makatulog pag hindi katabi yung teddy bear na 'yon, hangang pagbalik namin dito ay kasama niya." Hindi nagsasalita si Uno, nakatingin lang siya kay Soraya. Bigla ay bumaba siya at yumakap kay Soraya, napangiti naman ako dahil sa pagyakap niya kay Soraya. "Ninong, regalo raw gusto ni Soraya hindi yakap."
"I have both for her." Natatawang wika ni Uno at bahagyang lumayo, nanlaki ang mata ni Soraya nang makita ang box.
"Mama, yaan po yung nakikita ko sa youtube!" Kita ko ang labis na tuwa sa anak ko habang hawak ang box. "Thank you po, ninong!"