CHAPTER 31

12.9K 456 300
                                    


Hawak ko ang kamay ng anak ko habang naglalakad na kami papunta sa classroom, may lollipop na kinakain si Soraya kaya hindi siya ngayon madaldal. Diretso lang ang lakad namin nang bigla na may lumapit sa akin na mga studyante.

"Hello po, teacher." Sa tingin ko ay mga senior high school ang mga 'to, ngumiti naman ako sa kanila. "Bago po ba kayo dito, ma'am? Grabe, kayo na po ata pinakamagandang babae na nakita ko."

"Kayo talaga, pero salamat. Hindi pa ba simula klase ninyo?"

"Vacant pa po kami-"

"Sundalo ang daddy ko." Napatingin naman sila nang biglang magsalita si Soraya. "Gusto n'yo isumbong ko kayo?"

"Crush lang naman, ang cute mo." Wika naman nung isang lalaki, tatlo silang mga studyante.

"Sige na, mauna na kami dahil may klase pa ako." Wika ko sa mga studyante. "Mag-aral kayo nang mabuti."

"Mas gaganahan po kami na mag-aral nang mabuti kung kayo po teacher namin, puro na po kasi matatanda nagtuturo sa amin." Natawa naman ako sa sinabi nung lalaki. "Masungit pa."

"Oo nga, ma'am. Babalik po ako ng pre-elem maging teacher lang po talaga kayo."

"Puro kayo kalokohan, sige na mauna na kami." Kumaway pa sila sa amin, malapit na lang naman ang classroom kaya agad kami na nakarating doon.

Naabutan ko si Samira na kasama si Cordelia, nakasuot siya ng sunglasses habang ang damit niya ay halatang mga mamahalin. Hinubad niya ang kaniyang salamin at hinarap ako. Iba ang kutob ko ngayon kung bakit andito si Samira.

"Your uniform suits on you, you know what else suits on you?" Tanong niya sa akin. "Maid uniform or kung 'di man, yung dress na suot mo nang mang-akit ka ng mga mayayaman na lalaki sa bar noon."

"Soraya, pasok na muna kayo sa loob ni Cordelia." Tumango naman si Soraya, hawak-kamay sila ni Cordelia na pumasok ng classroom. "Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit kailangan mo pumunta rito, pero ito lang masasabi ko sa 'yo, Samira. Masyado ka ng matanda para mag-aral muli ng GMRC."

"Don't you find it ironic? Nagtuturo ng manners, ang nagpapabuntis kung kanino tapos ipapa-ako sa iba? Hindi lang 'yon, dating prostitute pa."

"Alam mo kung andito ka para maliitin at laiitin ako, ang masasabi ko lang sa 'yo ay 'wag mo sayangin ang oras mo sa akin. Ituon mo yung oras mo sa kung paano mo ikakalma yung sarili mo sa tuwing nakikita ako, mukha kasing hindi ka mapakali. Hindi ba dadaan ang isang araw na hindi ka mangangamba sa presensya ko?"

"I am just here to give you this." Pinakita niya ang isang papel, mukhang check ito. "I have this friend who owns a private school, the salary is same with the salary here. You can also take this check to buy yourself some of my dresses like mine, which costs morethan your salary for a year. You can also spoil your daughter with it."

"Gusto ko sanang tanggapin, kaso mukhang galing sa pera ng bayan noon 'yan." Kumunot ang kaniyang noo. "Hindi nga pala napatunayan na corrupt ang mga magulang mo, pasensya na. Pero sa 'yo na 'yan, baka mabawasan pa yaman n'yo at maisipan na naman na bumawas sa pera ng bayan."

"Just like how you accused me before, on being the impostor. Pero look what happened? It turns out that you have all the lies that the world could possibly have in you."

Napatingin ako sa bell nang tumunog na ito.

"Yung dinaanan mo papasok, sa kabilang gate naman nito ang labasan. Makakaalis ka na, Samira." Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa room, napatingin ako sa anak ko at kay Cordelia. Iniisip ko pa lang kung ano ang mga napagdaanan ni Cordelia sa kamay ng ina niya habang wala si Siwon ay nagagambala na ako. Sa pinakitang ugali ni Samira nung birthday ni Don Hacinto maging kanina, masasabi ko lang na wala pa rin pagbabago ang ugali niya.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon