Ako lamang ang tao ngayon dito sa hacienda, nasa kanya-kanyang mga kailangan nilang gawin o puntahan ang mga Soriano. Nakangiti akong humarap sa mga katulong dito sa bahay na mga mukhang masisigla rin."Ate Anika!" Ngumiti siya sa akin habang siya ay nagpupunas ng vase. "Pwede ba akong tumulong?"
"Nako, Sanya! Naka pang-alis ka na tsaka buntis ka noh! Mapagalitan pa ako ni Don Siwon."
"Ano ka ba! Mag-iingat naman ako-"
"Where's Siwon?" Napa-angat ang tingin agad naming dalawa ni Anika kay Samira, pinagmasdan ko ang kanyang mukha at kumunot ng bahagya ang aking noo. Umiiyak ba siya? Bakit parang nagluluha ang mata niya habang namumula ito dulot ng labis na pag-iyak?
"Umalis po, Ma'am Samira. Pero babalik naman na po siya pag sinundo na si Ma'am Sanya." Pagsagot ni Anika habang nakangiti kay Samira.
"Okay, thanks." Hinawi niya ng bahagya ang kanyang buhok at nakayukong na-upo sa sofa. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung ano ba ang problema niya ngunit nahihiya ako, sadyang mahiyain na lang siguro talaga ako na kahit gustong kong lapitan ang isang tao para tulungan ay kinakahiya ko pa.
Umalis na si Anika ngunit ako ay andito pa rin at pinanuod si Samira sa paghawi niya pataas ng kanyang buhok mula sa kanyang noo, napa-pikit siya at nilapag sa lamesa ng padabog ang kanyang phone. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.
"Ayos ka lang ba?" May nakahanda akong panyo para sa kanya sa aking palad ngunit tumango lamang siya at pinahid ng kanyang kamay ang kanyang luha. "Alam mo sabi ng Lola ko? Mas magandang maglabas ng problema sa taong hindi mo pa masyadong kilala."
"This is nothing, it's just that i'm over dramatic and overthinking."
"Gagaan yan pag nagkwento ka." Nahihiya akong na-upo sa kanyang tabi at ngumiti. "Mas bagay sayo yung medyo mataray kesa umiiyak, Ate Samira."
Natawa siya at kinuha na ang panyo sa aking palad at pinunasan ang kanyang luha.
"Ayos ka lang ba?"
"Yup, I'm alright." Kahit ganoon ang kanyang sagot ay taliwas pa rin ang nakikita ko sa kanya, gusto ko siyang tulungan ngunit ano ang sasabihin ko? Hindi ko naman alam ang dahilan ng mga luha niya.
"Parang wala namang taong nagsabing hindi sila ayos."
"Ugh, you're persistent ah." Tumawa siya ng bahagya at sumandal sa sofa habang nakatingin sa panyong binigay ko sa kanya.
Sa una naman talaga ay ang tingin ko na sa kanya ay mabait siya, hindi ko lang alam kung bakit nasasabi ng iba na masama ang ugali ni Samira o ng mga Ardiente dito sa San Soriano. Siguro ay dahil corrupt ang tatay niya? Pero ibahin naman sana nila yung tingin nila sa mga kasama nito.
"I don't know what I want anymore, hindi ko na alam kung ano ang gusto ko o ano ang dapat kong gawin. Palagi na lang ang gusto nila ang dapat, palagi dapat yung galaw ko ay naka-ayon sa gusto nila. Do you get what I say? I am me, i'm the boss of my own body but not by my decisions, actions, mind, and willingness."
Pinanuod ko ang paglandas ng kanyang mga luha, ngayon ko lamang siyang nakitang ganito na para bang sobrang lungkot niya.