CHAPTER 23

8.8K 306 54
                                    



Nakangiti ako na pinagmamasdan ang hubog ng aking katawan dito sa salamin ng banyo. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, ngayon na malapit na namin makasama ang anak namin ni Primo. Labis na tuwa, kaba, at excitement ngunit walang halong takot para sa akin. Dahil alam ko na kahit ano ang mangyari nasa tabi ko sila.

Lumabas agad ng kwarto oras na maka-pagbihis na ako, oras na ng umagahan ko at kailangan pa na tamang oras ang mga vitamins ko.

"Sanya." Gumawi ang tingin ko kay Migo, agad ako na ngumiti sa kaniya.

"Magandang umaga." Pagbati ko sa kaniya.

"Good morning din."

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kaniya at siya naman ay tumango. "Ano 'yon?"

"Pwede mo ba na kumbinsihin si kuya?"

"Si Primo?" Tumango siya at napakamot sa kaniyang batok.

"Gusto ko kasi na magtrabaho habang hindi pa ulit nagsisimula yung pasukan, ayaw naman pumayag ni Papa maging ni kuya Siwon." Sumandal siya sa cabinet na may mga nakapatong na vase, nandito kami ngayon sa hallway. "Gusto ko kasi ng trabaho kahit sa pagbubukid, kahit saan."

"Mas gusto ata nila na matuto ka muna sa business bago ka magsimulang magtrabaho."

"Yeah, kaya naman gusto ko na simulan sa umpisa."

"Susubukan ko na kumbinsihin si Primo, pero hindi ko mapapangako. Kasi alam mo naman yung mga 'yon pagdating sa'yo, lalo na at ngayon lang nila nakasama ulit bunso nila." Parang nahiya si Migo sa sinabi ko, mukhang hindi pa siya sanay na tinatawag na bunso. "Tara na sa baba? Sigurado akong andoon na sila."

"Sanya, may itatanong pa nga pala ako." Muli ko siyang nilingon. "Nakikita mo ba yung sarili mo na magiging pamilya kasama si Primo?"

"Ano?" Naguguluhan ko na tanong.

"I am just curious." Natawa siya nang bahagya. "Because even after I left Dior, I can still see myself enjoying the thought of having family with her and I will never get tired of it."

"Hindi ko alam, Migo. Pero masasabi ko na pamilya ko na si Primo, kayo. Pero hindi ko masasagot kung kapareho na ba ng pagtingin mo kay Dior ang pagtingin ko sa kuya mo. Ayoko na pumasok sa isang bagay agad na yung kuya mo yung masasaktan, masyado siyang mabait."

"The family is lucky to have you, Sanya."

"You're the Soriano's luck, not me." Natatawa ko na wika, sabay kami na bumaba at naabutan namin na si Primo at Samira lang ang nag-aagahan. "Magandang umaga."

"Migo!" Tumayo agad si Samira at gumawi ang tingin sa kaniya ni Migo. "I have this friend who's very interested on you! She's beautiful, sophisticated, and she came from a rich family!"

"You call that rich? I call that poverty." Wika ni Psalm nang makadaan siya at agad na naupo na may ngisi. Inirapan lang siya ni Samira.

"May babalikan pa ako sa Nueva Ecija." Sagot ni Migo at nilagpasan si Samira, si Samira naman ay nakakunot ang noo.

"I'll show you her pictures!"

"Pasensya na, hindi ako intresado." Naupo na ako, si Primo naman ay nakatingin sa akin.

"Bakit?" Bigla ba naman ay kinindatan ako kaya kumunot ang noo ko sa kaniya. "Alam mo, ipagpatuloy mo na lang pagkain mo."

"Maaga ako aalis." Natatawa niyang wika dahil natuwa siya masyado sa nakita niya na reaksyon ko. "But I will be home earlier."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon