CHAPTER 25

9K 308 150
                                    


Mabagal ang takbo ng oras, mabagal ang ikot ng mundo, sa kahit na anong parte na kung saan ako dadalhin ay tila ba mabagal ang galaw o kilos ng bawat tao, kay dami ng pasilyo ang nadaanan. Nais ko na pabilisin ang oras, ngunit ang tanging bumibilis lamang ay ang takbo ng puso ko. Tila ba may hinahabol ito na kung saan dapat ito patungo.

"Anya." Hinawakan ni Primo ang kamay ko at kita ko sa kaniyang mata ang labis na pag-alala. "Everything will be alright okay?"

"Primo, yung lola ko." Paalala ko sa kaniya habang hinang-hina ang boses ko at nakahiga, tinatakbo kami ngayon ni Samira papunta sa emergency room ng hospital, pareho kami na nakahiga sa stetcher. "Kailangan niya tayo."

"Ako ang bahala, Anya-"

"Hangang dito na lang po kayo." Wika ng nurse nang haranging niya si Primo, nagtagpo ang mata namin na dalawa habang pinapasok ako sa emergency room.

"I'll take care of your lola, just please promise me that you will be fine!" Sigaw niya at sa maikling segundo habang papasara ang pinto, binigyan ko siya ng ngiti kahit na sa labis na sakit at paghihina na nararamdaman ko.

Kakayanin ko para sa inyo ng anak natin Primo at para kay lola.

"She's ready." Salita ng doktor, kahit sa ingay ko dahil sa pagdaing ko dulot ng sobra-sobrang sakit na nararamdaman ko. Kahit sa mga daing ko ay dinadasal ko sa isipan ko, humihingi ako ng tulong sa panginoon na sana ay gabayan niya ako ngayon. Ngayon na kailangan ko ang gabay niya at dasal ng mga tao sa labas.

Nanlalabo ang aking pangingin, nakikinig lang ako sa mga pinapagawa ng doktor. Walang tigil ang aking pagtulak palabas sa aking anak, kaonting oras na lang ang natitira anak, magkikita na tayo.

"Push harder." Mungkahi ng doktor at iyon nga ang aking ginawa, pilit ko binigay ang lahat upang matagumpay ko na masagawa ang panganganak. "The head is out."

"Hindi ko na po kaya." Yaan ang lumabas sa bibig ko habang hinang-hina ako, ngunit kahit na anong sabihin ko ay alam ko na hindi susuko ang puso't isipan ko sa nangyayari sa akin ngayon.

At sa huling tulak ko palabas sa aking anak ay naging matagumpay na. Puno ng luha at pawis ang aking mukha dahil sa sobra-sobra na paghihirap, hinang-hina ako na tila ba wala na akong ibubugang lakas.

Ngunit nang marinig ko ang iyak ng aking anak, kahit sa malabo ko na paningin at kahit hindi ko manlang siya nakita. Muling lumuha ang aking mata habang may ngiti sa aking labi, dahil ang luha ko ngayon ay hindi na dulot ng paghihirap, kundi dulot na ng labis na kaligayahan.

Hindi na kinaya ng aking katawan ang nangyayari, unti-unti ay sumara na ang aking mata. Hangang sa hindi ko na naaninag pa ang mga bulto ng mga tao sa paligid ko.

"Is she awake?"

Sa unti-unting pagbukas ng aking mata, agad ko na nakita ang mga Soriano maging ang mga Ardiente sa isang malaking kwarto ng hospital. Gumawi ang tingin ko sa gilid ko at nakita ko si Primo na may ngiti sa akin, ngumiti rin ako ng tipid sa kaniya.

"Nanghihina ako." Napatingin ako sa kabilang kama, si Samira na agad inalalayan ng mga kapatid niya upang makahiga nang maayos. "Asaan ang anak ko?"

"Papunta na ang mga nurse at dala nila ang anak niyo." Mungkahi ni Don Hacinto, naramdaman ko ang paghawak ni Primo sa kamay ko.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon